CHAPTER THREE: CLOSED DEAL

1.2K 70 6
                                    

Jaydee's POV

Hapon na ng makarating kami ni Gabb sa Bar ni Ate Abby. Katatapos lang ng last class namin ngayon at heto kami magwawalwal na raw. Tinawagan na sila kanina ni Gabb pero may may mga pasok pa raw ang mga ito hanggang 9pm hahabol na lang daw sila or magcutting class na lang. 7pm pa lang ng makatarating kami kaya mangilan ngilan pa lang ang mga nakaparadang sasakyan sa labas.

Pagka park ni Gabb ng kotse niya ay nagmamadali na itong lumabas agad. Excited masyado ang loko. Pumasok na agad kami sa loob ng Bar, hindi na kami hinanapan ng ID mula sa entrance dahil kilala na kami ng mga staffs. Lagi ba naman kami nakatambay dito eh. Kulang na lang dito na kami manirahan dati.

Tulad ng napag-usapan naming magttropa. After 3 days babalik kami  rito para malaman ni Lara kung anong progress sa pinapagawa niya saakin pero after a week na kami nakabalik dahil sa hindi nagkakasundo ang mga schedule namin at marami silang ginagawa sa school. We don't discuss this kind of stuff inside the University kahit na nagkikita kita kami doon araw araw. Basta, we just don't do that it's too risky for us..

"Let's go buddy! Dalian mo na inom na inom na ko. " Ani ni Gabb saka sumunod na sa staff na may dalang mga drinks namin papuntang VIP suite nitong bar narinig ko pang kinukulit at hinihingi niya yung number ng isa sa mga waiter na maganda. Hindi ko napansin na nakaorder na pala siya kanina ang bilis lang talaga kapag alak ang pinag uusapan.

Bakit ko nga ba pinatulan ang deal ni Lara? Una syempre para sa pera, then paghihigante para sa pinsan niya. Kung tutuusin dapat maging masaya nga ako naturuan ko ng leksyon si Louise and I also had fun with her. For sure she'll hate me to death if she'll find out about my deal with my friends.

My phone vibrated kaya mabilis ko itong kinuha mula sa bulsa ng beltbag ko. Ate Abby is calling me through messenger, video call nga. Agad ko naman na sinagot. Mukha ni Gia ang tumambad sa screen bored na bored itong nakatingin saakin.

"Where are you " Walang emosyon nitong sabi. Nakita ko sa likod niya sina Ate Ecka at Lara na mga nakasuot parin ng uniform nila. Mukhang hindi na magbibihis mga ang loko.

" Nandito pa sa counter. Bakit ba?" Tanong ko dito saka inilibot ang tingin sa loob ng Bar. Nandito ako malayo sa stage dahil maingay na ang music sa loob. May mga taong sumasayaw na sa gitna at may ilang nagm-momol hindi kalayuan sa akin. Takte ng mga to.

" Buy me a coffee then bilisan mo dyan." tamad na ani niya saka inend na ang call. Hindi talaga uso magbye sa taong yun. Nandito kami sa bar tapos gusto ng kape? Coffee amp.

Nagsimula na kong maglakad papuntang hagdan dahil sa second floor ang mga VIP suite nitong bar nakahiwalay ito sa mga ordinary table na nandito sa baba.

Nang makalapit ako sa hagdan ng may babae akong napansin sa counter. Nakayuko na ito at hindi ko makita ang buong mukha niya dahil natatakpan ito ng blonde niyang buhok.

Well, maaga pa lang pero mukhang lasing na ata yun. I don't mind her at umakyat na para pumasok sa suite namin dahil kanina pa doon si Gabb siguradong inis na yun kakahintay at nauna nang uminom.

Teka--

"bat nandito yang pandak na yan?! Hindi ko pa nakalimutan yong sampal mo sa'akin ha" Naiinis na tanong ko sa kanilang lahat na nakikipag tawanan sa pandak na to. Siya yung sumampal sa akin sa labas ng classroom kanina.

Agad naman silang napatigil lahat pero si pandak hindi parin tumitigil sa pagtawa. Tumatawa parin siyang mag isa.

Lasing ba siya?

"Si mandeng nga Jaydee, kababata natin yan. Masyadong ka nang nagiging makalimutin. " sagot ni Gabb matapos kumuha ng alak mula sa table sa harapan niya.

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon