082

293 8 3
                                    



"Joy, nandito na Papa mo."


Dahil sa pag-imporma ni Mama sa amin ay natataranta kaming pareho ni Ivan na tumayo mula sa kinauupuan namin. Tumigil na rin ito sa pakikipaglaro kay Ginger. Walang hiya ang pusa. Ako yung may ari pero mas mahal pa itong bisita namin.


"Nasaan yung Ivan, Ma?" Pagtatanong ni Papa kay Mama nang makapasok ito sa loob ng bahay.


"A'yan, oh, Pa. Huwag mo masyadong tatakutin, ah? Pogi naman, e." Sabi ni Mama sabay halakhak.


Tinignan naman siya ng masama ni Papa sabay kurot sa tagiliran nito. "Walang hiya ka, Ma. Sa anak natin yan. Huwag mong agawin. Tanda mo na─ Aray, mahal!"


"Tanda mo yang mukha mo, Jefferson!"


"Uy, mahal, nagbibiro lang naman ako! Halika nga rito!"


Napa-kagat nalang ako sa ibabang labi ko nang sundan ni Papa si Mama sa kuwarto at narinig namin ang tili ni Mama. Tangina. Ang tatanda na. Mahaharot pa rin. Sakanila talaga ako nagmana.


Atsaka, bwiset. May bisita kami. Ano ba? Nakakahiya. Ni-hindi na nga nila masyadong pinansin si Ivan sa kaharutan nila.


"Sweet din pala ng parents mo, ah?" Aniya.


"Sweet mo mukha mo. Ang cringe!" Nandidiring sagot ko rito. "Ma, Pa, lumabas kayo dyan! May bisita tayo, oh! Pinapunta ninyo lang ba yung tao para sa wala, ha?!"


"Magsitigil ka dyan, Cathrea Joy! Anong year ka bang pinanganak at ang lakas mong loob na pagsalitaan kami ng Mama mo, ha?" Sagot sa akin ni Papa at lumabas ng kuwarto.


"Bakit po? Pinanganak ninyo ba ako?" Balik kong tanong kay Papa.


Natawa naman si Mama nang makita ang naging reaksyon ni Papa sa sinabe ko rito. Maski ang mahinang pagtawa ni Ivan ay narinig ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.


"Ma, tignan mo 'tong anak mo. Masasakal ko 'to─"


"Papa, meron tayong bisita. Mahiya ka naman po." Putol ko sa sinasabe nito at hinawakan sa pulsuhan si Ivan sabay hila papunta sa kusina.


"Alam mo namang walang hiya itong Papa mo, e, Joy." Natatawang sabi ni Mama at sumunod sa amin. "Uy, Pa, tumigil ka na raw dyan. Asikasuhin natin itong iitakin mo."


Pagkatawag naman ni Mama kay Papa ay siyang paglapit din kaagad ni Papa sa amin. Mabuti naman. Akala ko, e, wala ng balak pang mag-seryoso. Nakakainis.


Tinapunan niya ng seryosong tingin si Ivan na ikina-ngiti ko. Mukhang kabado kasi ang gago. Yan, tawa-tawa pa kanina. Akala mo naman, e, kasali sa bonding ng pamilya namin.


"Sino ka nga kasi ulit, Pare?" Kasuwal na tanong ni Papa rito sabay upo sa tabi ni Mama.


Tumayo naman itong katabi ko. "Mark Ivan Gonzales po, Sir. Soon to be a lawyer po. Hindi po ako magpa-pari."


Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang pagpapakilala ni Ivan. Seryoso ba siya? Putangina? Hindi ba niya alam na seaman ang kaharap nito?


Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tinignan lang nila Mama ng seryoso si Ivan habang nakalahad pa rin ang kamay nito kay Papa. Pinigilan ko namang kumawala ang tawa mula sa bibig ko nang sipain ako sa paa ni Ivan, nanghihingi ng tulong.


Aba, putangina mo. Panindigan mo yang sinabe mo. Trying hard joker amputa.


At kalaunan ay unti-unting lumuwag ang mga mukha nila Mama at tumawa ng kay lakas. Sabay tanggap ni Papa sa kamay ni Ivan at nakipag-kamayan dito.


"Ibang klase naman yang manliligaw mo, Joy! Nakuha mo ako roon, ah, Pareng Attorney!" Sabi ni Papa at natatawa pang naupo ulit. "Oh, Pareng Attorney, totoo nga bang manliligaw ka nitong anak ko?"


Napatapal ako sa sarili kong noo nang tawagin ni Papa si Ivan ng 'Pareng Attorney'. Sabaw na talaga ang utak niya. Pati ito, e, pinagtritripan na. Pero kasalanan din naman ng loko. Hindi raw magpa-pari.


Hindi rin naman nagtagal at lumuwag ang topic namin. Inumpisahan na rin maghain ng pagkain si Mama sa lamesa na tinulungan ko naman habang nag-uusap yung dalawang lalaki.


Naririnig ko kahit papaano ang pinag-uusapan nila. At sa ngayon, e, napaka-seryoso ni Papa. Hindi na dinadaan sa biro.


"Oh, Pa, tigil muna dyan. Magsi-kain muna tayo, ah, Ivan?" Aniya ni Mama.


"Mabuti nga. Pero siya nga pala, Joy, ilang buwan kang ghinost nitong Pare kong Attorney?" Biglang tanong sa akin ni Mama.


Nagkatinginan naman kami ni Mama bago ako naupo sa tabi ni Ivan. "Six months po, Pa. Bakit?"


"A'yon, Ivan. Six months. Kapag sa loob ng six months, e, napa-ibig mo 'tong anak ko sayo ay hahayaan ko kayong dalawang maging magka-relasyon. Pero six months ka dapat maghihintay sa matamis na oo nito."


Hello, Stalker!Where stories live. Discover now