Ruiana's POV
POTANGENAAAAAAA!!!!
"Ruiana okay ka lang? Bakit tulala ka dyan?" Tinapik naman bigla ni Tita yung balikat ko kaya napatingin ako sa kanya
"S-Sinabi mo bang sya si Seungkwan?" Napaturo ako sa lalaking nakasuot ng sky blue na polo at naka skinny jeans na kasalukuyang nagpapasok ng gamit sa loob ng bahay..
"Oo.. Yung kababata mo" Sagot ni Tita..
"Pero nasaan yung mahaba nyang buhok? Bakit hindi sya naka dress? Bak--"
"Uy! Hello!" Biglang lumapit papunta samin yung tinutukoy ni Tita na si Seungkwan.. SYA BA TALAGA YUNG BAKLA KONG KABABATA?
"Uy Seungkwan kamusta? Ang gwapo gwapo mo na" Nakatitig lang ako sa kanya.. Hindi sya mukhang bakla.. Ang gwapo gwapo nya!! Muka syang lalaki! Lalaking lalaki!
"Ey.. Kayo rin po maganda pa din po kayo wala pa ding kupas" Napakurap ako ng mata.. Sya ba talaga si Seungkwan na kababata ko? Paulit ulit umiikot sa utak ko ang tanong na yun.. Ang layo ng dating Seungkwan na kilala ko
"Ang batang to nambola pa.. Uy Ruiana hindi mo ba sya babatiin? Tama na kakatitig at baka matunaw si Seungkwan" Naputol ang pagtitig ko sa kanya dahil sa sinabi ni Tita
"H-Hindi ako nakatitig noh!"
"Sus.. Parang di naman kita nahuli.." Bigla pa akong inirapan ni Tita "Siguro iwan ko muna kayong dalawa para makapag usap.. Matagal ka ding nawala dito sa probinsya Seungkwan kaya hayaan mong si Ruiana ang mag tour sayo"
"Teka bakit ako? Bakit hindi ikaw?"
"Hoy bata ka.. Malamang at kayo ang magkababata.. Sige na iwan ko na kayo.. Seungkwan bantayan mo yang si Ruiana ah medyo tanga pa din sya hanggang ngayon" Narinig ko lang na tumawa si Seungkwan sa sinabi ni Tita "O sya sige na aalis na ako" Tuluyan na nga kaming iniwan ni Tita.. Ako naman ay parang hindi makagalaw sa pwesto ko.. Hindi pa din akong makapaniwalang sya ang Seungkwan na inaayusan ko para maging model sa fashion show namin nung mga bata pa kami
"Ey.. Baka matunaw ako" Bigla naman syang ngumiti
"I-Ikaw ba talaga si Seungkwan?" Paninigurado ko.. Bigla naman syang lumapit sa mukha ko kaya medyo napaatras ako..Ang gwapo nya lalo nung bigla syang lumapit..
"Bakit hindi ba ako mukang kababata mo?" Tinaasan nya pa ako ng kilay. ang pagtaas nya ng kilay na yun. Madalas nya yang gawin nung mga bata pa kami.
"Nakakagulat lang.. Lalaking lalaki ka na" Mangha kong sabi sa kanya sabay napatakip ng bibig
"Ey.. Wag mo na nga paalala kung ano ako nung bata.." Natawa na lang ako sa sinabi nya "So.. Ipasyal mo na ako..." Nagsimula kaming maglakad lakad ni Seungkwan
"Wala naman masyadong nabago dito sa probinsya.." Kwento ko sa kanya.. Matagal man syang nawala ay kakaunti lang rin naman ang nabago dito..
"Hmmm.. Pero kahit papaano semento na ang daan hindi katulad dati"
"Siguro yun nga ang isa sa mga na improve dito sa probinsya.."
"Uy punta tayo dun!" Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa isang malaking puno ng mangga. Ang puno kung saan kami madalas maglaro noong mga bata pa kami. Dito rin namin madalas kunin yung mga dahon para gawin design sa dress na ginagawa ko para sa kanya noon.
"Matagal na din ng huli tayong magpunta ng magkasama dito" masayang sabi ko
"Naalala ko pa pag hinahabol tayo ng may ari ng puno na to ng itak kapag nakuha tayo ng bunga" Natawa ako sa sinabi nya. Napababa naman ang tingin ko sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Bigla na lang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis. Hindi ko naman toh nararamdaman noon sa kanya. Bakit bigla ko na lang nararamdaman ngayon? Dahil ba sa lalaki na ang tingin ko sa kanya at hindi na bakla na tingin ko sa kanya dati?

STAI LEGGENDO
KPOP ONE SHOT STORIES
CasualeTHIS IS A COMPILATION OF ONE SHOT STORIES THAT IM POSTING ON MY FACEBOOK ACCOUNT... THIS BOOK IS A COMPILATION OF RANDOM KPOP IDOLS STORIES