#56 "TO BE CONTINUED..."

21 2 0
                                    

Eunhyuk's POV

Isang tahimik na hapon ang meron ako.. Nakaupo sa upuan habang nanonood ng TV.. Isang normal na araw dahil Day-off ko ngayon.. Eto ang tamang pag spend ng Day-Off

"Eunhyuk" Agad akong napalingon ng marinig ang boses at katok sa pinto.. Agad akong naglakad palapit ng pinto at binuksan yun

"Uy ikaw pala.." Bati ko sa kanya..

"Nood tayong movie.. May dala akong CD" Pinakita nya ang isang CD na hawak nya.. Sa itsura nito para bang galing pa yun sa makalumang panahon.. Mukhang luma na sya

"Gumagana pa ba yan? Mukhang luma na.. Saan mo ba yan nakuha?"

"Ey.. Basta tsaka kahit luma na to maganda tong movie na to"

"Napanood mo na ba?"

"Hmm.. Oo ilang beses na" Binigyan nya ako ng malawak na ngiti.. Napailing na lang ako at napabuntong hininga

"Tara pasok ka na" Nauna akong pumasok sa loob at inayos ang set up ng DVD set ko

"Sigurado Pre magugustuhan mo tong movie na toh.. Nakakatakot toh" Napairap naman ako sinabi nya.. Well mahilig ako sa horror movie unlike him..

"Ang hilig mo talaga sa nakakatakot di ka naman nanonood.. Panay sigaw ka pa.. Bakla ka ata"

"Hoy! Ikaw kaya yung mahilig sumigaw"

"Sus parang nung nakaraang buwan lang nung nanood tayo ng horror movie eh tumili ka eh nasa loob pa tayo ng sinehan non kakahiya ka parang gusto na lang kitang iwan non" Kwento ko.. Bigla naman syang bumusangot dahil sa sinabi ko

"Napakasama ng ugali mo para kang hindi kaibigan" Tumawa naman ako ng malakas sa sinabi nya

"Akin na nga yang CD at ng makapagsimula na tayong manood.." Tumango naman sya,

Inabot nya yung CD sakin.. Sa texture pa lang nung CD parang hindi na gagana.. Magaspang na maduals na hindi mo maintindihan yung texture.. Ipinasok ko na lang sa DVD yung CD at naupo sa sofa

"Sigurado ka bang gumagana pa yung CD? Parang isang pitik na lang masisira na eh"

"Oo matibay yon.. Eto naman walang tiwala sakin"

"Sayo meron akong tiwala pero sa CD mong dala wala.." Parehas kaming napatingin sa TV at may nakitang error

"Hala bakit nagkaganyan"

"Sabi sayo eh hindi na yan gumagana"

"Sandali.."

Bigla namang nawala yung error at bigla na lang gumana.. Nagsimulang mag flash ng mga text na hindi ko maintindihan muli itong nag black out at naglabas ng isang text na nakasulat ay *Based onn true to life story*

"Eto pre chips" Bigla naman nya akong inabutan ng bag ng chips saka ako sumubo ng sunod sunod..

Tahimik lang kaming nakatingin sa screen.. Actually hindi naman sya ganun nakakatakot.. Para syang old movie na may pagka documentary ang dating.. Kakaiba din sya dahil parang paiba iba ng scene.. Actually para syang galing sa CCTV yung mga kuha.. Di sya ganun nakakatakot peroang weird lang nung dating nya...

"Alam mo ramdam na ramdam ko na Based in true to life story talaga sya" Sabi ko habang seryosong nakatingin sa TV

"Natatakot ka na Pre?" Sabi nya sa pang asar na tono

"G*go Hindi noh" Sinamaan ko sya ng tingin saka ibinaling muli ang atensyon sa TV..

Wala namang nangyayari.. Paiba iba lang ng location ng bahay at yung mga creepy sounds lang yung nagbibigay ng takot sa movie.. Mga isang oras na din at nagsimula na akong antukin..

