A Sound of a Dropping Coin

1 0 0
                                    


Malia's POV


Mga 10 pm ng gabi ng matapos kami manood ng tv kaya napagdesisyunan ko muna mag cellphone bago matulog dahil di pa naman ako dinadalaw ng antok nun eh. 12 am na nang may narinig akong barya nahuhulog (Ching! Clink! Ching! Clink! Ching! Clink! - sounds na nahulog yung barya haha paimagine na lang ganyan tunog) so nasa iisip ko lang baka masipa lang si lola sa paanan nya na naiwang barya sa kama tapos nahulog. Since kami tatlo nila mommy at lola nakahiga sa kwarto ni lola di ko na lang pinansin.




Bigla nagsalita si Mommy na "Narinig mo yun beh?", pabulong na tanong ni mommy na alam ko na kung ano tinutukoy nya at naring nya pala.




"Ha? Ang alin ma?", nagmamaangan na sabi ko habang nag cellphone pa rin.




"Yung parang may nahulog na barya", sabi nya.




"Ah baka may nasipa lang si lola sa paanan niya naiwang barya", sagot ko ke Mommy.




Pero naulit pa ito uli (Ching! Clink! Ching! Clink! Ching! Clink!)




"Matulog ka na sige ka ... Tama na yan pagcecellphone mo.", sabi ni mommy.




"Ehhh mamaya onti wait lang", sabi ko. Pero (Ching! Clink! Ching! Clink! Ching! Clink!) parang may nahulog uli.




Kaya nagkatinginan kami ni Mommy at nakaramdam na ako ng takot kaya pinatay ko yung cellphone ko at napagdesisyunan na matulog. Pero nahulog sya uli kaya sumisiksik ako ke Mommy at umakap na sa kanya at nagyayakapan na kami ni Mommy dahil sa takot at pinilit ko na lang pumikit hanggang sa tuluyan na ako lamunin ng antok.




Kinaumagahan sabi ni mommy sa akin wala naman daw mga barya na nahulog chineck nya pa sa ilalim ng kama eh kaya nashock ako nung nalaman ko ito. Kaya napaisip ako sino ang naghuhulog ng barya?





(A/N: Naririnig ko na sya dati pero once lang sya nahuhulog this time lang yung nakailang ulit sya nahulog. Still now cluless pa rin ako kung saan galing yung mga barya na nahuhulog na naririnig ko. Remember: Isaiah 41:10, "So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.")

Horror StoriesWhere stories live. Discover now