1

9 7 0
                                    

"Taking your own life, isn't the answer to all of your problems..."



Isa nanamang bagong araw na payapa, maganda, puno ng biyaya at masigla. Napakasarap mabuhay, isipin mo makakakain ka ng pizza kung buhay ka diba? Kaya eto, nag-iimagine nanaman akong kumakain ako ng pizza at ninanamnam 'yung sarap nun habang tinatawag ni Ma'am Hernandez buong pangalan ko.



Hays, ang sarap ng pizza. Pero teka, tinatawag ako ni Ma'am Hernandez?



"XYRENE FAYE LEGASPI!"



Napatayo ako ng tinawag nga ako ni Ma'am, jusko Ama patawarin niyo po ako magpapakabuti na po ako huwag lang ako ipahiya ng bruha na 'to.



"You. Are. Not. Listening." Sambit niya nang may diin sa bawat salita.



"S-sorry po Ma'am." Napayuko ako dahil sa talim ng tingin niya, huhuhu. Wala bang Romeo diyan? Romeo, save me naman asap.



"Are you imagining weirdo things, in my class?" Nagtawanan naman ang iba kong kaklase dahil sa sinabi niya.



Ano naman kayang nakakatawa doon? Para tumaas ba ang grade nila? Kung ganoon, bakit hindi ko rin kaya i-try? Baka taasan ni Ma'am grades ko hehe.



"Hahaha." Pilit na pag-tawa ko, umaasang madadala rin si Ma'am ng pagtawa ko.



Pero bakit namula si Ma'am? Kinilig ba siya sa tawa ko? Hala, crush ba ako ni Ma'am? Pero parehas kaming babae, hindi naman pwede–



"GET OUT OF MY CLASS, LEGASPI! AT BUKAS HINDI KA PAPASOK WITHOUT YOUR MOM. OKEY?!" Nakakabinging sigaw ni Ma'am.



"Hala Ma'am, sure po kayo diyan?" Sure si Ma'am, gusto niya isama ko si Mommy?



"OF COURSE, NOW GET THE HELL OUT! ARGH, YOU'RE MAKING ME LOOK OLD!" Sambit niya habang minamasahe masahe niya ang noo niya.



Kinuha ko ang bag ko para lumabas, pero noong nasa pinto na ako bigla kong naalala na kabastusan 'to at dapat gumalang sa kanila.



Kaya naman lumingon ulit ako sa kanilang lahat habang nakatingin sila sa akin.



"Good bye, classmates. Good bye Ma'am, see you tomorrow afternoon!" I said while smiling sweetly.



"LEGASPI!!!" Sigaw ni Ma'am at papalapit na sa akin habang nagtatawanan 'yung mga kaklase ko, kaya naman tumakbo na ako. Baka mamaya kaldagin pa ako ni Ma'am!



Sa kakatakbo ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng library at bigla akong may nabangga na lalaki, kaya naman napaupo ako sa semento.



"Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan, tch." Sambit nang lalaki at umalis na, hindi manlang ako tinulungan! Aba, kabaho ng ugali ah!



Tumayo nalang ako at muling maglalakad na sana, nang may mapansin akong papel. Teka, nahulog ata ni kuya kanina 'to e.



Vernon Dave Ransom
12-STEM B

What is one of your main goal in life?

- to die.



Nanlaki ang mata ko sa sagot niya, seryoso? To die? Patawa ba siya?!



Hinanap siya ng mata ko sa buong quadrangle pero wala siya, paano ko 'to ibabalik sa kaniya?



Sandali akong nag-isip, at naisipang pumasok sa library baka sakaling bumalik siya doon para hanapin 'to.



Pagkaupo ko sa isang upuan ay napatitig ako sa kawalan, at biglang dinalaw ng antok. Kaya naman yumuko ako sa lamesa at ipinikit ang mata ko.



Unwanting DeathWhere stories live. Discover now