"Ang boring naman ng movie na yan.. Yan na yung maganda at nakakatakot? Wala naman akong nakikitang nakakatakot dya sa Movie"

"Maghintay ka lang malapit na" Ngumiti naman sya ng malawak..

Maya maya pa ay biglang nag black out ang screen at muli din syang nagbukas sa pagkakataong to ay may dalawang tao na nakaupo sa isang sofa.. May pinapanood silang pelikula.. Pero hindi ko masyadong maaninag kung ano dahil medyo blurred..

"Ano yung pinapanood nila?" Hindi naman umimik si Jiyong sa tabi ko sa tingin ko nagsisimula na syang matakot..

"Gusto mo pa bang tapusin?" Tanong nya.. Bigla naman akong tumingin sa kanya at tinawanan sya

"G*go ka pre.. Ano natatakot ka na ba?"

"H-Hindi"

"Sus.. Halata.. Naku baka maihi ka sa pants"

"You want to try me?"

"Go" Naging seryoso ang mukha nya..

"Seryoso ka? Gusto mong tapusin?"

"Oo nga.." Tumango lang sya at muling itinuon ang atensyon sa TV kaya ganun din ang ginawa ko.. Ang weird talaga ng lalaki na to minsan.. Biglang nag cut ung Movie na pinapanood namin at nakalagay ay To be continued saka sya namatay ng tuluyan

"That's it"

"Hmm? Bakit parang putol?"

"Hindi pa kasi yun tapos" Nagtaka naman ako sa sagot nya

"Mukhang matagal na yung Movie.. Wala bang season 2? Wala namang nakakatakot dun sa movie" Bigla naman syang tumawa

"Season 2? Walang Season 2 pero may susunod pa yun... Alam mo kumain na lang tayo magluluto ako"

"Go.. Pasok lang akong kwarto" Nag thumbs up naman sya at naglakad na papuntang kusina.. ako naman pumasok sa kwarto ko at nahiga mabilis akong nadaanan ng antok kaya nakatulog ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa mabangong amoy galing sa labas sa tingin ko ay tapos ng magluto si Jiyong.. Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta sa kusina

"Tapos ka ng magluto?"

"Oh.. Gising ka na pala? Oo tapos na po akong magluto mahal na prinsipe... Maaari na po kayong kumain.." Napailing at napatawa ako sa ginawa nya.. Naupo ako sa upuan at nagsimula kumain ng niluto nya..

Habang kumakain ay napansin ko ang pagiging tahimik nya kaya naman ay nilingon ko sya at tinanong

"Okay ka lang?"

"Bakit mukha ba akong hindi okay?"

"Ang tahimik mo kasi kanina ka pa ganyan paiba iba mood"

"Di ka pa nasanay sakin ah" Napailing na lang ako sa sinabi nya.. Natapos kaming kumain.. Inabutan nya ako ng slice ng apple at nginitian

"Uy Apple favorite ko" Nagsimula akong kumagat sa apple at ganun din sya..

"Alam mo ba kung bakit to be continued yung movie?"

"Hmm? Kasi may kasunod pa" Tumango naman sya

"Sa tingin mo bakit hindi tapos?"

"Malay ko.. Siguro tinamad na yung direktor"

"Mali.. Kasi ongoing pa yung susunod" Napakurap naman ako ng ilang beses sa sinabi nya.. Itinuro nya ang CCTV cam na nasa loob ng apartment ko

"Hmm? Bakit anong meron?"

"Ongoing pa yung susunod ng Movie" Ilang beses akong napakurap sa sinabi nya

"Alam mo nananakot k--" Agad naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang akong hindi makahinga.. Tumingin ako sa kanya at nakita ang pag ngiti nya.. Isang ngiti na nakakakilabot.. Inilabas nya isang kutsilyo na nasa bulsa nya at sunod sunod akong sinaksak..

"Ngayon meron ng kasunod ang pelikula"

~END~

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

KPOP ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now