🔸10

133 11 2
                                    

Justin's P.O.V.

Naandito kami sa venue kung saan ginaganap yung birthday celebration ni Yohan, kaibigan din naming model nina Kylie at Stell. Speaking of Stell, bitbit niya ngayon si Ken.

Nag-uusap sina Stell, Ken at Ky. Ewan, naiinis ako kapag nakikita kong natatawa si Ken sa mga sinasabi ni Stell. Sa inis ko sa nakikita ko, tumayo ako at pumunta sa may mini bar.

"One margarita, please." sabi ko.

Maya-maya lang, may kumalabit sa akin. Nakangiti pa akong lumingon, akala ko kasi si Ken. Si Ky pala.

"Justin! Bakit naandito ka?" tanong niya.

"Gusto ko i-try itong margarita eh." sagot ko sabay inom.

Ilang bagay din yung napagusapan namin, hanggang sa nagtaka ako bakit palapit siya nang palapit sa akin.

"Justin, I always like you." sabi ni Ky. Lumapit ulit siya sa akin, alam kong iki-kiss niya ako, kaya hinarang ko yung baso ng margarita sa labi ko para hindi niya ako mahalikan.

"Ky. Alam mo naman sagot ko diyan, diba? I only see you as my model friend." sagot ko at humarap sa gawi nina Ken at Stell pero napansin kong wala sila parehas doon.
Lumabas kami ni Ky at nakita namin si Stell na may tinitignan sa malayo.

"Stell? Nasaan si Ken?" tanong ko.

"Ah, umalis na eh. May biglaang meeting daw siya. Any way, I saw you two ha." pang-aasar ni Stell.

"Mauna na rin ako, maaga din yung meeting namin tomorrow." sabi ko at dali-dali akong bumalik sa loob para kunin yung coat ko. Nakasalubong ko si Yohan sa loob at nagpaalam na rin ako sa kanyang uuwi na ako. Pinapa-stay pa ako pero hindi na ako pumayag.
Kailangan ko sundan si Ken.

Paglabas ko ng venue, nagpaalam na rin ako sa dalawa.

"Oy, Stell. Iuwi mo na rin itong si Ky. Marami nang nainom 'yan." Tumango naman si Stell at umalis na ako.

Sobrang lawak ng BGC. Hindi ko rin alam saan siya dumaan. Kaya paikot-ikot lang din ako. Nakonsensiya ako sa nagawa ko kay Ken. Dahil lang sa nagselos ako, kakaiba na mga naikilos ko sa kanya, ni hindi ko rin siya kinikibo nung nakakaraan.

Alas-tres na ng madaling araw nung nakauwi ako sa amin. Hindi ko na rin nahanap si Ken. Siguro nakauwi na iyon ngayon.
Napasalampak na lang ako sa kama ko. Naisip ko bigla na baka nagdahilan lang si Ken na uuwi na agad, pero kung ganoon, bakit naman kaya siya umuwi bigla?

Kinabukasan, umattend ako sa isang meeting ng isang clothing line din. Magkakaroon ako ng shoot sa Seoul sa susunod na buwan. Nasa sasakyan ako kasama yung manager ko nang bigla siyang may sinabi.

"Hindi pala ako makakasama sa iyo sa shoot mo with Superior. Kailangan ko kasi umuwi ng probinsiya for some personal matters. Kaya mo bang ikaw lang mag-isa? Kung hindi, tatawagan ko si Kris para samahan ka." sabi niya.

"Huwag na, siguro si Paulo na lang isama ko. Kaya ko naman na sarili ko, alam mo naman din na sanay na ako magpunta ng shoots nang ako lang." natawa yung manager ko sa sinabi ko.

"Alam mo naman din na I can't say no to my family sa probinsiya. Uwian mo na lang kami ng pasalubong, at huwag mo na rin kalimutan lagyan ng film yung camera mo. The last time na nag-take ka ng pictures, walang laman na film yung camera mo."

Pagkauwi ko, nakita ko na may mga messages sa group chat namin for the shoot. Binanggit doon na kailangan 5:30 AM, nasa meeting place na. Naisip ko, maraming bitbit si Ken. Sunduin ko kaya siya? Ilang minuto rin ako nag-isip isip, pero ayon, chinat ko pa rin siya.

"Ken, sunduin kita sa Wednesday?" iyan yung chat ko sa kanya.

After 10 minutes, nag-reply siya sa akin.

"Huwag na. Kasabay ko si Josh. Ingat na lang sa pag-alis."

Nang mabasa ko iyon, pumikit na lang ako.
Ang cold na ni Ken, at kasalanan ko iyon. Sa pagkadismaya ko, inayos ko na lang yung mga dadalhin kong damit at gamit sa Wednesday. Sinabihan ko na rin si Paulo na isasama ko siya sa araw na 'yon, at pumayag din siya kaagad.

Third Person's P.O.V.

Pagkaalis ni Justin sa venue ng birthday ni Yohan, tumabi si Stell kay Ky.

"Amoy may boyfriend na ah." asar ni Stell sa kaibigan.

"Huwag ka ngang ganyan." simangot ni Ky habang umiinom.

"He rejected me again, Stell. I'm is still single." sagot naman ng dalaga kay Stell.

"WEH? I saw you guys kissing... or not?"

"No, we didn't. Paano naman kami magkikiss ni Justin kung hinarangan niya ng glass yung lips niya."

"Pero, I think it's time to let go Justin na." pahabol na sabi ni Kyline.

"Weh, pang-ilang beses mo ng sinabi 'yan." pagdududa ng kaibigan.

"Siguro, sapat na yung na-reject niya ako for the 7th time. Besides, he only see me as his 'model friend' at hindi naman ako kasing galing ni Ken mag-design ng outfits." sabay inom ulit.

"Oh... wait. Ano ulit sinabi mo?!" sabi ni Stell.

"He only see me as his model friend? Kailangan ulitin? Kailangan saktan feelings ko!?" pagmamaktol ni Kyline.

"Hindi iyon! Yung huli mong sinabi? Hindi ka magaling mag-design ng outfits like Ken? What do you mean?" usisa ni Stell.

"Kaibigan mo si Ken pero hindi mo alam? Joke. I can see it on Justin's eyes. Kanina, nung nagkita tayong apat bigla. Iba yung tingin ni Justin kay Ken, at ganon din si Ken sa kanya. Ngayon, nung nakita ka namin dito, unang tinanong agad ni Justin si Ken. Nagdahilan pa siya na maaga meeting niya, well in fact, sa hapon pa yung meeting niya with InSeoul."

"Lasing ka lang yata eh. Pero bakit alam mo schedule ni Justin?"

"Duh, magka-same kami ng agency, and I stalked him din. Hehehe! You can ask Justin or Ken to clarify it. Hindi ko rin naman sinasabi na totoo, pero ganon nafefeel ko." tawa ni Kyline at uminom ulit.

"I can feel that Ken has a special place in Justin's heart." pahabol na sabi ni Kyline.

Napakamot na lang sa ulo si Stell sa mga narinig niya kay Kyline. Suportado rin si Stell sa kung anuman ang lagay ng lovelife ni Ken, na minsan din niyang nagustuhan.

"Dalian mo diyan, iuuwi na kita. Lagot ako sa Kuya mo kung hindi kita maiuuwing matino." sabi ni Stell.

"Ikaw, Stell. What do you think of me?"

"A little sister. Now, finish drinking and let's go home na."

Perfect Fit | SB19 KenTinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon