025

359 9 1
                                    



"Joy, hindi ba sinabe kong bawal ka muna mag-boyfriend?" Stressed na sabi sa akin ni Mama.


"Ma, hindi ko nga boyfriend yung Ivan na yon. Ni-hindi nga kami close at magkakilala non, e." Pamimilit ko rito.


Tinitigan naman ako nito ng seryoso sa mukha, tila sinusuri ang ekpresyon ng mukha ko. "Hindi magkakilala, ah? E, sa pagkakaalam ko itong si Gray na boyfriend na ngayon ni Precious, e, kaibigan niya yung Ivan na yon."


"Oo nga po─"


"Kita mo na! May lakas ka pang mag-sinungaling." Putol nito sa ibang sasabihin ko pa.


Napa-suklay nalang ako sa aking buhok gamit ang mga kamay ko. Napaka-tigas talaga ni Mama. Ang kulit. Sabing hindi ko boyfriend yung Ivan na yon.


E, hindi ko nga kilala yon kung hindi lang dahil sa kaibigan siya ni Gray. At ni-hindi nga kami close non. Putangina kasi. Manggagaya ng hashtag.


"Basta, Cathrea Joy, grounded ka sa mga gadgets for 1 week. Hangga't hindi pa rin bumababa yung mga tweets doon sa tambalan ninyong dalawa, e, hindi mo makukuha sakin mga gadgets mo." Matigas na sabi nito.


"Pero, Ma! Ma naman!" Pagmamaktol ko pero tinalikuran lang ako nito bitbit ang mga gadgets ko.


Tangina. End of the world na talaga kapag hindi bumaba mga tweets doon sa #JoyVan na yon. Nakaka-irita!


Karma ko na ba 'to para sa pagseset-up ko kay Pres? Huwag naman sana.


Dalawang araw ko na ring tinitiis na hindi nagagamit ang cellphone ko. Kahit yung cellphone ko nalang sana... Pero makakagamit din naman yata siguro ako bukas.


May klase na kami ulit bukas. Makakahiram din naman siguro ako kila Pres. Sana hindi sila nakausap ni Mama.


Pagkarating ko sa eskwelahan ay kaagad kong hinanap sila Pres. Nang makita ko ang mga 'to, e, kasa-kasama nila si Gray.


"Uy, Joy! Nandito na si Joy, the na-grounded!" Sigaw ni Oliver.


"Tangina mo! Pahiram ng cellphone, Pres." Daretsahang sabi ko.


"Ano ka, ginto?" Matigas na sagot nito sa akin.


"Oo nga. Pahiram na. May titignan lang ako sa IG─"


"Yung shining pussy cat ba?" Putol naman ni Mae sa sinasabe ko.


"Manahimik ka! Hindi yon!" Sagot ko rito na ikinatawa lang nila.


Meron naman biglang dumating na isang estudyante na ikina-inis ko. "Precious, Gray, pinapatawag kayong dalawa ni Ma'am Dela Rosa."


"Putangina naman? Huwag ngayon!" Inis na sabi ko.


"Ba-bye, Joy!" Natatawang asar sa akin ni Gray.


"Hoy, putangina niyo! Huwag ninyo akong iwanan dito!" Pagdadabog ko nang maglakad palayo ang mga 'to.


"Aray, bakla! Bumulwak regla ko!" Bigla namang sabi ni Mae.


"Tara, samahan na kitang magpalit, bakla." Sagot naman ni Oliver rito.


Napamura nalang ako ng malutong nang tuluyan akong iniwan nung apat na yon. Nakaka-inis. Putangina. Nasaan ba si Matthew? Si Matthew nalang talaga ang pag-asa ko. Mga hayop. Mga walang silbi.


Ilang minuto yata akong nakatayo rito sa kinalalagyan kanina ng magaling na apat na yon nang may biglang lumapit sa akin. Napatayo ako ng tuwid nang mapagtantong si Ivan ito.


"Hi, Joy, right?" Pakikiusap nito sa akin. "I'm Ivan. Kaibigan ni Gray. Itatanong ko lang sana kung nakita─"


"Lumipad na sila patungo jupiter. Leche." Mataray na sagot ko at tinalikuran ito.


"Ah, okay..." Mahinang sabi nito. "Ibabalik ko lang sana ang cellphone niya. Akala ko alam mo kung nasaan siya."


Namilog naman ang mga mata ko nang marinig ko ang 'cellphone'. Biglang may krimen na sumagi sa utak ko.


Kaagad kong hinarap ito at binigyan ng matamis na ngiti. "Sinong nagsabing hindi ko alam kung nasaan si Gray? Teh, alam ko! Kaya ako na magbibigay sakaniya sa cellphone niya!"


Nagtataka naman nitong iniabot sa akin ang cellphone nang nilahad ko ang kamay ko sakaniya.


Akala niyo, ha, Rey Griffin. Nasa akin na ang alas.


"Okay, una na ak─"


"Wala ba tong password?" Tanong ko nang mabuksan ang cellphone. "Ay, wala! Sige, sige, Ivan! Salamat! Hulog ka ng langit!"


Hindi ko na 'to hinintay pang magsalita at naupo sa may sahig sa gilid upang mag-cellphone.


Hello, Stalker!Where stories live. Discover now