Kabanata 34

374 11 0
                                    

Kabanata 34

Slap

Tulad ng inaasahan, marami ang natirang pagkain. Si Papa ang nagtabi no'n sa refregirator na kanina lang ulit binuksan dahil malakas ito sa kuryente. Si Nadia naman, kaagad na nilantakan ang gawa niyang mango graham.

"'Di, totoo nga, Ate! Tikman mo, masarap! Promise!" Nilingon naman niya si Chester na katabi ko, nakaupo kasi si Nadia sa maliit na upuan katabi namin. "Kuya Ches!" alok niya.

"Weh? Masarap talaga? 'Di ka ba nagbubuhat lang ng sariling bangko?" pang-aasar ko pa.

Sumimangot siya at naghiwa ng isang subo gamit ang kutsara. Tumayo siya at inilahad 'yon sa harap ng bunganga ko. "Nganga!"

Natatawa kong isinubo ang mango graham. Umakto ako na para bang sinusubukan ko pang tantiyahin ang lasa nito. Pero sa totoo lang, masarap! Puwede na nga 'tong pambenta!

"Isa pa nga! 'Di ko malasahan!"

Ngumuso siya't kumunot-noo, sabay lingon kay Chester. "Tikman mo nga, Kuya. Nang-aasar lang 'to si Ate Rianne. Kunwari pa, nasarapan din naman!" Umikot ang mga mata niya.

May pinagmanahan, ah!

Matapos matikman ni Chester ang inaalok ni Nadia, tumango-tango ito bilang pag-apruba na masarap nga. Nag-fist bump ang dalawa.

"Mag-uuwi ako niyan, ayos lang ba sa 'yo?" tanong ko sa kapatid ko.

"Iuwi mo na lahat, Ate. Dalhan mo si Lola Dominga."

Natigilan ako ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

Narinig ko na naman ang pangalan na 'yon.

"Ikaw ang bahala. Basta, karamihan ng handa rito ay maiiwan dito. Hindi rin gusto ni Chester na iuwi pa ang mga iyan dahil maraming handa sa kanila," sagot ko't tumayo na.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto namin para kuhanin sa banyo ang extra-ng toothbrush at ang akin, pati na rin toothpaste para sa aming dalawa ni Chester. Bago ako tuluyang lumabas, kinuha ko ang sabon sa bag ko. Nakasalubong ko pa si Nadia na kapapasok lang ng kuwarto.

"Ches!" tawag ko noong nasa tapat na ako ng lababo sa kusina.

Mabilis akong nakarinig ng yabag patungo sa kinaroroonan ko. Kaagad ko namang iniabot sa kaniya ang isang toothbrush na para sa kaniya. Kinuha niya iyon, at sabay kaming nag-toothbrush.

Ako ang naunang natapos na mag-toothbrush kaya naman nang matapos siya, ay siyang pagtapos din ng paghilamos ko. Tuloy, nahuli siya sa paghilamos.

"Sa sala tayo matutulog. Okay lang?" tanong ko.

Nabasa ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. "Ikaw? Sa'n mo ba gusto?"

Umiling ako. "Sa sasakyan mo na lang pala ulit."

Baka kasi hindi siya komportableng matulog dito kaya huwag na lang. Doon na lang ulit.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako nag-alarm pero mabuti na lang talaga ay maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan. Kaagad kong chineck ang phone ko para makita kung may message ba ang mga kaibigan ko.

Mayroon nga. At bago ko pa man mabasa ang mga iyon, nag-ring na ang phone ko.

Sinagot ko ang tawag ni Aya.

[Hey! Nakaligo na si Ja. What about you? I'm going to take a bath na rin, and aalis na agad after! Uunahin kong sunduin si Ja, alright? Ikaw ang sunod.] Ibinababa na niya kaagad ang tawag.

Nilingon ko si Chester na mahimbing pa ang tulog. Humihilik pa at nakanganga! Halatang pagod. Ang dami rin kasing pinuntahan nito. At ang tagal niya ring nasa labas kahapon. Halos buong araw rin yata ang nagugol niya roon.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon