#53 "HEADSET"

15 4 0
                                    

{Characters}

{Jin - BTS}
{Yeri - Red Velvet}

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yeri's POV

Irita akong pumasok sa loob ng apartment.. Bakit ba ang malas malas yata ng araw ko ngayon? Kung hindi talaga sa matandang hukluban na yun

"Yung matandang huklubang bagong lipat sa kabila.. Tsk.." Ibinato ko ang bag na suot ko sa sofa at umupo

"Bakit ang init ng ulo mo ngayon? Anong nangyari?"

"Kasi nga may matandang huklubang kakalipat lang sa kabila" irita ko pa ding sagot sa kanya

"Matanda? May matanda bang lumipat? Alam ko may lumipat pero hindi naman matanda"

"Matanda yun! Nakakairitang matanda! Wag mo muna ako kausapin napipikon ako" hinilot ko ang sintido ko

"Ano na naman kasing ginawa sayo? Sinong matanda ba tinutukoy mo?"

"May isang matandang pakialamero.. Tsk.. Malapit na yata mag menopause yun kaya masungit.. Bakit ba kasi dito pa sa building natin sya nalipat at ang masama pa kapitbahay pa natin sya" Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Joy dahil sa sinabi ko

"Lalaki yung bagong lipat di ba?"

"Lalaking masungit na akala mo bagay sa kanya yung pink tsk.. Bading ata yun" Bigla naman syang tumawa na para bang kinikilig

"Hoy.. Ang gwapo kaya nung bagong kapitbahay natin wag ka namang ganyan"

"Ah basta nakakairita sya.. Good bye!" Tumayo na ako at pumasok sa loob ng kwarto ko at sinara ang pinto..

Nahiga ako sa kama at inalala ang nangyari kanina.. Bakit pa kasi kailangang lumapit ang katulad nya sa building namin at ang malas pa dahil professor ko pa sya..

/Flashback/

Tahimik akong nakaupo sa ilalim ng puno habang nakikinig ng music at inaaral ang science subject.. May bago daw kaming prof sa science.. I wonder kung mabait.. Sana mabait katulad nung nag sub sa dati naming prof sa science..

"Hoy may klase ka di ba?" Napataas naman ang tingin ko at nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap ko na may hawak na stick.. Naka kulay pink sya na polo at red na necktie.. Napatingin ako sa mukha nya.. Mukhang maamo at aaminin ko ang gwapo pero..

"Meron po pero mamaya pang 11:30.. 11:15 pa lang so may 15 minutes pa ako para tumambay" Bigla naman nya akong tinaasan ng kilay..

"You're suppose to go in your class 15 minutes before it starts.."

"Sir maaga pa po tsaka hindi naman malayo ang room"

"Go in your class now" Bigla naman nyang hinampas ang braso ko ng stick na hawak nya.. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pumasok na sa loob ng school.. Ngayon ko lang sya nakita bakit ganun sya makaasta..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko at malalim ang iniisip.. Iniisip ko pa din yung masungit na lalaking nakita ko kanina sa labas... Naramdaman ko ang sabay sabay na pagtayo ng mga classmate ko kaya naman tumayo din ako.. Nakita ko sa harap ang isang pamilyar na lalaki.. Sandali sya yung lalaki kanina na namalo ng stick sakin ah

"Good Morning Class"

"Good Morning Sir--"

"Kim.. I'm Kim Seokjin your new Science teacher"

"F*ck" bulong ko.. Bakit sya pa?

"Kilala mo sya?" Napalingon naman ako kay Crystal na katabi ko lang

KPOP ONE SHOT STORIESDove le storie prendono vita. Scoprilo ora