🔸12

165 9 0
                                    

Justin's P.O.V.

Naandito kami ni Paulo sa unit ko, naglalaro kami ng Wild Rift. 3:30 pa lang ng hapon, at hindi pa rin naman nagcha-chat si Ken or ang staffs niya sa group chat kung saan kami kasama.

"Justin." tawag sa akin ni Paulo.

"Bakit?" tanong ko.

"Nagpapabango ka ba?"

"Bakit? Mabaho ba ako?" Bigla kong amoy sa sarili ko.

"Sira! Hindi iyon ang tinutukoy ko. Kay Ken, nagpapabango ka ba?" paglilinaw ni Paulo.

"Bumabawi lang." sagot ko.

"Wala ka bang balak umamin? Hindi ba't may shoot ka sa ibang bansa next month?" tanong ni Paulo, tinapos na niya yung laro, tinamad na rin daw siya.

"Hindi ko alam, Pau." sagot ko.

"Justin, kung ako sa'yo, sabihin mo na. Mamaya isipin non, pinaglalaruan mo lang siya. Sabi mo, hinalikan mo siya noong nasa unit ka niya, nagselos ka pa nung nalaman mong close siya sa kakilala mong model. Huwag mo na kasing i-deny na hanggang ngayon si Ken pa rin ang gusto mo, nasa tabi mo na siya ulit, Justin, pakakawalan mo ba siya ulit? Hindi niya malalaman yung rason kung bakit hindi mo siya kinikibo noon kung hindi mo sasabihin. Akala din niya, naghalikan kayo ni Kyline, 'di ba? Oras na para maliwanagan si Ken, Justin."

"Pau, ang hirap. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Saka, paano kung i-reject niya ako? Paano kung malaman kong hindi na niya ako mahal?"

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukang kausapin si Ken?" tanong ni Paulo. Medyo natauhan ako sa sinabi niya. Totoo naman, kung noon, hinayaan kong mawala siya sa akin, pwes ngayon, hindi ko na ulit hahayaan na mangyari ulit iyon.

"Kausapin mo mamaya pagkatapos ng shoot niyo, or kahit kailan basta habang naandito tayo sa Amanpulo, pagdating ulit natin ng Manila, hindi na ulit kayo magkakausap ng masinsinan dahil busy na ulit kayong dalawa." sabay tayo ni Paulo at pumunta sa may balcony ng unit ko.

Lahat ng sinabi ni Paulo, tama iyon. Ang problema lang, nag-o-overthink ako pero, sige, kakausapin ko si Ken, gusto kong maliwanagan na rin siya.

Nang nag-chat na yung staffs sa group chat, at bumaba na kami ni Paulo. Aligaga na agad sila sa ibaba. Nagtanong kami kung ano pwede naming maitulong, unang inutos sa amin ay buhatin yung mga ilaw, nahiya pa nga sila sa akin pero siyempre, nag-insist na rin ako, para matapos agad saka gusto ko rin naman tumulong, para na rin kay Ken.

"Paulo, puwede mo ba samahan si Pearl kunin yung mga box sa Van? Medyo mabigat kasi iyon." at tumango naman si Paulo at sumunod na kay Pearl.

"Ken, tulungan na kita." Alam kong ayaw ni Ken pero kinuha ko na agad yung box na bitbit niya.

"Look, hindi mo na kailangan tumulong dito. Kailangan magpahinga ka kasiㅡ"

"Hayaan mong gawin ko yung mga bagay na gusto kong gawin." putol ko sa kanya at nilapag na yung box sa lamesa.

Natapos kami mag-set up ng bandang ala-siyete pasado na. Nasa dining hall na kaming lahat nang may tumawag kay Ken kaya pinauna na niya kaming kumain. Pagtapos ko kumain, kinalabit ako ni Paulo.

"Nagkausap kayo?" tanong niya.

"Hindi eh." sagot ko.

"Anak ng!? Iniwanan ko na nga kayo, hindi pa rin kayo nagkakausap?" singhal na sabi ni Paulo.

