Two. The Soul

9 2 0
                                    

 
 
  ..Nagising ako na naka higa sa sahig at Napahawak pa ako sa ulo ko nung maramdaman kong sobrang sakit nito dahil sa hang over.!
 
  Dito na pala ako nakatulog sa sala at grabe napaka dumi na ng bahay. Puro bote ng alak at balat ng junkfood kulang nalang ang ipis at daga sa sobrang dumi.
 
 
  Alak kasi ang syang naging sandalan ko dahil kahit kay misty wala na rin akong mukang maiharap sakanya..
 
 
  Bahagya kong inangat ang ulo ko at sumandal ako sa sofa. Isha ano naba nangyayare sayo..! Actually one week na ang nakalipas pero ganito parin ang takbo ng buhay ko.
 
  Gigising Sa umaga. Kakain. Iinom. At iiyak mag damag hanggang sa makatulog.
 
 
  Umiikot lang ako sa paulit ulit na ganong sitwasyon dahil tuwing gigising ako sa umaga halos oras oras pinapaalala saken ng pangyayare ang lahat...na halos puro pag sisisi nalang ang nararamdaman ko. Lumilipas ang mga araw na halos pakiramdam ko hindi kona kaya..kung pwede ko lang ibalik ang pangyayare edi sana ako nalang at hindi sya. Sana kasi ako nalang talaga.
 
 
  Gustuhin ko mang umiyak pero kahit ang mga luha ko ayaw ng dumagsak! Pakiramdam ko tuloy sumisikip yung dibdib ko na halos naiipon don lahat ng lungkot na hindi ko mailabas.... I miss Jonathan so much.!!
 
 
  Lahat nalang ng taon mahal ko iniiwan ako. Si mama.  Si papa.  At ngayon si Jonathan.
 
  —-
 
  Kukunin kona sana yung alak na nasa ibabaw ng table pero bigla nalang may kamay na humawak sa braso ko at pinigilan ako ... Hindi ko pa man naiiangat ang ulo ko para tignan sya pero agad na syang nag salita..
 
 
  "Isha! Can you please stop drinking? Sa tingin mo ba matutuwa si Jonathan na nagkakaganyan ka?" Boses ni misty kaya agad akong napatingin sakanya.. And I could see her eyes, halatang nag pipigil sya ng mga luha nya .. and I knew she was just pretending to be strong..
 
  ..kaya hindi na ako kumibo at pinili ko nalang manahimik..
 
 
  Kahit kay misty kasi nahihiya na akong iharap sakanya ang muka ko!! I know hindi man aminin ni misty pero alam ko na alam nyang kasalanan ko kung bakit na aksidente si Jonathan..
 
 
  Kasalanan ko!! Ako yung may kasalanan ng lahat!! Kung sanang nang ingat ako edi sana!! Sana kasama pa namen sya!! Sana nandito pa sya!! Sana buhay pa sya!!
 
 
  It's all my fault!! Kasalanan ko!! Kasalanan ko!!
 
 
 
  "Isha!" Pag tawag ng attensyon saken ni misty. Heto nanaman kasi ako at nahalata nya pala na nag pupunas ako ng mga luha ko. Finally bumagsak nanaman ang mga luhang ito mas gusto ko pang umiyak kesa ikimkim itong nararamdaman ko. mas masakit kasi. Mas mahirap.
 
 
  My mom told me walang masamang umiyak lalo na kung hindi mona kaya. Habang kinikimkim mo kasi mas humihirap. Mas sumasakit. Pero ang hindi ko kaya yung sabihin ko kay misty yung nararamdaman ko.
 
  Wala akong lakas ng loob para harapin sya dahil alam kong kasalanan ko ang lahat
 
 
  "Hey Isha!" Muling pag tawag nya ng attensyon ko..
 
 
  "Misty! Can you please leave me alone?" Pag pigil ko sa pag sasalita nya "Gusto ko lang mapag isa.. please?."  Dagdag kopa.
 
 
  ...Kinunutan nya ako ng kilay at iniling pa ang ulo nya..  "No Pano kita iiwan? Tignan mo nga yang sarili mo! Pinababayaan mona! Halos puro alak ka nalang!! Pano pag nagkasakit ka? Wait for a minute mag luluto ako! Kumain ka okay?"
 
