Five. New Life

4 2 0
                                    



Seryoso? Etong lalakeng to ay Fiance ni mirasol? Ano ba!!? Sa dami ng tao sa mundong to Aba't dito pa talaga ako napunta sa katawan ng babaeng ikakasal na!! Geezz!! Ayokong mag act na inlove ako sa kanya noh!! Ano bang alam ko sa love eh sa mundo ko nga since birth single ako!!


Kung minamalas ka nga naman Isha!! Ikaw na walang balak mag boyfriend tapos ngayon fiance pa talaga?? Pwede ko bang sabihin na ayokong mag pakasal sakanya?? Pero pano naman si mirasol??


Whatever!! Ilang panahon lang naman siguro akong mag sstay sa katawan nya! Hahanap ako ng paraan para makabalik sa mundo ko!! Hindi ako mag sstay kasama ng lalakeng toh noh!!


"Wag mokong titigan! Alam kong gwapo ako"


Opppsss ano daw!! Bigla akong nabingi tsk. Ang kapal ha!! At ngumiti pa talaga sya!!! 

matangkad, maputi, tas kung umupo pa crossed arms and crossed legs napaka pormado.. alam nyo yun? Serious type.



"Gwapo?? ang kapal ha!!"  Mahinang sinabi ko sa sarili ko kaya Inirapan ko nalang sya.. masyadong assuming eh..!! Haynako!! Hanggang kelan ba kasi ako uupo dito sa sofa kasama sya?? Wala rin naman kameng mapag usapang dalawa.. ano ba kasing ginagawa nya dito?


Pinaka titigan ko lang sya mula ulo hanggang paa.. pero binigyan lang nya ako ng cold na tingin saka sya nag buntong hininga..

"By the way.. sabi ng sister mo nakalimutan mo daw lahat?" Napaka seryoso naman ng pag kakasabi nya.. Pero syempre tuloy na naten ang pag sisinungaling ko. Halleerrr may magagawa paba ako.. "Yap! something like that" i said

Natahimik lang sya pero napansin kong napangiti sya.. woops!! Parang may something ha?? Anong dahilan at bakit sya ngumiti?? Kala nya siguro hindi ko yun napansin.!!


"I forgot everything, Na curious tuloy ako." Dagdag na wika kopa sakanya. Pinaka titigan kopa yung mga mata nya.. hoping na sana mabasa ko kung ano ang iniisip nya!!

Pero tinignan lang nya ako ng seryoso.. "Curious of what?" He said

"Kung anong nagustuhan ko sayo!" Mabilis na tugon ko.. syempre kunyare ako si mirasol.. Duhhh!!

Tinitigan nya lang ako sa mga mata ko na parang ang lalim ng iniisip nya!! hmm Baket!! Ano ba kasi ang tinatago ng mga ngiti nya kanina?? I know merong ibig sabihin yun!! What if arranged marriage lang pala to dahil sa negosyo??.. diba ganon naman sa mayayaman?? No choice lang kaya nag papakasal?? Malay naman naten ganun din pala sila.. So ibig sabihin lang non may posible pa na may reason para mag hiwalay sila.. Hoping na sana ganun nga!! dahil sabihin man naten na hindi ako si mirasol pero, hello!!! nandito naman ako sa katawan nya!! Kaya ayokong maranasan na ikasal sa kanya no!!!



Tinaasan ko lang sya ng kilay.. See hindi sya makasagot.. meaning to say walang love ang namamagitan sa kanilang dalawa.. So ibig sabihin ba nito ay 100% sure na may pag asang hindi matuloy ang kasal nila?? right??? Tama ako diba??


Hindi kona tuloy napigilan pa at napa ngiti na ako.. pero napawi din ang mga ngiti kong yun nung bigla nalang syang tumayo at lumakad palapit saken.. bahagya pa syang yumuko at humawak sa magkabilang arm ng chair ng upuan ko at inilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko..

"Of course kasi gwapo ako! Tinatanong paba yun!!" Pabulong na wika nya na ramdam ko ang mainit ng hangin na nag mumula sa mga labi nya..


Geezz!! Ano ba yan bigla akong kinilabutan. Epal talaga reh!! Kainis ha!! Pwede namang sabihin nya nalang ng maayos at bakit kailangan pang ibulong!!! Landi rin nito eh noh!! Sakalin ko kaya sya, tutal malapit naman saken ang leeg nya!!


But wait!!! Hopya!! Mani! Popcorn!!Ang awkward ng position nameng dalawa!!! Hindi kona tuloy napigilan pa ang sarili ko at walang ano ano ay tinulak sya ng mga kamay ko...

Geeezzz!! Manyakin ba naman ako!!! Bastos na lalakeng toh!!


Halatang nagulat sya dahil sa pag tulak ko sakanya.. pero aba't may gana pa talaga syang ngumiti?? Seriously nang iinis ba talaga sya??


"Hoy!!" Sigaw ko saka ako tumayo..


"Ano ba?? Maririnig naman kita kahit dun ka mag salita oh!!. . ." Dinuro duro kopa yung sofa kung saan sya naka upo kanina.. "hindi naman ako bingi para kailangan ibulong mopa!!. ." Dagdag kopa.


Hindi sya nag salita at parang tanga na tumawa pa!! Aba't tatadyakan kona talaga to!! Tawanan daw ba ako!!


"HOOYYY!! Anong nakakatawa sa sinabi ko??" Inis na usal ko


He smile widely na parang nang iinis pa.. "Nothing!"


Nothing!! Pasalamat ka nag papanggap akong si mirasol pero kung hindi baka natikman mona yung galit ng isang Trisha Catrine Delos Reyes!! Aba't Nakakapag timpi pako nyan ha!!


"Hindi kapa ba aalis!!" Inis na usal ko sakanya.. mataray na kung mataray pero si mirasol ang fiancee nya. hindi ako kaya ano ba pake ko..


"By the way nag punta lang naman talaga ako dito para dalawin ka, masyado akong busy lately kaya hindi kita nadalaw sa Hospital"


Agad naman kaming natawagan ng attensyon dahil biglang tumunog ang cellphone nya.. Kaya agad naman syang lumakad palayo saka nya sinagot yun..


Gaano ba ka private yun at kailangan pang lumayo!! Akala koba fiance nya si mirasol pero kung maka layo sya akala mo naman may tinatago..


After nyang sagutin ang tawag.. ibinulsa nya lang ang phone at sandaling tumingin saken.. "i need to go" he said saka sya nag smile at tumalikod na at nag lakad paalis..


Abat mabuti naman at aalis na sya.. makakahinga na ako ng maluwag luwag..


"Kuya kurt!" Anak ng teteng!! Paalis na eh!! Malapit na nga sa pinto tinawag pa talaga netong misty.. i mean ng cindy nato!! Ayan tuloy huminto pa sya!! Kaasar!


"Kuya aalis kana? Kain ka muna!" Usal ni cindy.. lumapit naman ang maid saka ibinaba ang juice at cookies sa lamesa..
Aba't pinag meryenda pa nga!!

Lumapit naman ako sakanya at siniko ko sya!! Pero Kinunutan lang nya ako ng noo at muling ibinaling ang tingin nya dun sa kurt na yun.. kaasar ha!!


Lumakad naman syang palapit samin.. "no need but thanks.. i need to go na rin dahil may business pa akong aasikasuhin.."


"Ah ganun ba.."


"Hmm.." tugon nya kay cindy at nag smile lang sya saka nya ibinaling ang paningin nya saken.. "Bye Hon!" Dagdag nya. Ano daw?? Hon?? Nakaka umay ha!! pero bakit biglang nag bago ang ihip ng hangin at bakit bigla nalang syang naging sweet ha? Kanina lang aalis nalang bigla tapos ngayon???


Abat Teka nga!! loko tong lalakeng to ah hawakan daw ba ako sa bewang!! Wohh!! Teka bakit naka nguso sya!!? Hala?? I ki-kiss nya ba ako??? Geezzz!! Dali dali ko tuloy tinakpan ang bibig nya gamit ang palad ko!! Aba!! Bebeso pa talaga!! Kapag di ako nakapag pigil Sasakalin kona talaga to!!


"Makakaalis kana" i said saka ko bahagyang tinulak yung muka nya palayo sa muka ko..!! Manyak!! Kaasar!!

Nag smile lang sya saka nag salita.
"Okay.. alis nako.. bye cindy" He said at humabol nanaman ng ngiti bago lumakad paalis..



"Hoy ate nag away ba kayo?" Seryosong tanong nya saken.


"Kame?"


"Kakaiba lang, nakakapanibago!" Usal nya at napa kibit balikat pa sya.


"What do you mean?"


"Wala naman ang sweet nyo kasi sa isat isa pero ngayon parang galit ka sakanya"


Cheezz!! So sweet pala sila sa isat isa.. so mali pala ako ng iniisip ko kanina na hindi sila nag mamahalang dalawa?? So yung 100% chance na mag hiwalay sila ay nasa 10% lang???


Arrggghhh!! Anong gagawin ko?? Ayokong mag pakasal noooohh!!! Hindi ako papayag na mangyare yon!!

Kailangan kong gumawa ng paraan para makabalik sa katawan ko at sa mundo ko!!


Pero pano???


***


Agad akong napatingin sa pinto nung bigla yung bumukas at pumasok dun si kristan..


"Hey Sol, nandito na ang doctor mo" usal nya


"Doctor ko?" Gulat na tugon ko


"Owh i forgot to say.. mom call your doctor para mas ma-check ka daw kung talagang okay kana"


"Im really okay naman na talaga"


"Well alam mo naman si mommy sigurista lalo nat alam nyang nakalimutan mo mga bagay bagay"

Haysstt pag sinabi ko sa kanila na hindi ako si mirasol baka isipin nila nababaliw nako. Kaya kailangan kona talagang pag aralan ang mga bagay na alam ni mirasol habang inaalam kung paano makakabalik sa mundo ko. Pero sa ngayon kelangan ko munang maka survive dito.



———

"Actually wala naman ng dapat ipagalala okay naman na ang braso at ibang sugat mo hindi naman malalim yung sugat kaya mga ilang linggo lang ang gamutan." Usal nung doctor

"See sabi sayo okay lang ako!" wika ko kay cindy na nandito at nakatayo sa likod ko.

"Eh doc. Yung about po sa alaala ng ate ko?" Seriously?? But wait tatadyakan ko itong doktor nato pag sinabi nyang may sakit ako!! Tss!!

"Actually wala naman kameng nakitang problema or damage sa brain nya." Aba parang narinig nya yung sinabi ng utak ko ah haha

"So bakit hindi nya po kame maalala?" Haysst Kasi cindy hindi naman ako si mirasol.. duhh!!

"dissociative amnesia" Ouuppxxss!! Ano daw??

"Dissociative A? Amnesia" usal ko naman... sinasabi nya bang may sakit ako?? Kung pwede nga sana na ganun lang eh kaso hindi dahil nandito ako sa mundo nila at nandito ako sa katawan ng taong hindi ko kilala

"maaaring magkaroon ng amnesia mula sa aksidente, matinding troma sa emosyon gaya ng pagkakasaksi sa isang matinding pangyayare o pagiging biktima mismo.. kaya ito ang marahil siguro na dahilan kung bakit nawala ang mga alaala nya"

"Kung ganon ano po gamot para gumaling ang ate ko?"

"Sa ngayon ay wala pang gamot na makapagpapabalik sa memoryang nawala. Ang tanging gamutan lamang na magagawa sa pagkakaroon ng amnesia ay mga therapy na makatutulong sa pagpapatibay ng natitirang alaala at pagpapalakas sa pagsagap ng mga bagong impormasyon." Usal ng doctor

T-teka?? Therapy?? Sasabihin kona ba sa kanila na hindi talaga ako si mirasol??? Mama koooooooo!!!! Matino papo pag iisip kooooo!!!

Our Parallel WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora