CHAPTER 7 Punishment

29 5 0
                                    

|CHAPTER 7: Punishment|

>>>----------♡----------<<<

Airen's Pov

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko, inayos ang higaan at pumunta sa bintana upang hawiin ang kurtina.

Friday na ngayon at inadjust ni Ms. Jasmine ang pagpunta sa Guidance Office. Hindi ko sure kung mamaya niya itutuloy.

"Good morning, Sunshine!" Saad ko ng nakangiti habang naguunat.

Nagsimula na akong maligo at mag-ayos ng sarili ko. Excited na ulit akong pumasok para makita si Sejun.

Hinatid pala ako ni Sejun dito sa bahay nung monday ng gabi kaya tuwang-tuwa ako at buhat buhat daw ako ni Sejun papuntang kwarto ko, yun kasi ang kuwento sa akin ni Kuya Teytey.

Nang matapos na ako ay inayos ko na ang buhok ko, nag pulbos at liptint. Tsaka sinuot ang bag ko at kinuha ang cellphone ko.

It's 6:23 am na. Kaya naman bumaba na ako para kumain.

Bahala na silang gumising kay Cassie, hindi kami naguusap simula kahapon.

"Good morning, Manang, Good morning, Kuya Teytey, Good morning Mom, Good morning, Tita!" Saad ko ng may ngiti.

"Good morning, Renren." Saad nilang apat.

Naupo na ako at nakitang si Cassie nalang ang hinihintay.

"Tawagin ko lang po muna si Cass!" Tugon ni Manang at pumunta na sa itaas.

Hayss, pa-VIP pa kasi, kainis.

Nang makababa na sila ay naka-ayos na agad si Cassie. Parang ang bilis naman, well maaga-aga siya.

"Good morning, Everybody!" Nakangiting saad nito.

Happy? Sana all.

"Ang saya mo yata, Cass!" Tugon ni Kuya.

"Syempre, may date kami ng crush ko bukas." Nakangiti at kinikilig na saad nito.

"Sino? Sejun?" Tanong ni Kuya Teytey, kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nope, it's Justin!" Saad niya na malaki ang ngiti.

Omg, akala ko si Sejun. Kinabahan ako!

Pero Justin daw? So may something pa rin sa kanila hanggang ngayon.

"Magkaibigan lang naman kami ni Sejun, Kuya!" Saad nito at naupo na.

"Tara na at kumain!" Prisinta ni Tita.
.
.
.
.
.
.
.
Nakikinig lamang ako sa Adviser namin.

"Ms. Airen and Ms. Cassie, let's go to the Guidance office." Saad ni Ms. Jasmine.

Kaya naman tumayo na ako, nagkatinginan pa kami ni Cassie.

"And Mr. Pablo, come with us, because you are the President in this class." Tugon ni Ms. Jasmine kaya naman tumayo na rin siya.

Naglakad na kami papunta roon. Magkasama si Cassie at Sejun, samantalang ako mag-isa lang.

Nasa 4th floor ang Guidance Office kaya pumunta kami roon.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng makarating kami roon.

"Good Afternoon, Mr. Romero." Saad ni Ms. Jasmine.

"Good Afternoon, Ms. Jasmine." Tugon naman pabalik nito.

"Good Afternoon po." Tugon naming tatlo.

"So anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Mr. Romero.

Walang sumagot kaya ako nalang. "Uhmm actually, palagi na po kaming ganun ng pinsan ko. Palagi po kaming nag-aaway kaya natural na po sa amin yun." Saad ko ng sinsero.

PAUBAYA || SB19 SEJUN [SB19 Series#1] (COMPLETED)Where stories live. Discover now