02

57 25 34
                                    


"Del malapit naba siya?"


"Kalma Gelo, Oo... on the way na daw."


I fake a cough to have my throat cleared. "Sorry, I'm late."


"Don't be sorry Kena, palagi kanamang late kaya bilang matalik at mabuti mong kaibigan na iintindihan ko," panunudyo ni Del.


Nakasunod lang ako sa kanila at humahalukay ng kung ano-ano sa phone ko but it end-up playing Candy Crush. I halt when I noticed they stopped walking. May sumalubong na lalaki sa kanila, nasa likuran lang ako kaya siguro hindi ako na pansin at ayaw ko din na makita niya ako.


"Nando'n ang dalawa tukmol," bungad ng lalaking sumalubong sa amin.


"Wow, they're early huh!" Mahinang tugon ni Gelo.


"Good luck sa game, Zeb! Sige puntahan na namin ang dalawa," ani ni Del.


Sumunod naman ako sa kanilang naka subsob parin sa paglalaro. Nang makarating bumulabog nanaman si Fong sa kadaldalan niya. Ramdam ko ang paglapit at pasimpling silip niya sa screen para tignan kung ano ang nilalaro ko. Humagalpak siya sa tuwa na siyang ikina-gulat ko kaya napatingin ako sa kaniya.


" S.R.L.Y?! you're Playing that silly game?" tumawa pa ulit at inakbayan ako. "Napakaluma mo naman, Kena. Try mo naman makisabay sa trend. ML, WR, Genshin, ay PUBG maganda doon, puros blinks nakakalaro ko 'don panay 'Black Pink in your area!'."


"Fong ang BI mo kay Kena pag 'yan na addict at hindi makapag-aral ng mabuti ikaw talaga ang sisihin ko pagbumagsak ako," anas ni Del.


Fong ignored Del. "Kena, share-it kita mamaya ng ML! Para squad na tayo," humarap siya sa gawi kung saan si Gelo. "Bye! Gelo, 'di kana namin need," inismidan lang siya ni Gelo saka hindi pinansin.


"Hindi ako marunong Fong," agap ko naman.


"Ano kaba ako bahalang magbuhat sayo lods!"


"Ano? buhat ba kamo? Buhatin mo muna sarili mo Fong," panuksong sigaw ni Loi.


"Shhhhh. . . 'wag ako kausapin mo sos! Papansin nanaman kay Del. Nako Del tali mo naman bulldog mo!" Fong fired back.


"Hayop ka Fong!" si Loi.


"Oh ito nanaman Del oh! Tumatahol aso mo!" tumatawang sabi ni Fong sabay turo kay Loi.


"Mga bata tama na! Manood na tayo ng laro. Isa pang-ingay babatuhin ko talaga ng sapatos," ani ni Del namay diin bawat bigkas nito.


Sumunod naman ang dalawa. Sa kanilang lahat si Gelo talaga ang tahimik. Nakikita ko sa kanya ang tangi na gusto ko sa isang lalaki. Matahimik, Seryoso, Focus sa lahat, Neat, Clean, Mabango. . . Palasimba din kaya siya? Kaya naman pala pinag-uusapan ng lahat.

RhythmWhere stories live. Discover now