"Chill, bro. Saka, hindi ko pa alam mga sasabihin ko. Bukas sana after ng shoot, dun ko siya balak kausapin."

"Magusap na kayo ha. Sa susunod na yung alis mo." sabi ni Paulo saka umalis na para kumuha ng dessert doon sa dessert station.

Ilang minuto lang lumipas, bumalik na rin si Ken.

"Andito ka pa?" tanong niya sa akin.

"Wala. Kaluluwa ko lang itong nakikita mo." sagot ko at pinalo ako ni Ken nang mahina.

"Pilosopo ha. Tapos ka na ba kumain?" tanong niya.

"Oo, kanina pa." sagot ko.

Nanatili lang kaming tahimik ng ilang minuto hanggang sa nagsalita siya.

"Thank you sa pagtulong sa amin, Justin."

"Wala 'yon. Wala din naman kaming gagawin ni Paulo kaya nag-insist na rin kami na tumulong." sagot ko.

Sinamahan ko si Ken habang kumakain, medyo naiilang kasi siya sa paligid, ayaw ko namna siya iwanan mag-isa kaya sinamahan ko na. Pagtapos niya kumain, pumunta na siya sa gilid kung nasaan andoon mga staffs niya at si Paulo. Sumunod na rin ako. Alangan magpaiwan pa ako?!

"Sir Ken, pasyal tayo ngayong gabi?" tanong ng isang staff, Mark ata name nito.

"Gusto niyo ba?" tanong ni Ken.

"Oo naman!" sigaw ng lahat. Kasama na doon si Paulo.

"Sige, mamayang mga bandang 9:30, pasyal tayo." sagot ni Ken. Napakiramdaman niya sigurong nasa likod ko siya kaya nilingon niya ako.

"Sasama ka?" tanong niya.

"Ikaw ba?" tanong ko.

"Ikaw nga tinatanong ko, tapos ipapasa mo rin sa akin yung tanong mo. Pero, oo. Sasama ako." sagot ni Ken sa akin.

"Ako, depende." sagot ko naman.

"Anong oras po magsasara mga stall dito sa beach?" tanong ni Paulo sa waiter.

"Bandang 10:30 po ng gabi, bagong schedule na po iyon simula nung nagbalik kami ng operation after 2 years dahil sa pandemic. Nagdidisinfect din po kasi ng stall sa ganong oras." sagot ng waiter.

Tinignan ko yung phone ko, 9 PM na.

"Tara na, guys! May 1 hour and 30 minutes na lang tayo oh." aya ni Paulo. Sumunod kaming lahat sa kanya. Ewan ba naman dito, galang gala. Una naming pinuntahang stall yung naghe-henna tattoo. Medyo malayo ako sa kanila kasi naiilang ako kay Ken. Maya-maya lang, may tumawag sa akin. Gumilid muna ako bago ko sagutin yung tawag.

"Hello, is this Mr. Justin de Dios of FirStyle Modeling Agency?"

"Yes, this is Justin, who's this?"

"This is Elaine Corpuz, from Modeling MNL, we would like to inform you about the Barcelona Fashion Week event next month."

Medyo nagulat ako, akala ko shoot lang yung gagawin ko pero hindi sa Barcelona iyon, sa Beijing yung location. Habang nagsasalita si Miss Corpuz, nirecord ko na rin yung tawag, feeling ko, may kinalaman dito yung Manager ko.

"I will tell my manager about this, thank you so much for this opportunity, Miss Corpuz."

Dapat makausap ko na agad yung Manager ko kaya magpapaalam na ako sa kanila na mauuna na ako bumalik ng unit.

"Excuse me, mauuna na sana ako bumalik? May importante lang akong aasikasuhin, sorry biglaan! Treat ko kayo bukas." paalam ko sa kanila.

"Hatid na kita?" tanong ni Paulo.

Umiling ako at nag-bye na sa kanila. Napansin ko rin na tinaas ni Ken yung kamay niya para mag-wave sa akin, kaya ningitian ko siya at tumalikod na ako.

Perfect Fit | SB19 KenTinWhere stories live. Discover now