Someone's behind me

1 0 0
                                    


Anne's POV


Mga 9pm gising pa rin ako that time at nanood lang sa tv. Pagkatapos ko manood ay naglaro muna ako ng ML dahil di pa naman ako inaantok eh. Bale naka 2 or 4 game ata ako nun. Then bandang mga 11pm di pa rin ako makatulog kaya bet ko muna magbasa sa Wattpad hanggang sa dinapuan na ako ng antok at pinatay ko na yung cellphone ko at nilagay sa tabi ng higaan ko. Nakatulog ako mga pasadong 12 am na nang madaling araw.




I think mga 2 or 3 or 4 am naalimpungatan ako pero na natili paring nakapikit yung mga mata ko pero medyo nasisilayan ko na bukas ang ilaw sa kwarto dahil sa oras na yun naaninag ko si lola na nagtitimpla ng kape. Mamaya naramdaman ko na parang lumubog yung kama kung saan ako nakahiga since nakatalikod ako ramdam ko na parang may humiga sa tabi ko pero nanatili pa rin akong nakatalikod. Tapos parang may umaakap sa akin na mainit sa pakiramdam nung dumapo sa mga balat ko ang nilalang na di ko alam kung ano ba yun dahil takot din ako makita kung ano nga ba yun nanatili akong nakatikod lang. Nagdasal ako agad imbes na maglamon sa takot at kinapa ko na yung bracelet ko sa kamay ko nasuot ko pero nagulat ako na di na ito nakasuot sa kamay ko at nakatanggal at nakatabi na lang sa kamay ko ito. Lagi kasi itong nakasuot sa akin except kung maliligo ako kaya nung nakita ko na di ito nakasuot dali dali akong sinuot to uli at nawala na nung presensya nya nung naisuot ko na uli yung bracelet.




At pagkagising ko di ko alam kung totoo ba yung nangyari kaninang madaling araw or panaginip lang ba ang lahat. Pero iba yung pakiramdam at feel ko na totoo ito nangyari ehh. Dahil sa pangyayari na yun every time na matutulog ako sa kwarto ng Lola ko ay naglalagay na ako ng unan sa tabi upang wala ng space at di na uli makatabi yung nilalang na yun sa akin. At mula mangyari yun ay di na muli naulit yun.






(A/N: I hope you guys like it and please recommend my story. Always remeber the bible of Psalms 112: 6 - 8 "Persevere in the faith, cast off all fear and keep your heart strong; God will never forsake you.". )

Horror StoriesWhere stories live. Discover now