06

13 7 0
                                    

Pano ko kaya siyang mayaya na magdinner? Kahit lunch man lang. Hindi naman pwedi na ako mag-aya sa kaniya baka isipin niyang ako ang nag fifirstmove samin dalawa. Ayaw kong yon ang isipi niya baka lumaki ang ulo. Patulong kaya ako kay Fong? Ay 'wag basa ang bibig no'n at palaging na dudulas ang dila. Kay Loi kaya? hindi rin baka tuksohin ako, hindi na nga nakatulong manunukso pa. Try ko kay Zeb baka matulungan niya ako . . . tsk, BIG NO! Ilalaglag lang ako ng gagong 'yon. Si Del nalang, tama kay Del ako magpapatulong.


"Del," sundot ko sa kaniya kanina pa kasi ako hindi pinapansin. "Del!" Tawag ko ulit sa kaniya. Lumingin naman siya at tinaasan lang ako ng kilay. Wag ngayon please.


"Ba't di mo sinabing nandito na pala si Charles?" Seryosong tanong niya. "So ano yan? Kayo kayo lang nagmemeet? Hindi niyo na ako kaibigan ganon?" Patampung dadag niya.


"Ano kaba syempre hindi! Wala naman sa plano yung dinner at may ipinabibigay nga pala siya sayo," sabi ko at ibinigay ang pasalubong ni Charles. "Del, patulong naman," wala sa sariling sabi ko. Kumunot ang noo niya at busy padin sa pagbubukas ng box na binigay ni Charles


 "Saan?"


"Kay . . . Gelo?"


"Huh?! Bakit?" Huminto siya sa ginagawa niya at humarap sa akin na may seryosong tingin. "Liligawan mo na siya?"


"Hindi ah! Relax ito naman maka react. . . yayain ko sana mag lunch," agap ko at umiwas nang tingin.


"Okay, ako ang bahala. Pero Kena, sinasabi ko sa 'yo huh. this will be your first and last na mag first move kay Gelo." I agreed, tama din naman kasi siya na dapat lalaki, pero kasi I'm type of girl na kayang mag firstmove para sa lalaki kasi ayaw kong magregret na hindi ko sinubukan. Coz you'll never know, if you never try.


Umupo ako sa kama at sumandal sa header nakatunganga sa glow in the dark na toldok na nakadikit sa ceiling kaya naging star tignan. Pumapasok din ang hangin mula sa nakabukas na sliding door. Bumangon ako para isara iyon pero mukhang magandang tumambay dito. Lumabas ako sa balcony bumungad naman sa akin ang boho ambiance, sumakay ako hammock humiga ako doon. Isang paa lang ang dumuduyan sakin. Pumikit ako at dinama ang presko at malamig na hangin. Biglang tumunog at umilaw ang cellphone ko kaya sinilip ko iyon paradignan may lumabas na small icon ng messenger kaya tinignan ko kung saan galing ang message.


Delaine Chua: Haliparot. G! na daw papa mo Gelo sa lunch.


:'Really anong sinabi mo ba't pumayag' [reply ko sa kaniya.]


Delaine Chua: Basta. Sabi ko naman sayo diba? Ako na ang bahala.


:'hmmmmmmmmmm. Thank you, Del. Mahal mo talaga ako.[ Reply ko ulit sa kanya.]


Delaine Chua: You are always welcome. Landi well.


Maagang natapos ang klase namin kaya nauna na akong lumabas at suminyas kay del. Tumango naman siya bilang sagot. Tumatakbo ako hangaang sa narating ko na ang building ng department nila Gelo. Tumingin ako sa wrist watch ko para tignan ang oras, maaga panaman kaya nag hintay lang ako. May nakikita akong ilang isatudyante na lumalabas na ng building. Hinanap ko si Gelo pero wala sa doon at saka parang masbata pa ang mga istura nila malamang lower years. Nakaramdam ako ng gutom habang naghihintay kay Gelo, naalala ko hindi ngapala ako nakapagbreakfast dahil sa excited ang mema yan tuloy na gutom. Naka tayo lang ako sa ilalalim ng puno ng nara para sumilong. May lumabas nanamang panibagong grupo ng mga istudyanti, laki ang pagkadismaya ko katulad ng na una wala din doon ang taong hinihintay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RhythmWhere stories live. Discover now