Chapter 15

5K 262 71
                                    

#war2wp

Chapter 15

Destiny

Minsan, napapa-isip ako kung paano ba gumagana ang tadhana. Dumadating ba ang isang tao sa buhay natin dahil wala lang o dahil may dahilan? 

Ah. . .that question is easy. Of course, people come into our lives for a reason.

Pero ang hindi ko lubusang maintindihan, paanong nasulat ng tadhana ang lahat ng kaugnayan natin sa mga tao sa buhay natin? How did destiny think of giving Dad my mother and of giving me to both of them as their daughter? May dahilan ba at may naging resulta ba sa kung sino ako ngayon ang hindi ko pagkakaroon ng kapatid? Kung may dahilan ang pagiging iisa kong anak, ano ang dahilan?

It made me think of Hiel. Was I an only child because destiny wanted me to get close to Hiel? Dahil nag-iisa akong anak, gugustuhin ko ng kapatid. Dahil sa kagustuhan kong magkaro'n ng kapatid, gugustuhin kong mapalapit kay Hiel. 'Yon ba ang dahilan?

Paanong naisip ng tadhana na ibigay si Tita Stella sa asawa n'ya at ibigay si Hiel bilang anak nila? Paanong naisulat na magiging magkaibigan sina Mommy at Tita Stella sa lahat ng taong nabuhay sa mundo na puwede nilang maging kaibigan?

Bakit ibinibigay sa atin ang mga kaibigan natin? Paanong naisulat na ang mga kaibigang mayro'n ako, makakahubog sa kung ano ang magiging ugali at personalidad ko?

"You ever wondered all of that?" I asked Jourdaine and she looked at me like I looked hideous to her.

I know that it's too complicated to think of but I can't help but wonder sometimes. Parang alam ko ang sagot para sa mga tanong na 'yon pero hindi rin. At kapag nalaman ko nga ang sagot, hindi ko rin naman magagamit 'yon kaya wala ring kuwenta.

But sometimes, I love thinking of things like these because, after all the unanswered questions, everything will end with me feeling grateful.  

"Don't think about such complicated things!" Reklamo ni Jourdaine bago sinapo ang noo at napatawa ako. "It's not the alcohol that's going to give me a headache. It's you."

Napangiti ako at napatingin sa kopitang hawak bago bumuntong-hininga at uminom doon.

Sa sumunod na taon matapos ang pagbisita ni Hiel sa Massachusetts, kami naman ni Mommy ang umuwi ng Pilipinas para ro'n gastahin ang school break ko bago mag-Grade 11. I was 16 at that time and I was a part-time model. Hindi pa ako sikat noon at hindi rin masyadong abala.

It was June and the heat in the Philippines was much scorching than I remembered it to be. Pababa pa lang ng eroplano, damang-dama ko na ang init ng panahon at ang lagkit na dala ng hangin.

Isinoot ko ang gladiators habang inaalalayan si Mommy sa pagbaba. Mommy immediately had phone calls the moment we landed and I assumed that they are her friends in the Philippines.

Agad akong kumuha ng litrato na agad kong pinost sa social media.  Agad akong nakatanggap ng medyo maraming likes and comments doon. My followers liked the black midriff shirt with short sleeves I paired with the high-waisted blue jeans I wore and how I styled my outfit with my gold accessories, especially the necklaces I layered with style. 

I was smiling as I read and replied to the comments when a message that popped up caught my attention. 

Hiel Sebastian Lara Cervantes:
Welcome back. 

Napangiti ako lalo na sa smiley face na idinagdag n'ya sa chat at agad na nag-reply.

Rinnah Selene Jimenez:
Miss you!
So excited to see you. 
 

Coldest War (War Series #2)Where stories live. Discover now