Kabanata 22

419 16 0
                                    



Kabanata 22

Quits

"Ang mahal-mahal ng kabayo. Alaga n'yo 'yan! Sa rancho n'yo 'to! Tapos ibibigay mo lang sa akin?" 

Mabuti at kaagad akong nakaahon at nasagip ko ang aking sarili nang malunod ako sa naging tanong niya. Nambibigla kasi siya! Bigyan ka ba naman ng kabayo? Sino'ng hindi magugulat doon?

At ano'ng gagawin ko sa mga 'yon? Makiki-talon? Gagayahin ko ang tunog na nagmumula sa kanila?

"'Yon na nga ang punto... Alaga naman namin, kaya bakit hindi ko na lang ibigay ang isa sa 'yo? Ikaw ang mag-aalaga. Ayaw mo ba no'n?" Hindi mo mababakasan ng pagbibiro ang kaniyang mukha.

"Tang ina, seryoso ka talaga?" Patawa akong suminghal. "Aaraw-arawin ko ang pagpunta ko rito para sa kabayong 'yan? Wala naman akong pera para makapunta rito-"

Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa tapat ng mga labi ko. Saglit na bumaba ang tingin ko roon at muli siyang binalingan.

He playfully bit his lower lip and chuckled. "Aaraw-arawin ko rin ang pagsundo sa inyo kung ganoon. Wala kang pamasahe? May sasakyan naman ako. 'Wag mo nang isipin ang pera mo..."

Dinaga kaagad ang puso ko dahil doon.

"Hindi naman halatang gusto mo ako, 'no? 'Wag mo nang itanggi pa..." buong loob kong sinabi, nilalabanan ang takot na dala ko kanina.

Handa akong sumugal ulit para sa kaniya. Kahit hindi pa ngayon.

Medyo nagkasalubong ang dalawang kilay niya, sabay bahagyang tinagilid ang kaniyang ulo. "Sino ba'ng may sabing itatanggi ko?"

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Tila isang sirang makina na nagpapaulit-ulit sa aking isip ang kaniyang sinabi. At tuluyan na akong napaubo dahil doon.

Naramdaman ko ang malapad na kamay ni Chester sa aking likuran, hinihimas dahil sa pagkabigla ko.

"'Wag gano'n! Nagbibiruan lang naman tayo! Bakit tinotoo mo?" nauubo ko pa ring tanong. 

Ilang sandali pa bago ako tuluyang bumalik sa tamang paghinga. Dala-dala ko pa rin ang pagkabigla buhat ng sinabi niya.

Ikaw ba naman sabihan nang ganoon ng taong gusto mo? Ewan ko na lang kung hindi sila matulad sa akin!

"Ako, hindi, Arianne... Seryoso ako."

Nakaawang ang mga labi ko habang sinusuri ang sulok ng kaniyang mukha, sinusubukang basahin ang emosyon na naglalaro roon ngunit hindi ko talaga makitaan ng pagbibiro.

Hindi ko na tuloy alam kung ano'ng iisipin ko. Kung 'yong pagbigay niya sa akin ng kabayo o ang lowkey pag-amin niya sa akin!

"Balik tayo rito sa mga susunod na araw, o hindi kaya kapag Undas break na. Siguro kapag nakaluwag-luwag ako sa plates, natatambakan na naman ako dahil sa rami, eh." Nagkibit-balikat ako.

Mabilis siyang tumango. "Sure. Just text me whenever you want to go here."

Napabalik ako sa tamang pag-iisip nang kalabitin ako ni Eion. Seryoso ang kaniyang mukha, nakabusangot.

"Wala na naman si Shy. Pa'no na 'yong plates niya?" Bumuntong-hininga siya.

Tiningnan ko ang bakanteng upuan sa tabi ko.

Wala nga siya... Ulit. Palaging ganito ang eksena namin. Madalas ay wala siya, at kami ang gumagawa ni Eion ng iba niyang plates. Tulong na rin namin iyon sa kaniya dahil alam naming hirap siyang ibalanse.

"Pinuntahan ko siya kaninang umaga. Ang Papa niya ang sumalubong sa akin. Hindi raw makapapasok si Shyler kasi tutulong siya sa pag-aani."

Bagsak ang balikat, wala akong magawa kung hindi ang tumungo na lang at magpatuloy sa ginagawa. Tapos naman na ako pero siyempre, hindi naman 'yon kaagad magwawakas. Marami pa.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon