Last Part

403 16 4
                                    



Anim na buwan.


Anim na buwan niya akong ginulo sa pamamagitan ng dummy account niyang shiningpussycat.


Anim na buwan niya akong ghinost pagkatapos.


At pagkatapos ng anim na buwan ulit ay bigla nalang itong nagparamdam ulit sa akin na parang wala siyang ginawang masama.


At mahigit isang linggo lang nang mapalapit kami sa isa't isa sa pamamagitan ng totoo niyang pagkatao...


Biglang may anim na buwan ulit na paghihintay ang mangyayari.


At natapos na ang anim na buwan na yon.


Sino nga bang magkaka-akala na magiging kami rin pala sa dulo, hindi ba? Pero hindi pa nga... Ngayong araw na natatapos yung anim na buwan na paghihintay niya. Pero wala akong balak na ibigay sakaniya ang matamis kong oo ngayon.


Gusto ko bukas. March 16. Para may remembrance man lang kami sa numero sais.


"Iitakin na kaya ako ng Papa mo, mahal?" Biglang tanong nito sakin habang naglalakad kami pauwi ng bahay.


Napatawa ako ng mahina dahil sa itinanong nito. Alam naman niyang kakasakay palang ni Papa sa barko nung nakaraang dalawang buwan, e, inaasar na naman ako ulit nito.


Sa pag-uwi talaga ni Papa ay malilintikan ito. Isusumbong ko kay Papa ang ginagawa nitong pang-aasar sa akin sa 'itak'.


"Alam mo? Hindi ka na nakakatu─ Hoy! Magnanakaw ka ng halik! Piste ka!" Sigaw ko bigla nang ninakawan niya ako ng halik, e, hindi pa ako tapos magsalita.


"Ayoko kayang marinig yung sasabihin mo." Asik nito. "Magtatawanan tayo rito, di ba? Gano'n yung bonding. Magtatawanan tayo..."


Napatawa naman ako ng kay lakas dahil sa ginamit nitong tono ng boses. Para siyang bata na inagawan ng lollipop na malapit nang umiyak.


"Mahal naman!" Pagdadabog nito.


"Gago! Mag-aabogado ka niyan sa lagay na yan?" Natatawa kong sabi rito.


"Don't judge a book by it's cover─"


"Lalalalalala! Sana all nakabalot!" Putol ko sa sinasabe nito.


Napatakbo naman ako nang bigla itong umarteng lalapitan ako. Kaya ang ending ay nag-habulan nga kami.


Huminto lang ako sandali para habulin ang paghinga ko nang hapitin ako nito sa baywang ko at sinunggaban ng halik.


Halos daig ko pa ang may asthma nang hinabol ko ang paghinga ko nang pinakawalan ako nito.


"Tangina mo? Papatayin mo ba ako?!" Hinihingal kong sigaw dito.


"Sorry na, mahal. Hinga ka na, sige." Sabi nito habang may mapang-asar na ngiti sa labi.


"Bwiset ka! Hindi pa nga kita sinasagot, e, nakaka-ilang halik ka na sa akin!" Reklamo ko.


Humalakhak naman ito sabay akbay sa akin at iginaya ako sa isang bench para maupo.


"Alam mo kasi, mahal? Ganito lang yan..." Aniya.


"Anong ganito lang yan─"


Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ako nitong sinunggaban ng halik, naging dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.


Inis ko itong sinamaan ng tingin nang maghiwalay ang mga labi namin. Nakakainis siya. Sobra. As in. Hindi naman sa hindi ko gusto yung halik niya... Sadyang nakakainis lang. Kasi dapat ako ang magnanakaw!


"Kung hindi kaya kita sagut─" Kaagad ko namang hinarang ang kamay ko sa labi ko nang aakma itong hahalikan ako. "Magtigil ka dyan, Ivan. Seryoso ako. Isa pang sunggab mo sakin."


"Ikaw naman, mahal..." Pagpaparelax nito sakin sabay akbay ulit sa balikat ko. "Sabi ni Papa, e, anim na buwan lang. Pero ngayon an nagtatapos ang anim na buwan..."


Mahina akong natawa nang makitang ngumuso ito. "Bakit? Nandito na ba si Papa? Kung si Papa lang pala concern mo... Pwes, hintayin mo next year. Pakasal kayo agad─"


"Mahal naman, e!" Putol nito sa sinasabe ko na mas lalong nakapagpatawa sa akin.


Akala niya talaga, e, wala akong balak na ibigay sakaniya ang matamis na oo ko.


Sa loob ba ng anim na buwang pang-aakit nito sa akin? Putangina? Sino ang hindi bibigay sa isang Mark Ivan Gonzales?


Hindi naman ako marupok dati. Naging marupok lang talaga ako dahil sakaniya. At marupok lang... pagdating sakaniya.


Kinabukasan ay sinundo ako nito sa bahay ng hapon para i-date na naman ulit ako. As usual. Halos naging ganito yata routine namin sa mga nakaraang buwan. At malaya na rin kaming gawin ang mga bagay na gusto naming gawin magkasama. Lalo na't tapos na rin ang klase.


Idinala naman ako nito sa isang park. Ang paborito naming park na puntahan.


Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makitang naka-ayos na ang kalalagyan namin. Pinaghandaan itong picnic date namin. Mabuti naman. Magiging mahalaga kaya ang araw na ito para sa amin.


"Mahal?" Tawag ko rito pagkatapos uminom ng C2.


"Yes, mahal?" Sagot niya at tinitigan ako ng kay tagal. "What's the tea? Spill it, mare!"


Hinampas ko naman ito sa braso niya dahil sa ginamit nitong tono ng boses. Kakaiba talaga. Lakas ng tama sa akin.


"Gago! So ano nga kasing yung date ngayon?" Umpis ko at sumubo ng isang ubas.


"March 16, bakit?" Nagtatakang sabi nito.


Nginitian ko ito ng kay luwag at kunwaring nag-isip. "So sa April 16, e, first monthsary na natin?"


"Oo─ Ano? Joy, ano? Teka─ first monthsa─"


Napatawa ako ng kay lakas nang sunod-sunod itong nagulat at napapa-utal pa. Bigla naman itong humarap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


"Sinasagot mo na ako, mahal?" Paninigurado nito.


"Oo. Sinasagot na kita, mahal ko." Naka-giting sagot ko rito.


Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi nito at ginawaran ako ng halik sa labi. Maya maya't ay bigla itong natatalon sa saya na ikinatawa ko.


"Hindi ito panaginip, di ba? Hindi yan biro, ah? Wala ng bawian! Tayo na!" Sigaw nito. "Yes! Kami na ni Joy!"


Tumigil naman ito sa pagtalon at naupo ulit paharap sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Joy. Pangako hindi ka magsisisi. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga."


Damn this boy. I also fell inlove so hard with him.


༺❀༻

• THE END •

"Thank you for reading Hello, Stalker!, the second story of The Marupok Series."

═───────♡───────═

j e e a s y c

Hello, Stalker!Where stories live. Discover now