CHAPTER EIGHT: FIRST PASSENGER

778 70 23
                                    


Jaydee POV

" How much is this?" I asked the young lady sabay turo sa kotseng nasa harapan ko, isa siya sa mga taohan nila Gabb dito sa shop.

" That will be around 15 Million ma'am" tumango naman ako sa kaniya.

Kompleto kaming magba-barkada ngayon napag alaman kasi namin kanina na may meeting daw ang mga Prof sa Engineering department. Ewan ko sa ibang department kung may pasok pa sila siguro meron pero itong mga kasama ko ay mukhang nag cutting class na lang talaga.

" Ano pre ano bang gusto mo dito? Pangchix ba talaga hanap mo?" Ani Gabb na kanina pa tanong ng tanong.

" Kalma lang Gabb namimili pa si Jaydee nagmamadali ka. May lakad kaba?" Tanong ni Lara kay Gabb na kanina pa hindi mapakali.

" Kasi naman kanina pa kayo dito! Almost 2 hours kana dito Jaydee naririndi na ko sa pagmumukha niyo!" Tila na ubos na ang pasensya niya.

Tinawanan naman siya nila Ecka at Abby na nakaupo lang sa lamesa sa front desk habang naglalaro ng baraha. Tama siya, after namin kumain sa cafeteria ay nagkayayaan na kaming pumunta dito. Sinamahan nila akong bumili ng kotse ang hirap na kasi magcommute tapos minsan nahihiya narin ako sa kanila dahil sa paghatid sundo sa akin kapag may mga gala kami.

Iyong tipong may mga dala silang jowa tapos ako third wheel sa gilid? Nakakainis kaya yun!

" Mamili kana Jaydee. Anytime mukhang ibabalibag kana ni Gabb sa sobrang tagal mo. " Ngising sabi ni Abby saka lumapit na saakin at umakbay pa.

" Hindi ko alam anong mas bagay saakin. 'yong 2021 Ferrari Portofino ba or McLaren Senna" saka ako napakamot sa kilay ko.

" Sa sobrang arte mo bumalik na lang si Guinevere sa University. " Ani ni Lara nakatanga lang din sa amin. Naunang umalis na pala kanina ni Gia kakahintay saakin ang nipis talaga naman ng pasensya nun.

" Ma'am just go for the Ferrari Portofino around 30 Million po" sabat ng taohan ni Gabb.

" HA! Thirty fucking Million?!" Gulat na tanong ko dito. Tumango naman ito.

" Ay sayang walang red? Kunin ko sana" Arteng tanong ko dito na ipinakita pang mukhang dismayado ako. Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko at bahagyang umawang pa ang bibig at nakatingin lang saakin.

Lumabas pa sa ilong ni Gabb ang tubig na iniinom dahil sa tanong ko. Ang dugyot talaga.

Umani naman ng tawanan mula sa ilang mga kaibigan ko. Bwesit. Bat ba kasi ang mahal ng mga sasakyan ngayon jusko. Presyong ginto!

"Nice choice po Ma'am! Ay meron pong red ma'am nasa loob po. Only for VIP lang po pero pweding pwedi niyo pong tignan. "

Agad akong nataranta ng magsimula na itong maglakad papasok sa isang pinto. Mukhang doon ang daan papuntang garage kung saan nakatago ang ibang sasakyan na sinasabi niya.

" Jaydee ano ba pre walangya ka talaga" natatawang ani ni Abby habang hawak ang tyan niya.
"Sabihin mo nga ano bang problema mo at hirap na hirap kang pumili ngayon"

" Pera ba? Pwedi kitang pahiramin kapag kapos ka ngayon. " Tugon ni Gabb. Kami na lang ang naiwan ngayon dahil umalis na ang tauhan ni Gabb na kanina pa ako kinukulit kung ano bang gusto ko. Gusto ko na nga sabihin na gustong gusto ko na siyang tirisin sa sobrang kulit niya.

Wala pa silang mga customer na namimili ng mga sasakyan dahil siguro weekdays ngayon at may mga trabaho ang mga tao. Kami lang talaga itong mga studyante na nagcutting pa yong iba para bumili ng sasakyan.

" Walang discount dito pre. Bilisan mo na kaya para ma test drive mo na agad." Tugon ni Gabb

" Ang mahal kaya ng 30 Million! May pera ako pero ang mahal parin!" Reklamo ko habang saka umupo sa hood ng McLaren. Tinatansya ko kung matibay ba talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon