CHAPTER 19 Big Confession

26 5 0
                                    

|CHAPTER 19: Big Confession|

>>>----------♡----------<<<

Sejun's Pov

Nasa Hospital kami malapit lamang sa Resort nila Jazeera. Matapos kasi ang ginawa naming CPR at pagpump sa chest niya ay hindi pa rin naging sapat para magising siya.

Kung natatanong niyo, hindi ako yung nag CPR sa kaniya si Jazeera, dahil sabi kasi ni Jaz na ayaw ni Airen na may bigla nalang kukuha ng First kiss niya, even na hindi naman siguro yun matatawag na First Kiss dahil, sinasalba lamang namin ang buhay ni Airen.

Gusto pa ngang mangielam ni Jah pero pinigilan ko siya, chansing pa siya. Tsaka kasalanan din nila kung bakit nangyari yun kay Airen, lalo na si Cassie.

Ikinuwento kasi ni Jah na nagpapic si Cassie kay Airen, tapos blurred daw yung pagkakakuha ni Cassie at biglang tinulak si Airen, tapos inaya siya ni Cassie at pinigilan siya na huwag ng iligtas at hayaan nalang even he wants to save Airen. Pero dahil nga, takot siya kay Cassie hindi niya nasuway ito.

Galit ako sa ginawa ni Cassie at galit din naman ako kay Jah. Dahil sa kanila umabot pa sa ganito si Airen. At kapag malala ito baka hindi ko agad sila mapatawad.

"Sinong Gurdian ni Airen Ajero?" Tanong ni Dr. Reyes.

"Kami po!" Tugon naming lahat.

"Maraming tubig ang naipon sa baga niya kaya mahihirapan pa siyang gumising, maybe after 2 days magigising na siya." Tugon ng Doctor.

"Bakit po nagkaganun?" Tanong ni Stell na sobra ang pag-aalala.

"Mahina kasi ang baga niya, kaya ganun ang nangyari!" Sagot naman niya.

"Tatlo lang ang puwedeng magbantay sa kaniya. Pero puwede niyo muna siyang makita bago kayo umuwi." Tugon pa nito.

"Okay po, Thanks Doc." Tugon ko, kaya naman umalis na siya.

"Tara na Guys." Pag-aaya ni Ken.

Pumasok na kami roon. Nakita ko si Airen, maputla ang labi niya at may oxygen na nakakabit sa kaniya, ganun na rin ang apparatus na nakakabit sa wrist niya.

"Hays, imbis na masaya tayo ngayon, ganito pa ang nangyari. Nag-iisip ka ba talaga Cass?" Galit na saad ni Stell.

"Tsk, sa nakakainis siya ehh!" Tugon naman ni Cassie.

"Napaka bitch mo talaga noh, tignan mo ang ginawa mo sa kaibigan ko!" Sigaw naman ni Jazeera at handa ng sugudin si Cassie ng pigilan siya ni Stell.

"Tama na yan, for sure magagalit sa inyo si Airen kapag nag away-away kayo. Ganito nalang ang gawin natin, ako, si Jah at Cass ang magbabantay dito, para pagkagising ni Airen, humingi kayo ng tawad na dalawa, lalo na ikaw Cass." Malamig na tugon ko at tumingin kay Cass.

"Yan ganiyan dapat." Gatong naman ni Josh.

"Huwag ka masyadong ma pride, Cassie." Tugon naman ni Ken ng Seryoso.

"Sige, aalis na kami huh, anong oras na rin. Bawal kaming magtagal dito. Ikaw ng bahala kay Renren, Dre." Saad ni Stell at bilin pa nito sa akin.

"Sure, Dre. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Tugon ko naman.

Umalis na rin sila at tahimik lamang kaming tatlo na nagbabantay dito.
.
.
.
.
.
.
.
Justin's Pov

-2 Days Later-

Ako lamang ang gising sa madaling araw, hindi talaga ako natutulog dahil binabantayan ko ng mabuti si Yen.

PAUBAYA || SB19 SEJUN [SB19 Series#1] (COMPLETED)Where stories live. Discover now