🔸3

211 9 0
                                    

Ken's P.O.V.

Papunta na ako sa pagkikitaan namin ng manager ni Justin. Sinagot na pala nila yung e-mail ko, nagulat din ako kasi hindi ko naman ine-expect na papayag siya sa offer namin. Kinakabahan ako na baka kasama rin siya ng manager niya. Dito kami sa Rockwell magkikita, sa isang coffee shop.

Pagkarating ko sa shop, wala pa siya. Nagsabi rin naman na medyo male-late pero ayos lang na mauna ako para naman makapag-ready ako, tinignan ko rin yung mga catalogue kong dala, pati yung mga designs ko for the Summer Collection.

Tinetext ko rin si Josh, wala lang. Pampawala ng kaba.

"Mr. Ken Suson?" paglingon ko, nabitawan ko na lang yung phone ko nung nakita ko kung sino yung tumawag sa akin.

Si Justin.

"Ah.. Please have a seat." Nanginginig pa ako habang nakikipag-shake hands sa kanya. It's been a while nung nagkaroon kami ng interaction na dalawa.

"May biglaang lakad kasi yung manager ko kaya ako na yung nakipag-meet sayo." tanong niya.

"Oh, I see. Here's the portfolio of my designs for the next collection, and it would be a Summer Collection." sabi ko sabay bigay sakanya ng folder. Nangiti naman siya sa habang nakikinig sa mga explanation ko about sa designs ng damit, at iba pa. I felt happy kasi nagustuhan ng client ko yung designs, not because of him.

"So you really pursued fashion designing pala. Anyway, I like your designs." sabi niya habang tinitignan pa rin yung laman ng folder.

Hindi ko maipagkakaila na mas gwumapo si Justin ngayon at nagmature na yung mukha niya.

"So, are you in? Since ikaw naman na kausap ko, mas madali ko na malalaman yung sagot mo." tanong ko.

"Before I answer it, can I ask something, Mr. Suson?"

"Sure. Go ahead."

"Do you really want me to be your model? Me, your ex-boyfriend?" tanong niya sa akin.

Bigla ako napahigop sa kape ko. Geez. Nakakagulat naman yung tanong nito sa akin.

"To be honest, nung una, ayaw ko. Don't get me wrong, it doesn't mean na kaya ayaw ko is 'I HATE YOU', it's just that kutob ko lang na hindi mo naman tatanggapin yung offer ko kaya pinangunahan ko na, but my employees wants you to be our model, and I realized na mas mabuti na formal ako magtanong sa'yo about dito sa collaboration, so eto tayo ngayon." sagot ko sa kanya.

"Thanks for being straightforward, Ken." ngumiti siya sa akin sabay inom sa Iced Tea niya.

"So, it's a yes, or no?" tanong ko sa kanya.

"What if I say 'No', what will you gonna do?" sagot niya sa akin.

Medyo nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko, ganito pala yung feeling ng ma-reject.

"Eh di okay lang. I'll accept it if you don't want to be our model." sagot ko.

Sasagot na sana siya nang may tumawag sa phone niya. Nagpaalam siya saglit na sasagutin niya yung call, kaya naiwan ako mag-isa dito sa table namin.

Is it a yes or no? Paulit ulit kong tanong sa sarili ko.

Habang may kausap siya, kinain ko na yung cupcake na inorder ko, nahiya kasi ako kainin habang nagtitingin siya sa catalogue.

Maya-maya lang, bumalik na siya sa table namin.

"Can we talk about this next time? I'll give you my call card. May emergency lang. Thank you for today, and I'm sorry kung mauuna na ako." paalam niya sa akin.

"It's fine, Sir. Ingat ka." ngumiti naman siya sa akin at nagmadali na siya umalis ng shop.

Bigla naman ako nag-worry sa kanya kasi bakas sa mukha niya na may parang hindi magandang nangyari.

Justin's P.O.V.

Nasa condo unit ko yung manager ko. May importante daw siya na sasabihin sa akin.

"Justin, I received an email from a fashion line. They said na gusto ka nila kunin as their model for their new collection. The name of the fashion line is SUPERIOR, owned by a young fashion designer." paliwanag ng manager ko.

"Oh, really." tanging sagot ko. Hindi ko muna sasabihin na kilala ko yung may ari ng fashion line sa manager ko. Medyo nabuhayan lang din ako nung nalaman ko na gusto pala nila ako kunin as their model. Pinagusapan namin ng manager ko kung tatanggapin ko ba yung offer o hindi.

Napagkasunduan namin ng manager ko na ako na lang pupunta sa meeting place. Nagdahilan na lang ako sa kanya na aalis din kasi ako after, pero ang totoo niyan, hindi talaga. Gusto ko lang makita at makausap si Ken kahit hindi na tungkol sa aming dalawa yung usapan namin.

Nakarating na ako sa coffee shop na sinasabi nila na pagkikitaan nila. Nakatalikod siya, nakilala ko na kasi agad yung buhok niya. Naka-casual clothing lang siya pero malakas pa rin yung dating niya. Nang magkita na kami, medyo lumakas yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasan na hindi maging masaya habang tinitignan yung catalogue niya ng mga designs kasi finally, ito na yung pangarap ni Ken, nagkakatotoo na rin.

"So, it's a yes, or no?" tanong sa akin ni Ken.

"What if I say 'No', what will you gonna do?" pang-a-asar ko sa kanya.

"Eh di okay lang. I'll accept it if you don't want to be our model." sagot niya sa akin.

Seryoso siya sa sagot niya pero nararamdaman kong nasaktan siya. Sasabihin ko na sana yung sagot ko nang biglang tumawag si Kuya. Nagpaalam naman ako kay Ken na sasagutin ko muna.

"Kuya?"

"Justin? Nasaan ka?" sigaw ni Kuya sa akin.

"Nasaㅡ"

"Pumunta ka rito sa ospital na malapit sa atin, isinugod namin si Mama!" Hindi na ako nakasagot sa kanya, bumalik na agad ako sa table namin ni Ken. Kailan ko mapuntahan si Mama.

"Can we talk about this next time? I'll give you my call card. May emergency lang. Thank you for today, and I'm sorry kung mauuna na ako." Inabot ko sa kanya yung calling card ko at nagmadali na ako umalis.

Perfect Fit | SB19 KenTinWhere stories live. Discover now