Kabanata 45

479 21 1
                                    


Kabanata 45

Therapeutic



Mahal ko pa yata...

Hindi.

Mahal ko pa talaga.

Akala ko buo na ulit ako. O iyon ang imahe ko sa sarili kong pag-iisip... ngunit kabaliktaran naman sa katotohanan. Ako lang mismo ang nanlilinlang sa aking sarili.

Iyong mga mata niya... Hindi ko na matandaan kung ano'ng pakiramdam sa tuwing dadapo ang paningin niya sa akin. Kung may nagbago na ba sa nararamdaman ko, o mas lalong lumalim ang pagmamahal ko para sa kaniya, sa loob ng pitong taon na wala siya sa aking piling.

A lot of things had changed, including me. I did not regret changing myself... for the better. But the better version of myself, I was not feeling joy any longer.

It seemed I was stuck in a cage where I could not fly my wings freely because I had been trapped for years. I became prey to my mind.

Was I the reason why I couldn't move my feet forward?

How could I walk when flashbacks kept on roaming on my mind? It would not go away... It never did.

Hindi ako naging masaya sa biyaheng pinaroonan ko. Sa haba ng panahon na nagdaan, para lang akong nagpapakatangang kumbinsihin ang aking sarili na masaya ako, pero hindi. Dahil sa bawat araw na lumilipas, mula noon, hanggang ngayon, hindi na ako naging masaya.

Sina Papa at Nadia... Kumusta na kaya sila?

Pakiramdam ko ay napakasama kong anak at kapatid dahil sa ginawa ko sa kanila... Masyado ako naging makasarili. Noon, hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagsisi sa nagawa ko. Ngunit ngayon, ultimo ang mga bagay na hindi ko naman tungkulin, ay isinisisi ko sa sarili ko.

I abandoned them... I turned my back without even saying a thing. I did not even update them on what was happening in my life already... All I thought was myself... and my traumas.

You should not blame yourself for something you could not control. It was not your fault that 'it' happened. Their fault will never be yours.

Mariin na lang akong napapikit dahil sa inis sa pangungumbinsi sa sarili. Ako ang kumakalaban sa utak ko pero ako rin ang nagpapatahan dito. Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar... Dahil miski ako, hindi ko alam kung tama ba o hindi ang pagtalikod ko sa aking pamilya para sa sariling kapakanan.

Tanga ka... Makasarili...

Ano nga ba talaga?

Pitong taon na rin naman, bakit hindi pa rin ako handang humarap sa pamilya ko? Ang tanging gusto ko lang namang makita ay si Nadia... Mas tumindi rin ang galit ko kay Papa dahil siya ang nagpumilit sa akin noon na sa Nueva Ecija na lang mag-aral, hindi na inalala pa ang nangyari sa akin noon. O baka naman matagal nang kinalimutan?

"Who's taking care of Sinag while you guys are drinking and having fun in here?" Aya asked as she squinted her eyes to the Ledres couple.

"She's having fun with his uncle, which is Kuya Dahril," Jaryllca replied. "Wala ka ba kanina noong dumating si Kuya?"

Aya shrugged. "I was probably resting that time."

Nakaupo kami nina Eion at Shyler sa dulo ng gilid ng kama, kung saan kaharap naman namin ang mga naka-Indian sit sa sahig na sina Von, Jaryllca, at Aya. Sa gitna naman namin ay ang pinaglulutuan ng samgyup at ang mga pagkain. At nakalapag lang din sa sahig ang Soju.

Bilang lang naman ang mga kaibigan ko sa buhay ko...

Ako ang nag-set ng bonding na ito, ngunit nahihirapan na akong makihalubilo sa mga tao... lalo na kay Eion. Sa tagal ng panahong hindi kami nagkausap at nagkita, alam kong maraming nagbago sa lalaki. At iyon ang dahilan kung bakit tila hindi na ako komportable... o isa ito sa epekto sa akin ng mga nangyari noon?

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon