070

326 12 9
                                    



"Nasaan po si Ivan?" Pambibigla ko sa kasambahay nilang nagwawalis sa labas ng kanilang bahay.


Ini-angat naman nito ang kaniyang tingin sakin at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala ako.


"Si Ivan po?" Ulit ko.


"Uhm, nasa loob, iha! Halika, pasok ka!" Aniya na parang kilalang-kilala ako.


Tama nga. Si Ivan talaga ang stalker ko.


"Ivan, may bisita ka! Dali, baba!" Sigaw nito sa itaas.


"Sino po ba, Ate Res?" Sigaw naman ng gunggong pabalik. "Ano palang oras, ah? Sila Gray na ba yan─


Napahinto ito sa pagsasalita habang pababa ng hagdan nang makita ako. Binigyan ko ito ng sarkastikong ngiti at hinarap itong kasambahay nila.


"'Teh, hindi muna po papasok si Ivan. May pag-uusapan lang po kami." Seryosong sabi ko at dara-daretsong naglakad palapit dito.


Walang sabi-sabing hinawakan ko ito sa pulsuhan niya at hinila paakyat.


"Oh, jusko po! Huwag kayo gagawa ng milagro, ah?!" Dinig ko pang pahabol na sigaw nung Ate Res na tinatawag nito.


Hindi naman ako nalito sa mga pintuan kung nasaan ang kuwarto niya dahil malinaw naman na naka-paskil sa isang pintuan dito ang pangalan niyang 'Ivan'.


"Ah, Joy... Bakit ka naparito?" Nagdadalawa nitong isip na tanong sakin.


Inis kong binitawan ang pulsuhan niya at sinarado ang pintuan ng kuwarto nito. Nilingon ko naman ito para bigyan ng masamang tingin nang makitang may ngiti sa labi nito.


"Tangina mo, bakit ka ngumingiti, dyan?!" Inis kong sigaw dito.


"Kalma, babe... E, gusto mo naman pala─"


"Gago! Wala akong panahon sayo para makipagbiruan!" Putol ko sa sinasabe nito. "Tangina, bakit ninyo ba ako pinaglalaruan? Ano bang ginawa ko sayo? Hindi naman tayo close, ah?"


Kita ko namang napalunok ito, tila natatakot sa akin. Dapat lang. Putangina. Pinaglaruan nila ako.


"Look, Joy, I'm sorry─"


"Isaksak mo sa baga mo yang sorry mo. Kailangan ko explanation, hindi pasensya. Putangina." Putol ko ulit sa sinasatsat nito. "Ano, oh? Ivan, bakit? Tangina."


"Joy, pwede bang─"


"Oh, ano na naman?" Putol ko sa sasabihin nito.


Napasuklay ito sakaniyang sariling buhok at binigyan ako ng matalim na tingin na ginantihan ko naman. Anong akala niya, ha?! Siya itong may ginawang kasalanan sakin tapos napaka-lakas ng loob pa para bigyan ako ng ganoong tingin!


"Isa pa, Cathrea Joy, hahalikan na kita." Pagbabanta nito.


"Ikaw pa ang may lakas ng loob na magbanta, ah? Bakit? Ikaw ba napaglaruan dito?" Sunod-sunod kong tanong dito.


"Joy, ano ba? Hindi tayo magkaka-intindihan kung puro ikaw nalang─"


"Huwag mo kong tataasan ng bose─"


Natameme naman ako nang biglang dumampa ang labi nito sa aking labi. Hindi ako makapaniwalang hinalikan nga niya ako.


Nang mag-sink in sa utak ko ang ginawa nito ay malakas ko itong tinulak. "Gago ka, ah?! Magnanakaw ka ng halik!"


"Ginusto mo naman, e." Naka-ngiting sabi nito.

Hello, Stalker!Where stories live. Discover now