Prologue

6 7 0
                                    

"Huwag mo akong iwan, please... Hindi… Hindi ko kaya, Vernon..."



Ngayon lang ako natakot mamatay, ngayon lang ako natakot mawala, ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para hindi bumitaw…  Ngayon lang.



Eto na 'yung hinihintay ko, kapag hindi ko nilabanan 'tong sakit na 'to makakamit ko na 'yung hangad ko. Mula mamulat ako sa katotohanan, hinihintay ko na 'to. Pero parang ayoko na, ayoko nang mamatay.



Ayokong mawala, ayokongiwan siya. Mas ikakamatay ko na nakikitang ganito siya, umiiyak, nasasaktan at natatakot para sa sarili kong kaligtasan.



Alam ko naman noon palang, wala na akong halaga sa mga taong nasa paligid ko. Tanggap ko na, tanggap ko na rin na wala na akong dapat pang gawin sa mundong 'to.



Maraming gabi ko nang iniyak, kung bakit ako nabuhay sa mundong 'to. Maraming pagkakataon ko nang sinabing, hindi ko 'to ginusto. Maraming tao na rin ang iniwasan ko dahil sa paniniwalang, wala lang namang kwenta ang pagkabuhay ko sa mundong 'to.



Pero lahat ng 'yon, unti-unting nagbago. Hindi ko inakalang matutuwa pa pala ako na nabuhay ako, sa mundong kinaaayawan ko.



Napakaganda ng mundo.



Napakasayang makapiling, 'yung mga taong gusto ka rin sa buhay nila.



Ang ganda panoorin ng pagsapit ng hapon.



Ang sarap namnamin ng malamig na hangin, sa umaga.



At higit sa lahat, ang sarap sa pakiramdam kapag kapiling ko siya.



"Nakakatakot kaya mamatay!"




"Basta ako, ayoko ng kamatayan. Period!"



"Huwag mo nang gustuhing mawala, kahit para… sa akin nalang."



"G-Gusto kita, Vernon!"



"Masaya ako sa'yo, Vernon."



"Vernon! Ang gwapo mo pa rin, kahit ang baho ng paa mo hehehehehe."



"Mahal na mahal kita, Vernon Dave."



Lumaban ako para sa kaniya, dahil binigyan niya ako ng dahilan para gustuhin kong mabuhay.



"Papa, tara na po. Magdadrive thru pa po tayo, e." Rinig kong sambit ni Faith.



Ngumiti ako at tinanguan siya, bago siya binuhat. Pero nagulat ako nang pigilan niya ako at saglit na lumingon sa mama niya.



"Babye po, mama!" And then she slightly giggled.



Faith is always like this, she likes to left full of joy and love for her loved ones not to worry about her when she leave.



And that trait is from her.



Faye.



Unwanting DeathWhere stories live. Discover now