What If You Never, Told Your Family You were Leaving

1 0 0
                                    

“Viannaaaa!!!” tawag ni Rain sa'kin.

“Magkaharap lang po tayo 'di mo po kailangan sumigaw at tawagin ako.” saad ko sakaniya na siyang ikinapout ng mga labi niya.

“Kadiri naman Rain.'Wag ka ngang magpout mukha kang gansa.” saad ni Denniz.

“Harsh mo teh ah.” ani Rain.

“Anywayszz. 'Di ba kanina kumakanta ka nung cute song?” dagdag niya.

“Mhm. Bakit?” tanong ko.

“You won't believe this pero napatingin si Junghwan ng Treasure sa'yo kanina!!!!!” kinikilig na saad ni Rain. Tumingin sa'kin si Junghwan? Sige aaminin ko medyo kinilig ako ng slight. Pero hindi naman siya dahilan bakit ako nagkakanda-kuba sa pagtatrabaho dito sa South Korea bilang production staff.

Naalala ko na naman ang sinabi ng pamilya ko nung nagsabi ako na hindi ko na kayang dumepende sa kanila.

[ flashback ]

“Ma, Pa. Ayoko na po sanang dagdagan pa ang mga problema po ninyo. Kaya sana maintindihan po ninyo na ayaw ko na pong dumepende sainyo. Gusto ko na pong tumayo sa sarili kong mga paa.” paninimula ko. Pina tawag ko kasi sila para lang sabihin ito. Sana'y matuwa sila sa balitang hatid ko.

“Ano? Via naman. Kaya nga kami nandito para suportahan ka. Tapos gusto mong maging Malaya? Hindi pa ba sapat lahat ng binigay namin sa'yo ha bata ka?!” sigaw ni papa saakin. Oh-kay. Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang reaksyon ni Papa.

“Oo nga naman Via. Halos lahat ng luho mo, binibigay namin sayo! Hindi pa ba yon sapat?!” pag-sang ayon ni mama kay papa.

“Ma, hindi ko naman po sinabing ibigay niyo sakin mga luho ko. Ni hindi ko nga po hiniling na ibigay niyo sakin lahat ng yon!” sagot ko. Isang malakas na sampal ang tumama sa kanang pisngi ko.

“Bastos kang bata ka! Wala kang utang na loob! Kung gusto mong maging malaya oh edi sige! Layas! Subukan mong bumalik dito at sisiguraduhin kong hindi ka na makakatungtong sa pamamahay ko ng buhay!” sigaw ni papa habang tinutulak ako palabas ng bahay.

[ end of flashback ]

“Kita mo 'to. Di nakikinig sakin amp.” reklamo ni Rain.

“Daldal mo daw kasi.” sabat ni Denniz.

“che. Anyways, anyare sayo? Naalala mo na naman yung araw na iyon noh?” tanong ni Rain.

“Medyo HAHA. Pero yaan na. Wala na rin naman na akong balak umuwi sa pinas. Enjoyin ko nalang siguro pagiging production staff ko dito.”

“Yon oh. Baka si Via yan.” saad ni Denniz na ikinatawa namin ni Rain

If We Never met Où les histoires vivent. Découvrez maintenant