CHAPTER 12 Bonding with SB19

24 5 0
                                    

|CHAPTER 12: Bonding with SB19|

>>>----------♡----------<<<

Airen's Pov

Nagising nalang ako dahil sa ingay sa baba. Puro tawanan at usapan ang maririnig mo.

8:24 am palang pero ang lakas na nilang mambulabog. Ano ba kasing meron?

Kay aga aga, sinisira nila ang mood ko, nagtakip nalang ako ng unan sa tainga ko at nasakop din nun ang ulo ko.

"Renren, wake up. Hinihintay ka nila Jazeera sa baba and of course, Sejun." Saad nito habang kumakatok sa pinto ko.

"KUYA, ANG AGA PA!" Tugon ko na bakas ang pagkaantok. Hindi ako nakatulog agad kagabi, hindi ako pinatulog dahil kakaisip kay Sejun.

"RENREN, GOOD MORNING!" Sigaw ni Jazeera.

Binuksan nito ang pintuan ko at nagulat nalang ako nung nandun din si Sejun.

"OMG!" Sigaw ko at napatakip ulit ng unan.

"Good morning, my Sunshine." Sweet na saad nito.

Sure akong may eyebags na ako nito. Hindi ba naman ako nakatulog. Siguro mga 5 or 6 am na ako nakatulog.

"Labas muna kayo, maliligo na ako." Tugon ko at tumayo na tsaka dumiretso sa C.R.

"Wala man lang Good morning?" Malungkot na saad nito.

"Good morning, Sejun. Okay na ba?" Natatawang saad ko.

"Tsk, pilit naman." Saad nito na nagtatampo.

"Mamaya ka na magtampo kapag nakababa na siya, tara na, Men!" Tugon naman ni Jazeera.

Narinig ko namang sinara nila ang pintuan. Buti naman, wews.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkababang pagkababa ko ay akala mo may party sa bahay, ang daming pagkain sa dining area at sobrang lakas ng music, may naglalaro pa nga ng ps4 sa TV.

"Kay aga-aga ang lakas ng music niyo, mapapagalitan tayo ng kapit bahay at tsaka yari kayo kila Mom!" Tugon ko.

"Umalis sila, so don't worry, Renren." Tugon ni Kuya Teytey.

Nakita ko ring naka-upo si Jah at Cassie sa isang Sofa at sweet na sweet silang dalawa.

So ginagawa niya talaga ang gusto niyang gawin.

"GOOD MORNING EVERYONE!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin ang lahat.

"NAGDALA PA KAYO NG MGA BABAE RITO HUH!" Natatawang saad ko.

"Good morning!" Saad nilang lahat.

"Good morning, Airen." Tugon ni Jah.

So Airen na, hindi na Yen?

Nginitian ko lang ito. Bigla naman akong inakbayan ni Sejun.

"Let's eat, Airen. Kakagising mo lang, kaya kumain ka na muna!" Prisinta nito na may ngiti.

Ang weird niya talaga.

Nagpahatak nalang ako sa kaniya at nung makarating kami sa Dining area, umupo na ako roon.

"So what do you want? Ako na ang kukuha, maupo ka nalang diyan." Saad pa nito at kumuha ng plato, kutsara at tinidor.

"Spaghetti, bacon and rice and milk." Tugon ko ng may ngiti. Ang alaga niya naman yata ngayon.

Naninibago ako. "Anong nakain mo at pinagsisilbihan mo ko? Pft." Pigil tawang saad ko.

"Bukod sa pagmamahal mo, wala naman na!" Sincere at nakangiti nitong saad.

PAUBAYA || SB19 SEJUN [SB19 Series#1] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon