Kabanata 19

450 14 0
                                    


Kabanata 19

Rapid

Minsan, sa sobrang saya mo, hindi mo na namamalayan ang bilis ng takbo ng oras. Ni hindi ko nga yata napahalagahan nang maayos. Ako, inaamin ko, madalas ay gusto kong umusad ang araw nang mas mabilis. Ngunit ngayon, pinagsisisihan kong ganoon ang pag-iisip ko noon.

Ngayon, parang gusto ko na lang bumalik sa nakaraan. Hindi ko alam kung alin ba roon: iyong kasama ko pa ang mga kaibigan ko, noong kasama ko pa si Nadia, o iyong kasama ko pa si Chester?

Pero iyong kasama ko si Mama noong bata pa ako, ayaw ko nang balikan. Gusto kong... manatili na lang sa kinaroroonan ko ngayon. Ni hindi ko nga maalala ang lahat ng nangyari noon dahil... traumatized ako. Sino naman kasi ang hindi, hindi ba?

Nakatitig lang ako sa fountain sa gitna ng Hacienda Flores. Maganda naman... Maganda ang naging resulta ng ilang buwang pagre-renovate sa hacienda ni Lola Dominga. Ngunit ang siyang ipinagtaka ko ay kung bakit ganito lang? Ito lang ang nadagdag? Fountain lang para sa ilang buwan? At iyong mga kubo na napalitan?

Matapos ng birthday ko ay hindi ko nakausap si Nadia at Papa dahil ang sabi ni Ate Marie, wala raw siyang pantawag. Ang sabi ko ay ako ang tatawag ngunit sabi niya ay may pinagkakaabalahan siya. Hindi ko siya makuha. Para siyang umiiwas sa hindi malamang dahilan.

"Gusto ko na ring umalis dito. Naaawa lang talaga ako kay Madame Dominga."

"Naaawa ka roon?" Tumawa ang lalaki. "Kung hindi naman dahil sa laki ng perang ipinasasahod niya sa atin, hindi ako magseserbisyo sa mga Flores. Isama mo pa 'yang mga Dela Fuente."

Hindi ko naman maiwasang makinig sa pag-uusap nang dalawang tauhan ni Lola Dominga sa likuran ko. Napalingon ako sa kanila. Alam naman yata nilang may tao rito... Na narito ako.

May kung ano'ng nagtutulak sa akin para pakainin ng kasagutan ang mga kasagutan sa utak ko. Dinaga man ang puso ko, nagpatuloy pa rin ako. Kinalabit ko ang isa sa kanila. Ganoon na lang din ang gulat at pagtataka sa kanilang mga mukha nang mapagtanto kung sino'ng nasa harap nila.

"Arianne—nariyan ka pala! Kanina ka pa?"

Kilala pala nila ako. Nagkatinginan ang dalawa na parehas nanlalaki ang mga mata. Tipid ko lang silang nginitian. 

"Ayos lang." Tumawa ako. "May tatanong lang ho sana ako."

Iniayos nang isa ang kaniyang native hat at tumayo nang tuwid. "Ano iyon? Dalian mo lang at... baka may mga makakita sa atin."

Tumango lang ako. "Kumusta ho ang buhay n'yo rito? Matagal na ba kayong naninilbihan kay Lola Dominga?" 

Hindi sila kaagad nakasagot at nagkatinginan muna. Pag-aalinlangan ang una kong nabasa kanilang mga mata. Alinlangan na sabihin sa akin ang bagay na 'yon.

"Ah... Ayos naman. Baguhan ka pa lang dito, 'no?" ang isa ang sumagot imbis na 'yong tinanong ko. Hindi naman ako namilit at baka para sa sarili nilang kapakanan ang hindi pagsasabi nang totoo. Mahahalata mo kasi kung may itinatago ba sa 'yo ang tao o wala.

Para na akong nasa bilangguan magmula nang umalis na kami sa mansyon nina Chester. Dalawang araw pa lang naman ang nagdaan magmula nang kaarawan ko. Sadyang naninibago lang ako. Tahimihik naman din kina Chester pero rito, may mga makikita ka ngang mga tao, hindi mo naman sila puwedeng kausapin dahil may mga kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.

Tinanguan ko ang tauhan ni Lola Dominga at kaagad na nagpasalamat sa kanila. Tinanguan ko sila bago tumalikod at nagtititingin sa paligid, umaasang nariyan si Lola. O hindi kaya ay may ka-edad ako rito, ngunit wala talaga. Dumeretso ako sa likod ng hacienda kung saan may bahay na sakto lang sa labi. Dumeretso ako kaagad sa kuwarto ko at nahiga sa kama, hawak-hawak ang phone habang nakatulala lang sa kisame.

Lumipas ang halos tatlong linggo na hindi ko man lang nasisilayan ang mukha ni Chester. Ni anino, wala. Sa text, hindi rin naman kami nag-uusap. Hindi niya ako kinukumusta pero alam niyang umalis na kami sa kanila no'n dahil magkakasama sila ng pamilya niya nang magpasalamat kami ni Lola Dominga sa pagpapatira nang ilang buwan.

Ngunit hanggang doon na lang iyon. Parang walang pag-amin sa kaniya na nangyari noong birthday ko. Parang hindi kami nagkayakapan. Parang hindi niya ako niregaluhan. At parang hindi kami magkakilala kinabukasan nang paalis na kami.

Hindi ko makuha si Lola Dominga. Gusto ko siyang usisain kung bakit biglang naging ganoon. Parang noong nakaraan lang ay siya ang nangungumbinsing panatiliin ako kina Chester habang ako naman, gusto nang umalis doon. Ngunit nabaliktad ang sitwasyon.

"1 week na 'kong title block, amputa," bulong ni Eion sa kaniyang sarili na narinig ko naman. Sabay kaming uuwi ngayon dahil absent si Shyler, kailangan niya raw tumulong sa kaniyang mga magulang sa pagsasaka.

"Ako rin." Bumuntong-hininga ako. 

Naramdaman ko ang braso ni Eion sa isa kong balikat, nakapatong. Eion cleared his throat, so I glanced at him with my creased forehead.

"Puta, ngayon ko lang napansin, ah." Tumigil kami sa paglalakad nang abot-tanaw na namin ang Hacienda Flores. Sa gilid ng aking mga mata, kita ko ang pagtingin niya sa 'kin. Nilingo ko si Eion.

"Ano 'yon?" kunot-noo kong tanong, naghihintay sa kaniyang sasabihin dahil nakaangat ang gilid ng kaniyang labi, mukhang nang-aasar ngunit seryoso naman ang mga mata habang nakatingin sa 'kin. Isa rin 'tong 'di ko maintindihan!

"Ako o hindi kaya'y si Shyler ang nakakasama mo pagkatapos ng klase, ah? Nasaan si Dela Fuente?"

Natigilan ako sa naging tanong ni Eion. Napaiwas ako ng tingin nang wala sa oras dahil nauubusan ako ng dahilan. Ano'ng sasabihin ko? Wala namang dahilan para hindi ko sabihin ang totoo. Eh, sa hindi na kami sa iisang bahay nakatira, ano'ng magagawa ko sa bagay na 'yon?

Ipinagkibit-balikat ko naman iyon. "Wala na... Hindi na kami sa iisang bahay nakatira." Mahina akong natawa. Akala mo naman ay dati kaming mag-live in partner!

"Buti naman," may tabang niyang sinabi at muli nang nagpatuloy sa paglalakad na kaagad ko rin namang sinundan. Hinawakan ko ang kaniyang braso at hinila, dahilan para mabilis siyang napalingon sa akin, nakakunot ang noo.

"A-Ano ba talaga ang nangyari... noon?" hindi siguradong tanong ko. Dahil hindi ko naman alam kung noon ba nangyari ang dahilan para lumaki nang husto ang galit ng mga tao sa mga Flores at Dela Fuente. Hindi ko rin alam kung patuloy pa rin bang nangyayari 'yon dahil katulad nga ng sinabi ko, wala akong kaalam-alam.

"Arianne, alam kong hindi gaano katagal ang buwan na nagkakilala na tayo. June ang pasukan natin at malapit-lapit na rin mag-September. Pero ipaaalam ko lang sa 'yo na kaibigan na ang turing ko sa 'yo." Tumikhim siya at hinila ako sa gilid ng kalsada kung saan walang daraan na sasakyan. Luminga-linga siya sa paligid, tila sinisiguradong walang makaririnig sa amin.

"Oh... Deretsuhin mo na 'ko, bobo." 

Sa sitwasyon iyon ay nagawa ko pang magbiro, medyo nakangiti. Pero ang susunod niyang sinabi ay naging dahilan nang unti-unting pagwala ng kulay sa 'king mukha. Nangatog ang aking mga tuhod. Muntik pa 'kong matumba, mabuti na lang ay kaagad na nahawakan ni Eion ang braso't baywang ko.

"Massacre. Carvajal. Flores."

Marahan niyang tinapik-tapik ang aking balikat upang iparating na aalis na siya. Isang tango lang ang aking iginawad, nakatanaw lang sa kaniyang likod. Ilang segundo pa bago ako bumalik sa tamang katinuan.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon