The Man in my dreams

4 0 0
                                    

This story was from my friend in shs unicornrhein and I hope that you like her story. Thank you in advance.

Rhein's POV

Ang lakas ng ulan kaya ang lamig sa bahay namin ngayon. Taklob na taklob ako ng kumot and di ako makatulog ng maayos kase nakaka takot yung kulog and ang lamig. Kalagitnaan ng madaling araw bigla akong nagising so ang pungay pa ng mata ko, siguro dahil sa inaantok pa ako dahil sa puyat. Then pag tingin ko sa wall fan sa paanan ko, nagulat ako bakit parang ang 'wooshy' ng vision ko, so pinilit kong tanggalin yung antok sa pagkurap ng maraming beses. Then narealize ko na di ko magalaw katawan ko. Nakahiga lang ako ng derecho and ramdam na ramdam ko paninigas ng katawan ko ... and everytime na pinipilit kong gumalaw biglang naninigas katawan ko and hindi rin ako makapag salita or maglabas ng kahit anong tunog sa bibig ko.

At this point natatakot na ako ng sobra kase alam ko sa sarili ko ako nalang gising sa mga oras na yon. Then pag tingin ko ulit sa wall fan sa paanan ko, nakita ko na nag form sya na muka ng lalaki ... Lalaki na naka-salamin. Then doon na nag sink in, kaylangan ko manghingi ng tulong kay papa kase natatakot na ako ng sobra. Coincidentally, may narinig akong tunog ng plastic sa likod ko. Siguro nag lilinis ng dumi ng aso since kasama namin matulog aso namin sa taas. Pinilit kong ilabas sa bibig ko yung salitang "Tulong papa, tulong" ilang beses ko ginawa pero puro maliliit na ungol lang lumalabas sa bibig ko.

Then narinig kong naglakad palapit sakin yung tao sa likod ko then nung nasa tabi ko na sya, narinig ko yung mahinang tawa nya tapos nakita ko sa peripheral vision ko yung paglapit ng kamay nya sa akin. The moment na dumikit sakin yung kamay nung lalaki, nagising ako. Doon ko nalaman na sleeping paralysis na ang nangyari sa akin ... Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino yung lalaking nakasalamin and yung lalaking lumapit sa tabi ko sa panaghinip ko na yon.

At pag gising ko, kung ano yung pwesto ko sa panaghinip ko ayun mismo yung pwesto ko nung nagising ako.

















(A/N: Lesson Learned by Rhein: According to Google "mostly sleep deprivation, change of sleeping pattern and positions yung mostly cause ng sleeping paralysis". So ever since nangyare yon pinipilit kong matulog ng maaga and wag na mag basa ng mga psychological genre webtoons tuwing gabi)

Horror StoriesWhere stories live. Discover now