Lola!?

1 0 0
                                    

Ava's POV

       Pagkatapos namin ni lola kumain ng tanghalian ay ako na ang nakatoka maghugas ng pinagkainan namin tapos nagpahinga muna ako saglit at naghihitay ng oras para magluto ng pangmerienda. Kaya naglaro muna ako ng ML at nagbasa- basa sa Wattpad.



       Mga 2pm na siguro ng napagdesisyunan ko na magluto ng french fries at habang nagpriprito ako ay nagawi yung tingin ko sa bodega namin at nakita ko na dumaan si lola dala - dala yung panlinis kaya naisip ko baka ibabalik niya na. Dahil nacurious ako bat antagal niya lumabas at kung anu pa ginagawa niya dun kaya pinuntahan ko na pero pagsilip ko walang tao at nakasirado yung cabinet. Napaisip ako ambilis naman ni lola mawala at makalad pabalik kasi impossible yun dahil masakit ang tuhod kaya nahihirapan siya maglakad.



      Naglakad ako papuntang kwarto ni lola at nakita ko siya dun na nagpupunas sa headboard ng kama at nandun pa yung mga gamit pangpunas. Kaya nakaramdam ako ng takot kung sino ang lola na nakita ko kung si lola talaga ay nasa kwarto niya. Pero imbes na magpadaig sa takot ay nagpatuloy sa pagluluto ng fries.



       Lumipas ang ilang araw ay dumating si tita at yung pinsan ko na anak ni tita. Tapos kinuwento ko sa pinsan ko yung nangyari. Pero pangalawang beses na ito nangyari dahil nung gradeschool ako nangyari na nakita ko si lola sa kwarto naman niya nung di pa narerenovate yung bahay pero sabi ni mommy nasa labas daw si lola at nakikipagchikahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Horror StoriesWhere stories live. Discover now