Doppelganger

2 0 0
                                    

This story was from my auntie who experienced "kababalaghan" in her work in the part of Valenzuela City in the year 2001 as a receptionist in a corporation.




Lia's POV

Noong taong 2001 ay isa ako receptionist sa isang Flexo Mfg. Corporation nakalocate sa Valenzuela City. Ang oras ng work ko ay 7am at matatapos ng 6pm, Monday to Saturday. Hanggang sa isang hapon malapit nang mag 6pm, inutusan ako ng superior ko na maghatid ng memorandum sa isang department sa loob ng planta. Syempre sinunod ko kahit alanganin ako na mag uuwian na. Noong pabalik nako sa station ko nakita ko ang kasamahan ko na kumakaway sakin na para bang inaaya na ako umuwi at past 6 narin kase.

Natuwa ako sa nakita kong napakaganda nyang smile na para bang gusto makipagtaguan, kaibigan ko kase sya at kumare ko din sa binyag ng anak nya.

Habang papalapit ako sa station ko siya namang takbo nya papunta sa ilalim ng table na para bang nakikipag hide and seek. Lalo ako na excite na lapitan at gulatin sya. Finally, nakapasok nako sa work station ko at ready na akong gulatin sya. Na surprise ako dahil wala sya sa pinagtaguan nya kaya nagtaka ako at napatulala dahil hindi ako pwede magkamali dahil hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya habang tumatakbo sya papunta sa iallaim ng table.

Kinilabutan ako dahil napansin ko na ako nalang mag isa sa area na yun kaya dali dali akong tumakbo papunta sa labasan at sa tindi ng takot ko ay naiwan ko ang bag ko at nakalimutan kong mag out sa biometric namin.

Simula noon sa tuwing sasapit ang 6pm ay hindi ko hinahayaan na mag isa ako sa lugar dahil hindi lang ito ang na experience kong kababalaghan sa kumpanya na iyon.














(A/N: Mahirap talaga pagnagiisa tayo sa isang lugar lalo na kung may kwentong kababalaghan na ang isang lugar dahil maaari hindi lang tayo ang nandun sa lugar na yun. Naexperience ko din to sa bahay namin dahil kala ko yung pinsan ko yung dumaan papuntang kwarto pero hindi pala naalala ko wala yung pinsan ko s ahaus at yung kala ko lola ko nasa kwarto pero yun pala eh nasal abas sya ng bahay. I hope nagustuhan niyo sya guys 😊.)

Horror StoriesWhere stories live. Discover now