CHAPTER 8 DATE OR NOT?

23 5 0
                                    

|CHAPTER 8: DATE OR NOT?|

>>>----------♡----------<<<

Airen's Pov

Nagising nalang ako dahil sa alarm clock ko. Nagset kasi ako ng alarm ng 7 am. Ang aga diba, kasi excited ako sa Date namin ni Sejun, joke ang feeling ko talaga, pft.

Dapat nga kapag weekend, pahinga lang ako at bumabangon ako mga 9 or 10 am na, lalo kapag pagod ako. Pero iba ngayon, inaaya ako ni Sejun sa Mall, nakakapagtaka. Puwede namang si Cassie nalang dahil close niya yun or yung Friends niya, pero bakit ako pa?

Binunot ko na ang cellphone ko sa pagkakacharge, kumuha ng mga damit na gagamitin.

Pumasok na ako sa C.R. upang magtoothbrush at maligo.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako na suot ko yung white T-shirt ko na over-sized at pantalon na jeans tsaka nagrubber shoes ako na color black.

Sinuot ko na ang shoulder bag ko at tsaka inayos ang buhok, nagpulbos at nagliptint.

Palabas na sana ako ng pinto ng bigla iyong buksan ni Jaz. "Good morning, Sunshine!" Saad nito na ngiting-ngiti.

Bihis na bihis pa nga ito, nakadress off-shoulder and above the knee na color lavender. Ganda ng best ko, omg. Saan naman kaya ang punta nito.

"Good morning, Jaz!" Nakangiti ko ring bati.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Tanong nito.

Hindi pa man din ako nakakapagsalita ng pumasok na siya at umupo sa kwarto ko.

"Tagal ko ring hindi nakapunta rito." Saad nito at nililibot ang tingin.

"So, bakit ganiyan ang ayos mo? Saan ka pupunta? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasi pupunta ako sa party with Stell. Partner ko siya sa Party." Tugon nito na nakangiti.

May something!

"Omg, crush mo si Kuya Teytey?" Kinikikig na tanong ko sa kaniya.

"Nope, hindi ahh! Nga pala saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" Nagtatakang tanong nito.

"Sa Mall, may date kami ni...Guess who?" Natutuwang saad ko.

"Justin?" Nakangising tanong nito.

"Shut up!" Nakapout na saad ko.

"Sejun? Omg girl!" Saad nito na kinikikig at tumili.

"YES WAAAHH!" Kinikilig na saad ko at nagtatatalon.

"Ehh bakit ganiyan ang suot mo? Date tapos ganiyan?" Nagtatakang saad nito at nagseryoso.

Pumunta ito sa closet ko at kinuha ang color sky blue na dress, ganiyan ang itsura-> 👗

"Luhh huwag, nagjojoke lang naman ako ehh. Hindi ko sure kung date ba o hindi." Saad ko at inilayo ang dress.

"Come on, Renren. First time mong may date at tsaka isipin mo bakit ka niya aayain kung hindi date yan. Ano bang sabi niya sa'yo?" Tanong pa nito.

"Sabi niya babawi raw siya sa akin at pupunta kaming Mall. Kasi iniwan nila ako sa Player's room." Tugon ko.

"Yay, sabi na. Sus, gusto ka lang idate niyan. Kaya suotin mo na 'to." Saad pa nito at tinulak ako sa C.R.

"Fine, sana nga talaga Date." Tugon ko at punasok na sa C.R.

After a couple of minutes ay lumabas na rin ako.

PAUBAYA || SB19 SEJUN [SB19 Series#1] (COMPLETED)Where stories live. Discover now