CHAPTER SEVEN: CONFRONTATION

805 70 12
                                    

Jaydee's POV

It's been 2 weeks since Frances slept at my condo but what really happened that day  still fresh in my head. Its living in my mind for free.

Ito ako ngayon tulala dito sa loob ng classroom. Kanina pa nag uumpisa ang pagtuturo ni Prof. Burnek pero wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya. May isinusulat siya na mga equation sa white board at alam ko ang iba doon. Napag aralan ko na yan last year pa.

Ang ibang ka klase ko ay pilit na ginigising ang sarili para hindi lang makatulugan ang subject na 'to. Sabi nila mahirap daw but for me you just need to understand the question first bago ka mag commit sa isang relationship kasi diba hindi magiging madali ang pagdadaanan niyo kapag hindi niyo kinilala ang isat––

" Hoy pre naisip mo kung nagkakaroon din ng gender crisis ang mga hayop?" Bulong ni Gabb sa kanan ko. 

Tinignan ko muna si Sir na nagsusulat parin sa board bago siya sinagot.

" Itanong mo kay sir total hayop din yan. Hayop magbigay ng grades." Inis na sagot ko. Narinig ko pa ang mahinang pagbungisngis ni Gabb.

Siya rin kasi yung Prof namin sa isang major subject last year. Bigyan ka ba naman ng 1.6 kamuntik na ko malaglag sa dean list dahil sa kaniya. Sinabi ko lang naman na mali yung solving niya sa isang number sa exam tapos nagalit agad. Siya na nga tong binigyan ng tamang sagot. Hmp!

Ibinaling ko ang tingin ko sa open field na nasa gilid ko. Ang ganda na naman ng panahon. Maaliwas hindi masyadong mainit sa labas. May ma ngilan ngilang naglalakad at ang iba ay nakatambay lang sa field kung saan may iilang puno na pweding silungan mula sa araw.

Sumagi sa isip ko si Frances. Noong una ko siyang makita dito sa University ay yun din yong araw na nakatambay siya sa ilalim ng puno sa field. Ganitong oras din yun eh. Lagi ko siyang napagmamasdan mula dito sa pwesto ko kaya lagi rin akong hindi nakikinig kay Prof.

And speaking of Frances, hanggang ngayon ay bakas parin ang black eye na binigay niya saakin. Hindi na gaano ka pula ang mata ko dahil ipina check up ko naman agad pero yung paligid ng mata ko ay bahagyang nangingitim parin kaya hindi ako makagalaw ng walang shades. Kahit nasa loob ako ng classroom ay suot ko ito at Buti naman hindi ako pinapagalitan ng ibang Prof. Sinabi ko kasing may sore eyes ako at baka mahawa sila.

Lagi akong tampulan ng asaran dahil sa black eye na binigay niya pero kahit katiting na inis ay wala akong maramdaman para sa kaniya. Mas naging interesado pa nga ako. Sinong mag aakala na ang babaeng inuwi at pinatulog ko sa pamamahay ko ay binigyan ako ng malaking black eye imbes na thank you lang. How kind Frances.

Mas na challenge ako dahil sa ginawa niya. Iba siya, ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Hindi siya tinatablan ng mga salita at pa cute ko. Natawa ako kapag mas lalo niya akong sinusungitan. Ewan ko ba bat ganito ang naging epekto niya.

Lagi ko siyang pinupuntahan sa classroom nila. Simusilip lang kasi hindi na ako lumalapit baka kabilang mata ko naman ang bigyan niya ng black eye. Hindi pa nga gumagaling ang sa kaliwa—

" MISS GARCIA!"

"MISS GARCIA!!" napaigik ako dahil sa pagsigaw ni Sir kasabay ng paghampas niya ng libro sa table.

"S- Sir?!"  agad akong napatayo dahil sa sigaw nitong si Prof. Burnek. Kinabahan ako ng makitang masama itong nakatingin saakin. Mukhang ako ata pagbubutungan ngayon ng inis Niya. Badtrip.

Tinignan ko naman si Gabb para humingi ng tulong. "Sabihin mo present!" mahinang bulong niya sa akin.

Agad naman akong napangiti  Kay Sir.
"Sir present po Sir!"confident ko pang sagot sa kanya sabay upo na at tinapik so Gabb sa balikat bilang pasasalamat sa kanya.

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon