CHAPTER 13 Ignoring

27 5 0
                                    

|CHAPTER 13: Ignoring|

>>>----------♡----------<<<

Airen's Pov

Naka-upo lamang ako sa bench sa Fountain area habang nanonood ng Soccer.

Namiss ko lang manood ng Soccer. Sobrang naeenjoy kasi akong manood niyan at marami ring memories akong iniingatan at ayokong kalimutan.

"Miss mo na ba si Jah na panoorin habang naglalaro niyan? Well later or tomorrow mapapanood mo siya." Bulong sa akin ni Keny. Mas tinawag ko na siyang Keny, dahil close na rin naman kami.

"Ano ba, nakakagulat ka naman ehh. Masama bang manood, porket nanonood miss na agad si Jah? Shut up, I'm waiting to Jazeera." Pagsusungit na saad ko rito.

"Sus, sungit mo naman, deny pa nga. Sige una na ako sa'yo, Aireny!" Mapanuksong ngiti at tingin ang ginawad nito sa akin.

"Yan, mabuti yan, Keny. Shoopie!" Pagtataboy ko pa sa kaniya, tumawa lang naman ito.

"Renren, sabihin mo nga sa akin, hindi mo ba pinapansin si Sejun? Sakin tuloy siya chat ng chat, siniseen mo lang daw chat niya at hindi nirereplyan. Anong nangyari sa'yo? Kinakausap ka na nga nung tao, inisnob mo pa. Hala ka sige, baka mapagod yun." Bungad agad sa akin ni Jaz.

"Wala man lang good morning? Yan agad ang bungad mo? Hayaan mo siya kung mapagod siya, dahil kung mahal niya talaga ako, hindi agad siya mapapagod. 3 araw pa lang ang nakakalipas, susuko agad siya." Saad ko at tumayo na.

"Sungit mo naman. Sorry na, Good morning Sunshine!" Saad pa nito at kumapit sa braso ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy maglakad.

"Hindi ka pa raw kumakain sabi sa akin ni Stell. Kumain ka na muna, bibilhan kita ng sandwich sa Vending machine pagpanik." Saad nito na may pag-aalala.

"Huwag na, okay lang ako, Jaz." Tipid na ngiting saad ko.

Nakarating din naman kami sa harapan ng classroom namin.

"Para matuwa ako sa'yo, palit tayo upuan." Nakangiti kong saad dito.

"Ayoko nga!" Saad naman ni Jaz.

"Ahh ayaw mo, wala kang magagawa, HAHAHAH." Saad ko at tumawa pa.

Inunahan ko na si Jaz sa upuan niya at doon naupo.

"Alis diyan, Renren." Saad ni Jaz, habang hinahatak ako.

"Pagbigyan mo na ako, pretty please." Saad ko at nagpacute pa sa kaniya.

"Fine, ngayon lang araw." Saad nito at umupo sa likuran ko.

"Thanks!" Nasabi ko nalang at nilapag ang bag ko sa gilid.

Pangatlong araw ko na kasing naka-upo rito ehh.

"Airen, can we talk?" Tugon ni Sejun.

"Omg, Keny may naririnig ka ba? Parang may nagsasalita? Ayy guni-guni ko lang yun." Saad ko at nagsapak ng earpods sa tainga ko.

PAUBAYA || SB19 SEJUN [SB19 Series#1] (COMPLETED)Where stories live. Discover now