2

7 5 0
                                    

"'Nak? Nakikinig kaba?" Sambit ni mommy para mabalik ako sa reyalidad, kanina ko pa kasi naiisip si Vernon. Nakakainis na, ha.



"Ahm, mommy. Pwede ka po ba pumunta sa school bukas? Pinapatawag ka po ni Ma'am Hernandez e." Kinakabahan ako, baka pagalitan ako ni mommy, pero okey na rin 'to kesa naman kila daddy ko sabihin panigurado grounded ako!


"Oo naman, 'nak. Pupuntahan kita bukas, anong oras ba?" Sinabi ko sa kaniya 'yung oras, at nakipagkwentuhan muna sa kaniya saglit bago napagdesisyunang umuwi na.


"Sigurado ka ba 'nak na hindi na kita ihahatid hanggang dulo ng eskinita?" Tanong ni mommy nang nandito na kami sa gate nila.


"Oo naman po mommy, kaya ko na–" natigilan ako nang may sumigaw na kalapit-bahay lang nila mommy.


"Napakawalang kwenta mo talaga! Kaya ka iniwan ng mga magulang mo, e! Dahil napakawalang kwenta mo, simpleng utos lang hindi mo magawang sundin?! Aba, sana sumama ka nalang sa magulang mo!" Nanlaki ang mata ko nang biglang may padabog na lumabas ng gate nila, habang walang emosyon ang mukha.


"Sana nga, sinama nalang nila ako." Rinig kong sambit ni Vernon pagdaan niya.


Agad akong nagpaalam kay mommy at dali-daling sinundan siya na palabas ng eskinita.


"Hey!" I said but he didn't look at me, mas binilisan ko pa ang lakad at hinawakan ang kamay niya.


Napahinto naman siya at lumingon sa akin.


"Bakit?" Tanong niya, hala? Teka, bakit ko nga ba siya hinabol?


"Uhm, ewan. K-kasi, 'yung kanina. Ano kase, uhm–"


"Masanay kana, kasi sanay na ako." Sambit niya, sabay talikod at sinenyasan akong sumunod sa kaniya.


"10 years old ako nung bumyaheng pa-baguio sila mama, para bumili ng mga gulay paninda. Pero pagbalik nila sa amin, malalamig na bangkay nalang sila dahil nahulog sa bangit 'yung elf truck ni papa na sinasakyan nila."


Tahimik lang ako habang nakasunod sa kaniya, pinapakinggan ang mga sinasabi niya.


"Napunta ako kila tita, sabi nila malas daw ako dahil nalugi 'yung negosyo nilang panaderya mula raw ng mapunta ako sa kanila." Sambit niya, sinisipa ang bato habang naglalakad.


"Araw-araw na nabubuhay ako sa mundo, ipinaparamdam nila sa akin na wala akong karapatan mabuhay. At 'yun, 'yung nakita mo kanina? Swerte pa ako nun dahil wala si tito. 'Yan 'yung dahilan kaya gusto ko nang mawala." Nakita kong sumenyas siya ng tricycle, at namalayan ko nalang na nandito na pala kami sa dulo ng eskinita.


"Ingat ka." Wala akong masabi kaya nagthankyou nalang ako sa kaniya at sumakay sa tricycle, grabe para akong ninakawan ng dila at hindi nakasagot dahil sa kinuwento niya.


"Lunes nananaman!" Naiiritang sigaw ko nang marinig kong tumunog 'yung alarm ng cellphone ko, dahil eto nanaman ang kalaban naming mga estudyante bukod sa thesis na may pabuhat na mga kagrupo at index card na binubunot ng mga strict teacher.


Agad akong kumain at nag-ayos bago pumasok sa school, dahil kahit anong tamad ko bawal pa rin ako umabsent hehehe.


"Ano kayang masarap kainin mamaya?" Eto nanaman ako, kinakausap ang sarili habang naglelecture 'yung boring na prof ko.


"… but have you asked yourself what cause of death you want?" Para namang awtomatiko kong naalala si Vernon sa sinabi ni prof.


Umiling-iling nalang ako at muling nakinig kay prof, parang napapadalas pagpasok niya sa isip ko ah. Hmm, feeling close ba siya?


"Class dismissed." Pagkasambit palang ng prof namin nun ay lumabas na agad ako, nagugutom na ako, e.


