CHAPTER TWO: WOMANIZER

1K 69 4
                                    

Jaydee's POV

Paparating pa lang ako sa classroom nakikita ko na parang nagkakagulo sa labas. Si Gabb ba yon? Naaninag ko mula dito yong kaibigan ko. Halata kasi na siya yun dahil sa buhok nito na pixie cut na bumagay sa kaniya. Astig tignan eh poging pogi kaya dinudumog lagi ng mga babae.

Binilisan ko ang lakad dahil hingal parin ako sa pagtakbo namin ni Layar kanina. Gabb is one of my  trusted friends siya ang kasama ko lagi, lalo na sa kalokohan. Alam ko lahat ng sekreto niya ganun din ako sa kanya. Lahat alam niya.

Lumapit agad ako kay Gabb ng maabutan ko siya sa labas ng room. "Gabbo anong kaguluha--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kase isang kamay agad ang dumapo sa mukha ko. Sinampal ako shit.

Biglang naging tahimik ang paligid ko. Halos lahat ng students ay napahinto sa kani-kanilang ginagawa dahil sa nakita. Tangina ang sakit, mas masakit pa kesa sa pag-iwan ng ex—

Dahil sa impact ng pagkakasampal sa akin napatagilid yung mukha ko.
Nilingon ko nang pa galit kung sino man ang sumampal sa akin.

'Tangina sino ka ba ha?!" Singhal ko sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

Tinignan ako nito ng matagal. Napanganga pa ito at parang di makapaniwala na parang mas nagalit pa siya noong sinabi ko na hindi ko siya kilala.

"Talaga Jennifer hindi mo ko kilala? Pakyu!" Ngisi nitong pandak na to saka itinaas pa ang dalawang kamay sa harap ko at nag middle finger. HANEP!

Sino ba 'to?! Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nakasuot ito ng shades at full bangs ba. Sigurado akong transferee lang ito dahil hindi siya nakasuot ng uniform. Tanging plain white shirt at jeans ang suot niya at may black backpack sa likod. Tch!

Nagtawanan mga manonood saamin  dahil sa naging sagot niya. Sinamahan ko sila ng tingin at agad din nag alisan ng makitang hindi ako natutuwa. Mga gagong to gawin na naman kaming clown.

"Gabbo sino to?! Kilala mo ba 'tong panget na to? Angas naman ng porma ah" Ani ko tinignan ko si Gabbo na nagpipigil ng tawa. Isa pa tong baliw na to. Akala ko kanina kaaway niya to dahil nagsasakalan na sila pagdating ko. Yung gusto ko lang umawat pero ako pa nasampal? Awit!

"Sino ka para sampalin ako, ha?Bat mo ko sinampal saka bat ka nakashades? Ang panget mo tignan "Agad kong siyang hinawakan ng mahigpit sa braso niya para hindi siya agad makatakas. Gaganti pa ako. Anong akala niya ganun lang yun kadali?

"HAHAHAHAHAHA" tawa ni Gabb hindi niya na ata mapigil kanina pa yan. Dapat tinutulangan niya ko ngayon eh. Walang kwentang tropa.

"Bitawan mo yan. Si Mandeng lang yan ano ka ba" dugtong pa niya.
Sabay lapit saamin para kunin yung pagkakahawak ko sa Mandeng  daw na to.

"Mandeng? Ang panghi ng buong pagkatao mo." Lait ko pa dito tinignan ko siyang ma igi mula paa hanggang ulo pero hindi ko parin maisip kung sino at kung nakilala ko na ba talaga siya dati.

Medyo na mumukhaan ko na siya pero hindi ko talaga ma alala. Hindi ko kase makita yong buong mukha niya dahil nakashades pa sya na malaki at full bangs ang buhok niya. Emo ang galawan.

"Bitawan mo ko Jennifer masakit na ang braso ko. Walangya ka sino ka para kalimutan ang magandang ako" reklamo nitong si Mandeng kunu.

"Anong Jennifer? Hindi tayo close. Excuse me!"Agad ko siyang binitawan pero pa tulak papunta kay Gabb na tawa parin ng tawa dahil saamin medyo malakas ang pagkakatulak ko kaya.  

"Agay yawa/Aray GAGO!" Reklamo nilang dalawa dahil sa pagkakatulak ko ay napahiga sila sa sahig. Ang lampa naman, dalawa pa silang natumba. Mabilis na akong tumalikod at nauna ng pumasok ng room na nasa harapan lang naman namin.

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon