🔸14

201 5 1
                                    

"Justin, puwede pa ba tayo?"

"Ken--"

"Huwag. Ayoko marinig sasabihin mo."

"Sigurado ka?" tanong niya sa akin. Napansin kong lumamlam ang mga mata ni Justin pagkatanong niya non.

"Oo. Pero, ano ba yung sasabihin mo? Naghanda ka pa ng ganito." sabi ko.

Tinabihan niya ako sa kinauupuan ko. Sa mga sandaling iyon, nawala yung pagod na nakuha ko sa shoot, isa pa, kasama ko rin si Justin kaya napanatag loob ko.

Justin's P.O.V.

Confirmed. Kasama nga ako sa ramp models for Barcelona. Sa susunod na linggo na ang alis ko, at magste-stay ako doon ng isang buwan. Balak ko sana sabihin kay Ken iyon ngayong gabi kaya inaya ko siya na sumama sa akin ngayon.

Papunta kami ngayong dalawa sa parte ng venue na hindi puntahan ng mga tao. Kami ni Paulo nag-ayos nito, sige, sabihin na nating bonfire date na ito.
Pagdating namin doon, bigla lumakas ang kalabog ng dibdib ko sa tanong ni Ken.

"Justin, puwede pa ba tayo?"

Sa mga sandaling yan, na-estatwa ako sa kinakatayuan, kaya kong sagutin pero pinigilan niya ako, ayaw niya raw marinig ang sagot ko.

Tumabi na lang ako sa kanya sa kinauupuan niya, nasa malayo ang tingin niya pero nakangiti siya. Sobrang tagal na rin ng panahon nang huli kong masilayan yung ngiting isa sa naging rason kung bakit nahulog ako lalo sa kanya noon.

Hanggang ngayon naman, hulog pa rin ako sa kanya.

Balak ko sana hawakan yung kamay niya dahil napansin kong nanginginig ang mga iyon pero mabilis niyang naiangat yung kamay niya at nilagay sa bulsa ng jacket niya.

"Maraming salamat nga pala kasi ako yung kinuha mong model sa Summer Collection ng fashion line mo." sabi ko.

"Napilitan ako. Biro lamang, naisip ko rin na ikaw ang bagay para doon, tama nga sina Josh." sagot niya naman.

"Ken, tutal pauwi na tayo bukas, may gusto lang ako ipaalam sayo."

Napatigil siya sa kinakain niya. Natawa ako kasi pasubo na siya ng barbecue, napigil pa.

"Tumawag sa akin yung coordinator ng isang fashion show. Kasama ako sa line-up nila." sabi ko.

"Wow, that's good! Saan sa Pinas gaganapin? Try ko manood kung hindi ako busy." sabi pa niya bago niya kainin nang tuluyan yung barbecue.

"Ah. Hindi sa Pinas gaganapin yung show eh. Sa Barcelona." Naubo siya sa sinabi ko, kaya't binigyan ko siya ng tubig.

"HUH!? B-Barcelona?!" tanong niya ulit.

"Oo. Next week ang alis ko, at isang buwan ako mag-ste-stay doon." sagot ko.

Tinignan niya lang ako, at hindi ko maipaliwanag yung kahulugan ng mga tingin niya, sabay ngiti ulit bago inumin yung coke.

"Grabe, Justin. Iba ka na talaga ngayon. Para na akong proud Tatay. Parang dati lang, indecisive ka pa sa mga ganyang bagay. Ngayon, pang-Spain na ang modeling skills mo."

"Matatagalan ka pala bumalik, huwag ka mag-alala, lahat ng PR packages galing sa shop ko, sa manager mo na lang ipapadala lahat." sabi niya.

"Ken, salamat sa pagtitiwala sa akin noon, at hanggang ngayon."

"Siyempre ganon talaga, mahal kita eh." sagot niya sa akin.

Unting-unting lumalapit ang mukha niya sa akin, at ganon din naman ako, pero siya na ang naunang umiwas.

"Ang dami pa palang pagkain, ubusin na natin 'to!" sabi niya.

Kinabukasan...

"Guys, thank you sa mga tumulong sa akin sa shoot na ito, sana magkita-kita pa ulit tayo sa susunod! Magiingat kayong lahat." sabi ni Ken sa aming lahat.

Nakabalik na kami ng Maynila at paalis na rin yung ibang staffs and crews niya, kami na lang nina Paulo at Ken ang naiwan.

"Justin, hindi ka pa uuwi?" tanong niya sa akin.

"Ah! Iniintay ko na lang itong si Paulo, siya maghahatid sa akin pauwi. Nasa Parking daw kasi yung motor niya. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

"May kukunin pa ako sa office eh. Samahan na kitang hintayin si Paulo para hindi ka mag-isa."

Nang dumating si Paulo, nagpaalam na ako sa kanya, pero bago kami makaalis, may inabot ako sa kanyang brown paper bag. Matagal ko na gusto ibigay iyon pero nawawalan ako ng pagkakataon palagi.

Nang makarating kami ni Paulo ng unit ko, tinulungan niya ako magbaba ng ibang gamit ko.

"Justin, malapit na yung alis mo. Nasabi mo na ba?" tanong niya.

"Ah oo, nagulat nga siya at sa Barcelona gaganapin yung show." sabi ko at naupo sa sofa.

"Sira, hindi iyon. Yung "alam mo na"." Tumabi rin si Paulo sa akin. Napagtanto ko na hindi ko nga pala talaga nasabi.

"Paano ko naman masasabi, may tinanong siya sa akin, tapos nung sasagutin ko na, sabi sa akin huwag ko raw sagutin." sagot ko.

"Ang gulo niyong dalawa! Akala ko nagkabalikan na kayo kaya ang tagal mo nakabalik kahapon sa kwarto natin."

"Pero, may ibinigay ako sa kanya kanina. Nasa loob nun, may letter ako doon na ginawa kasi alam kong hindi ko masasabi sa kanya yung tungkol doon. Pero sana mabasa niya nang maaga."

Tumango-tango na lang si Paulo, maya-maya lang, umuwi na rin siya at ako naman, magpapahinga naman at may zoom meeting kami ng manager ko mamayang ala-sais ng gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect Fit | SB19 KenTinWhere stories live. Discover now