"Manong, magkano po sa kwek-kwek?" Tanong ko sa street food vendor dito sa labas, nagkecrave ako ng kwek-kwek.


"Sige Ver, dito muna ako. Kita-kits mamaya pre!" Rinig kong sigaw nung lalaki, pero hindi ko nalang pinansin at nilingon ulit si manong.


"Sampung piso tatlo lang neng." Sagot ni manong.


"Fifty pesos po kuya, tapos po maanghang po 'yung sauce." Sambit ko at kinapa 'yung palda ko para kumuha ng pambayad, pero wala akong nakapa. Hala, hindi ata ako nakakuha ng pera sa wallet! Nasa bag ko pa naman 'yun!


"Shems, nasa bag pera ko." Bulong ko, nag-iingat na marinig ni manong dahil baka palayasin ako sa harap niya huhuhu.


"Thirty pesos na kwek-kwek tsaka dalawang tig-ten pesos na mineral water kuya, dito na rin 'yung bayad sa fifty pesos na kwek-kwek." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Vernon, tinapunan ko siya ng tingin pero nakatingin lang siya kay manong habang inaabot niya yung one hundred pesos.


Hindi ako nakaimik hanggang maiabot ni manong 'yung kwek-kwek at tubig kay Vernon, inabot naman niya sa akin 'yung fifty pesos na kwek-kwek at isang bottled water.


"S-salamat, babayaran nalang kita. Nakalimutan ko kasi–" Hindi ko na naituloy 'yung sinasabi ko dahil bigla siyang naglakad, aba? Bastos pa rin siya?!


Sinundan ko siya ng tingin at nakitang may babaeng lumapit sa kaniya, inalok niya ng kwek-kwek pero tinanggihan nung babae na parang nalukot pa mukha nung tinignan niya 'yung kwek-kwek. Pero kinuha 'yung bottled water na inalok din sa kaniya ni Vernon, sino 'yun? Jowa niya ba? Sanaol!


"Hindi naman maganda pero parang nandidiri sa kwek-kwek, pwe!" Dali-dali nalang akong naglakad habang kumakain ng kwek-kwek.


Nang maubos, naisip kong pumuntang library. Feel ko kasi ulit magbasa ng libro about cats, kung anong history nila ganon, hehe.


Nang makakuha ng libro ay umupo ako sa pinakasulok, 'yung hindi masyadong mapapansin ng mga tao at sinimulan na magbasa.


Na-enjoy ko naman, pero inaantok ako e. May 20 minutes pa naman ako para umidlip, kaya napagdesisyunan kong matulog muna.


Nang magmulat ako ng mata at tumingin sa oras sa wrist watch ko ay 5 minutes pa bago ang next subject ko, ibig sabihin 15 minutes na akong tulog? Bakit parang pumikit lang ako saglit–


"Mahilig kaba sa pusa?" Napabalikwas at napaayos ako ng upo nang marinig ang boses ni Vernon na nasa tapat ko, nakaupo at may hawak na libro. Aba, kanina pa ba siya nandiyan?!


Hindi ko siya pinansin at muling nagbasa kunwari, hehe. Feel ko siyang i-snob ngayon e, wala lang pang-inis lang hehehehe.


"Napipi kana ba?" Muli niyang tanong, pero kunwari nagbabasa ako nang masinsinan.


Bigla niyang ibinaba 'yung librong binabasa ko at hinawakan ang baba ko para itaas 'yun, kaya kitang kita ko kabuoan ng mukha niya.


"Do we have a problem?" Parang sasabog naman 'yung puso ko nang titigan niya ako sa mata, hala! Ano ba 'to?!


"A-ano ba, nagbabasa ako!" Reklamo ko kunwari at tinanggal ang kamay niyang nakahawak pa rin sa baba ko.


Itinaas ko ulit 'yung libro, pero maya-maya lang ay may narinig akong tumatawa pero hindi ko pa rin siya pinansin.


Nagulat ako nang tumayo siya at lumiyad para matitigan ang mukha ko, bago hinawakan kinuha ang librong hawak ko.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, ano bang ginagawa niya?


And then he let out a sexy chuckle before turning back the book to me.


"Walang nagbabasang pabaliktad." Tumawa ulit siya bago muling umupo, napatingin naman ako sa librong binabasa ko kanina. Baliktad nga!




Unwanting DeathWhere stories live. Discover now