Chapter 34

4.9K 317 235
                                    

#war2wp

Chapter 34

Love

Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang 'yon, nagulat ako nang maabutan ang paninitig ni Hiel sa 'kin. He's staring at my lips and he's frowning like he doesn't understand something.

He raises his gaze up to my eyes again before he looks at the lined-up people behind him. I panic when he starts to leave the line.

Agad ko siyang sinalubong at hinawakan ang braso niya, pinipigilan siyang umalis. 

"Why did you leave the line? Papaalis na ang flight mo," I say to him and I glance at the progressing line.

If he doesn't ride this plane, puwedeng mas matagal pa siya bago makabalik. Alam kong hindi naman nila bakasyon kaya hindi 'yon puwede. Hiel still has a lot he needs to do and delaying him now wouldn't be wise.

Pero parang hindi narinig ni Hiel ang sinasabi ko. Nakatayo siya sa harapan ko at desididong kausapin ako. Inangat ko ulit ang tingin sa mga mata ni Hiel. His eyes are troubled. There's a slight frown on his forehead. He's staring directly into my eyes.

At ang pagtitig sa mata, masiyadong personal. Kasi halos makita ko na ang laman ng isipan niya at alam kong gano'n din ang nakikita niya sa akin. I can see my reflection in his eyes and I bet he also sees his in mine.

Natahimik ako dahil sa titigan. Hinawakan ko ang braso niya at hinintay ang sasabihin niya. 

Pakiramdam ko, nabasa niya ang sinabi ko sa mga labi ko nang ibulong ko 'yon sa hangin. 

"I read your lips," Hiel says and he brings his gaze down to my lips. Uminit ang mga pisngi ko at inisip kung alam niya kaya kung ano nga ang sinabi ko? "You said something Rinnah."

I purse my lips as I stare into his eyes. He brings his gaze back to mine and his eyes are full of questions. Napalunok ako at natahimik kaming dalawa. 

Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin na lang sa kaniya. Pero nangangamba ako na baka sa oras na sabihin ko, piliin niya na lang na hindi umalis. O baka mas kinakabahan ako sa sarili ko—na baka sa oras na masabi ko sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko na siya mapaalis pa.

So instead of admitting it, I ask him a question. "Will you wait?" I ask.

"I will always wait for you," Hiel almost immediately answers. "That means I am ready whenever you are."

Pinagmasdan ko ang mga mata niya at nakita ko ang kagustuhan niyang marinig ang kung ano. Pinagmasdan ko siyang maigi. 

I want to tell him too. . . because I don't want him to blindly wait for me. We've waited for a year already. I've loved him for so long now. . . Matagal ko nang napagtantong mahal ko nga siya. Matagal niya na rin akong minahal. Pero pakiramdam ko, marami pa kaming kailangang isipin—isaalang-alang. 

And I want to tell him all of that—so he wouldn't wonder. So he wouldn't feel lost.

I love him and I want him to know that loving isn't enough. I want to know if we're on the same page. 

Sinabi niya sa 'kin ang mga plano niya para sa sarili niya. Gusto ko ring gawin at sundin ang mga plano ko para sa sarili ko. I want the best for him. . . and I wouldn't want to be the one who'll be hindering him from achieving more.

Coldest War (War Series #2)Where stories live. Discover now