 
  "Wala akong gana!"
 
 
  "I know!! Pero kailangan mong pilitin kumain!!!" Tumalikod na sya at lumakad papunta sa kosina
 
 
  Actually Hindi ko pinansin ang sinabi ni misty and umalis ako ng bahay ng hindi nag papaalam sakanya.. gusto ko talagang mapag isa..
 
 
  Hindi pa man ako nakalalayo mula sa Bahay ay humarang naman sa harap ko itong land lady.. gosh seriously?? Pero mabuti nalang at may pera pa ako dito mas magandang mag bayad na ako dahil baka pati bahay mawalan ako
 
  "HOY!! ANO NA?? HINDI KAPA BA MAG BABAYAD!! ANONG PETSA NA??" Aray ha ansaket sa tenga!! Kelangan manigaw?? Ang lapit lapit ko lang naman sakanya eh! Saka mag babayad naman na ako ahh..
 
  "Ayan!! Ayan!!!" Wika nya at dinuro duro nya pa yung alak na hawak ko "Mabuti pa sa alak may pambili ka pero pambayad sa upa wala!! Grabe ibang klase ka din noh!!" Ayy grabe galit na galit?? Bakit kaya hindi nalang nya muna ako pag salitain hindi yung puro sermon itong bungad nya saken.. saka mag babayad naman na ako eh..!!
 
  ..Mag sasalita na sana ako pero inunahan nanaman nya ako ng sermon..
 
 
  "Pinagbigyan kita nuong nakaraang linggo dahil sa nangyare sa kaibigan mo pero ngayon!!!. . ." Natigilan sya sa pag sasalita at tinignan nya ako na parang gulat na gulat sya.. pero baket ano bang problema??
 
 
   "oh yung ilong mo!!" Muling wika nya..
 
 
  Agad naman akong napasapo sa ilong ko nung maramdaman kong may tumutulo.. geezz!! Yung ilong ko dumudugo.. shemaay!!
 
 
  "T-teka!! Akala mo ba palulusutin nanaman kita dahil lang dumudugo yang ilong mo ha??" Ayyt grabe naman syang makapag salita..!
 
 
  "Mag babayad po ako!" Ayan at hindi nako nakapag pigil pa..
 
 
  "Kelan pa aber???!" Abat pinamulagatan pa talaga nya ako ng mata..!!! Haystt never mind kunin mo nalang yung pera isha!!
 
  kaya heto at ibinaba ko muna ang bote ng alak na hawak ko saka ko kinuha sa bulsa ko ang natitirang 3k sa wallet ko at inabot ko yun sakanya.. halata namang nagulat sya.
 
 
  "Heto po muna sa ngayon.. Pero wag po kayong mag alala babayaran kopo kayo ng buo bago ako mamatay" wika ko at nag smile pa ako saka ko kinuha yung alak at saka ako lumakad palayo..
 
 
  Actually yung 3k na yun, yun nalang talaga ang natitira kong pera.. pero no choice kundi ibayad na yun sakanya dahil baka wala na akong bahay na mauuwian.
 
 
 
  Heto at hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ako dadalin nito.. at napatigil ako dito sa gilid ng tulay..
 
 
  Tulay kung saan maraming memories ang nabuo pero ngayon natirang mga alaala nalang.. isang malungkot na alaala.
 
 
  Everything was so perfect that time yung mga ngiti nila! Tawanan! Biruan! Lokohan! Na halos pinuno ng saya ang bawat sandali habang para kameng mga bata na naliligo sa ulan..
 
 
  I miss that time na kumpleto kame!! Masaya! At kasama namen si Jonathan..
 
 
  But everything was all gone! At kasalanan ko yun!
 
 
  Napa upo nalang ako habang sariwa pa sa alaala ko ang lahat.. bakit ba kasi sumabay pa yung ilong ko nato sa pag patak ng mga luha ko??  Never mind hindi naman na dumudugo masyado..

Our Parallel WorldWhere stories live. Discover now