🔸2

238 12 0
                                    

Justin's P.O.V.

Nagising na lang ako ng hinampas ako ni Pablo ng unan. Pagtingin ko sa orasan, mag-a-alas singko na ng umaga.

"Anong iniiyak mo diyan?!" tanong niya sa akin.

"Ha? Ako?" Napahawak tuloy ako sa mukha ko. Basa nga yung parte ng mata ko.

"Oo, kanina ka pa iyak nang iyak diyan! Para kang may hinahabol sa panaginip mo." sagot niya sa akin sabay labas ng kwarto ko.

Nang makalabas si Pablo, bumalik ulit ako sa pagkahiga. Sa katunayan niyan, napanaginipan ko si Ken. Sa dami ng pwede ko mapanaginipan, bakit yung eksena pa nung nakipaghiwalay siya sa akin.

Gusto ko mahimasmasan kaya nagbukas muna ako ng twitter. Nakita ko nga sa notifications ko na minemention nila ako sa post ng SUPERIOR. Ni-like ko na lang yung ibang comments. Wala rin naman masama kung i-like, pwede naman siguro magkatotoo yung collab kahit kailan. Nang matapos ako magtingin, bumangon na ako para mag-ayos ng gamit. 7:30 AM kasi yung flight namin pa-Manila kaya kailangan makapag-ayos na.

Saktong 10 AM ako nakarating ng condo ko. Hindi ko na kasama si Pablo kasi balak niya umuwi sa Cavite ngayong araw. Naiisipan ko nga rin umuwi sa Malabon ngayon, pero parang napagod ako sa flight kahit naupo't natulog lang ako doon.

Nag-ring bigla yung phone ko, si Kuya Yani. Tumatawag. Kinamusta niya lang ako, halos dalawang linggo na rin ako hindi nakakauwi sa amin kasi sa sobrang busy ko. Miss na raw ako ni Mama saka nung pamangkin ko. Kaya't nagsabi ako na makakauwi ako kapag wala akong schedule ngayong week. Pagtapos naming mag-usap, naisipan ko na manood ng movie sa Netflix.

Ken's P.O.V.

"Sir Ken, malapit na matapos yung production ng Gothic Collection. Kailan sisimulan yung sa Summer Collection?" sabi ni Josh sa akin pagpasok ng office ko.

"Sir?"

"Ken!" sigaw sa akin ni Josh. Masyado akong maraming iniisip, lalo ngayong nagsusulat ako ng e-mail for Justin's manager.

"Sorry. Ano ulit iyon?" tanong ko sa kanya.

"Ken. Magpapadala ka lang ng e-mail, inabot ka na ng 2 oras sa pagco-compose. Love letter ba 'yang ginagawa mo?" asar niya sa akin.

"Siraulo ka ba? Syempre hindi!" at padabog kong sinara yung laptop ko.

"Wews, nagtatanong lang ako, bakit ka galit? Yung tinatanong ko kanina, kung kailan sisimulan yung production ng Summer Collection."

"Ah, pupunta ako mamaya sa warehouse para ipakita sa kanila itong mga designs ko. Magme-meeting na rin kami doon. Para 2 weeks from now, mai-promote na sa social media yung product."

"At para masuot na ni Justin kapag pinost na natin yung promotional poster." asar niya ulit sa akin.

"Suotin agad? Ni hindi ko pa nga nase-send itong email ko sa manager niya."

Lumapit si Josh sa tabi ko at tinignan yung e-mail na hindi ko pa nasesend. Maya-maya lang, hinawakan niya yung mouse at siya na mismo nag-send non.

"Pinapatagal pa eh. Ako na nagsend para sayo, thank me later!" Hahampasin ko sana siya nang tumakbo siya ng mabilis palabas ng office ko. Ken, eto na. Wala ng atrasan 'to.

Nakarating ako sa bahay ng past 10 PM na, marami kasi kaming inasikaso sa office kaya hindi na rin ako nakakain ng dinner. Sa convenience store na lang siguro ako bibili ng late dinner ko.

Nung nasa 7/11 na ako, naghahanap ako ng masarap kainin. Iniisip ko kung magri-rice meal ba ako or sandwich na lang. Katapus-tapusan, parehas ko kinuha yung rice meal at sandwich, palakad na ako sa drinks section nang biglang nagkabanggaan kami nung lalaki, kaya nabitawan ko yung dala ko.

"Ako na magbabayad nito, pasensiya ka na." sabi nung lalaki. Nagkatinginan kami, pamilyar yung mukha niya pero hindi ko gaano makilala kasi naka-facemask siya at sumbrero.

"Hindi na, uy. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako kumuha ng basket." sagot ko. Ini-insist niya na siya na ang magbabayad pero todo tanggi talaga ako kaya nagmadali na rin ako pumunta sa drink section para hindi na niya ko kulitin.

Pagkauwi ko sa bahay, ininit ko sa microwave yung sandwich na binili ko. Maya-maya, nag-ring yung phone ko. Tumatawag si Josh.

"Josh?"

"Ken. Nagtingin ka na ng inbox sa g-mail? tanong niya.

"Hindi pa. Mamaya na lang siguro, kakain pa ako eh. Bakit?"

"Wala naman, naisip ko lang na baka nag-reply na yung manager niya sa'yo." sagot niya sabay tawa.

"Bakit excited ka yata?" sagot ko naman habang kumakain.

"Syempre naman! Justin de Dios yun oy. Magpa-fiesta tayo kung sakaling pumayag!" sabi ni Josh.

Pagkatapos namin magusap ni Josh, kumain na ako, at naghugas na rin. Pagkabalik ko sa sala, naalala ko yung sinabi ni Josh na e-mail.

Perfect Fit | SB19 KenTinWhere stories live. Discover now