3

7 5 0
                                    

"Argh!" Nakakainis naman, e. Pakiramdam ko habang buhay na akong nakakahiya, lalo na kapag nakaharap ko ulit siya.



Bakit nga ba hindi ko napansin na baliktad 'yung libro? Nagmukha tuloy akong enggot sa harapan niya, at ang kapal niya pang magdemand na mag-ingay nalang daw ako sa harap niya! Bakit kaya hindi nalang siya ang mag-ingay, hindi 'yung ako lagi diba?



Buti nalang dumating 'yung epaloids niyang kaibigan, na ang sabi chicks daw ako?! Eh kung hagisan ko kaya siya ng sisiw tutal chicks ang tingin niya sa akin?!



Parehas silang weirdo ng kaibigan niya, bagay na bagay silang magkasama! Nakakainis, bakit ko ba kasi naisipang magpanggap na nagbabasa ng libro? Haaaaays!



"Malalim iniisip mo, may problema ba sa school?" Bumalik ako sa diwa ko nang magsalita si daddy.



"Oo nga Xy, kaharap ka namin dito sa hapag pero you seems like you're not existing." Sambit din ni tita Lesley.



"Sorry po, medyo masama lang pakiramdam ko, e." Makumbinsi kayo please, ayokong pag-usapan dito 'yung monggoloid na 'yon.



"Okey anak, magsabi ka lang kung may problema." Pilit na ngiti na lang ang ginawa ko at pinagpatuloy ang pagkain para hindi na nila ako mapuna.



Nang matapos ay umakyat na ako sa kwarto ko, dumiretsyo ako sa veranda para magpahangin saglit.



Pero kahit anong tingin ko sa napakagandang buwan at mga bituin, hindi ko pa rin maiwasang maisip ang nangyari kanina sa library.



Nakakahiya ako, pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap kay Vernon. Dahil paniguradong pagtatawanan ako nun, baka sapakin ko lang siya.



Ang weird lang din dahil noong nakaraan ay parang malaki pa ang sama ng loob niya sa akin, na parang may sakit ako at ayaw niyang madikit sa akin. Pero kanina, siya na mismo 'yung lumapit.



Mukhang gumagana talaga ng charisma ko, sabi ko na nga ba at magiging kaibigan ko rin 'yung masungit na 'yun.



Pero sa tingin ko, naiintindihan ko na kung bakit ganun 'yung ugali niya. Baka ayaw niya magpapasok sa buhay niya dahil na rin sa tragedy na nangyari sa magulang niya, ayaw na siguro niyang makaramdam ulit ng pakiramdam na biglang iwan.



Kahit naman ako e, kung ganun ang nangyari sa akin aayaw na talaga ako makipag-komunikasyon sa iba. Nakakadala kung nasanay kang nasa tabi mo 'yung isang tao, tapos biglang mawawala.



Kaya dapat gawin ko 'yung best ko para maging close kami, nakikita kong kailangan niya ng kaibigan. At ako 'yun, the great Faye!




Nagpalipas muna ako ng ilan pang minuto, bago napagdesisyunang matulog na dahil may pasok pa pala ako bukas.



"Good morning world!" Sigaw ko dito sa may quadrangle, papasok na sana ako sa room pero maaga pa naman kaya naman nandito muna ako sa quadrangle para maglakad-lakad.



"Palaka!"



"Ay palaka!" Sigaw ko nang may nanggulat sa paa ko, at sumigaw ng palaka!



Nilingon ko at nakitang 'yung kaibigan pala ni Vernon, tawa pa nang tawa sa kalokohang ginawa!



"Bakit nag-iisa ka ata, 'di mo kasama si Ver?" Tanong niya na ikinanuot ng noo ko.



"Bakit? Required bang maaga palang kasama ko na siya? Eh hindi ko nga siya kaibigan, e." Totoo naman, hindi naman kami magkaibigan tapos magiging magkasama kami ng ganito kaaga?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanting DeathWhere stories live. Discover now