049

315 8 2
                                    



"Hey!" Bati ko rito nang mapalapit sakaniya.


"Uy, Joy!" Bati naman nito pabalik sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.


"Pasensya na ngayon lang ako, ah? Nahirapan pa kasi akong tumakas kay Mama." Nahihiyang pagpapaliwanag ko rito.


"Okay lang, hindi rin naman talaga ako pinakpapak ng mga lamok dito." Natatawa naman nitong sagot sakin.


Napa-iling nalang ako dahil sa sinabe nito. Trying hard joker talaga ang tanga.


"Alam mo, Ivan? Nagbibiro lang talaga ako kanina. Hindi ko inexpect na bibilhan mo talaga ako." Sabi ko rito nang iniabot niya sakin ang isang plastic bag na naglalaman ng mga pagkaing binili niya para sakin.


"Seryoso naman kasi ako sa lahat. Kaya kung sakin kalang, hindi mo na kakailanganin pang mag-alala. Kasi seseryosohin kita hangga─"


"Oo na, oo na! Sige na!" Putol ko sa sinasabe nito.


"Sinasagot mo na ako?" Tanong nito na ikinatawa ko.


"Gago!" Mura ko rito.


Tumawa rin naman ito na parang wala ng bukas pa. Akmang hahampasin ko ito gamit nitong hawak kong plastic bag nang tumalikod ito na ikinatigil ko.


Familiar sakin ang likuran niya... Pati ang haircut nito.


"Ivan, ikaw ba ang stalker ko?" Tanong ko rito, hindi na mapigilan ang sarili kong hindi ito tanungin. "Huwag kang magsisinungaling. Mapapatay kita."


Napalunok naman ito at nagkunot noo. "Huh? Stalker mo? Ako ba? Hindi ko alam, e."


Napatitig nalang ako rito ng masama dahil sa tinugon niya. Mabuti nalang at binilhan niya ako ng mga pagkain. Pasalamat siya.


"Joy, magkaibigan na tayo, di ba?" Tanong nito na hindi ko naman pinansin.


Kinuha ko kasi mula sa bulsa ko ang cellphone ko at tinutok ito rito.


"Uy, Joy!" Angal nito nang mag-click ang camera. "Ano ka ba! Kung gusto mo pala akong picturan, sana sinabe mo! Pupunuuin ko gallery mo ng mga pictures ko─"


"Ang hangin, jusko!" Putol ko sa sinasabe nito. "Hindi ka naman gwapo, uy!"


"Talaga, Cathrea Joy?" Naka-ngising sabi nito.


"Fuck you, Ivan." Mura ko ulit dito at zinoom ang picture na kinuhanan ko rito.


Parang yung shining pussy cat talaga, e. Tangina, bakit ba ako pinaglalaruan? Kapag talaga nahuli ko kung sino man yung nasa likuran nung pussy cat na yon, mapapatay ko.


Nagulat naman ako nang may biglang nag-flash. "Hala, gago! Tangina mo! I-delete mo yan!"


Natatawa naman nitong tinitigan ang kinuhanan niyang litrato sakin. Tangina! Nag-stolen pa nga ang gago. E, gwapo rin nga siya kahit papaano sa kinuha ko.


"Grabe, naka-busangot mukha mo rito, Joy!" Natatawa nitong pang-aasar sakin.


"Ivan, isa! I-delete mo yan! Mag-take 2 ka! Magpopose ako!" Naiiritang reklamo ko.


"Oo na! Heto na, babe. Deleted na." Sabi nito at pinakita pa sakin kung paano niya dinelete ang picture.


"Babe mo mukha mo, loko." Ani ko. "Oh, hawakan mo yan! Magpopose ako! Ayusin mo mamicture, ah!"


"Yes, sir." Natatawa nitong sagot sakin.


Nag-pose naman ako nung pinaka-bongga habang naka-ngiti. "Asan na? Patingin ako!"


"Oh, heto." Aniya.


Tinignan ko naman ang picture ko at para akong manghihina sa sobrang kagandahan ko. Shit! Pati ako, e, naiinlove na rin sa sarili ko. Napaka-ganda ko talaga! Ako lang 'to!


"Tangina, Joy, para kang damo." Bulong nito na narinig ko naman.


"Gago ka ba?! Sa ganda ng pagmumukha kong 'to?! Mukhang damo, ha?!" Sigaw ko rito.


"Kalma, Joy. Ang ganDAMO naman kasi masyado!" Sabi nito na diniin pa ang salitang 'damo'.


Napa-ngiti naman ako dahil doon at naramdaman ang pagmula ng pisngi ko. Putangina naman, ako lang talaga 'to.

Hello, Stalker!Where stories live. Discover now