/07/

0 0 0
                                    

CHAPTER 07












"Mahal ko po ang anak niyo." sabi niya habang matapang na nakatingin ng deretso sa mata ng mommy ni Kenzo.

"1.5 million, umalis kana." pag aalok nito ng pera.

Alam na n’yang gagawin ito ng ina ni Kenzo. Pera ang gagawing paraan para mapalayo siya kay Kenzo. Ngunit wala siyang pakialam sa pera. Buo na ang desisyon niya. Mahal niya si Kemzo at hindi niya hahayaang may sumira nanaman sa kanilang dalawa.

"Wala pong dahilan para tanggapin ko ang perang inaalok niyo. Mahal ko po ang anak niyo. Kung may pagkakamali man ako noon, pinagsisihan ko na po ‘yon." matapang niyang sabi.

"I don’t believe you. You hurt him once, I wont let you hurt my son again. Pera lang ang importante sayo, ganyan ba talaga pag galing sa hirap." may diin ang bawat salita nito.

Nakaramdam siya ng galit dahil sa panginginsulto nito.

"Ma’am you ask me for it, remember?" may diin sa salita na ‘maam’.

"You cant hide the fact that you choice money than Kenzo. And now babalik ka porque na gastos mo na ang pera, kapal naman ng mukha mo." wala paring emosyon na sabi nito.

Sobra na ang galit na nararamdaman niya ngunit ang mommy ni Kenzo ay parang walang pakialam habang patuloy na kumakain.

"I will choose to be happy, I will choose Kenzo now." sabi niya

Nagkibit balikan lang ito. Nainsulto siya sa inasta nito ngunit bumuntong hininga nalang siya. Baka bumalik na rin si Kenzo, ayaw niya na makita pa nito na nag aaway sila.

"Kung mahal mo ang anak ko, bakit tinanggap mo yung pera noon. Pinili mo ang salapi kaysa sa pagmamahal mo kuno kay Kenzo. Bakit pinili mo ang pansariling interes at hayaang masaktan ang anak ko." sabi ng ina ni Kenzo.

"May sakit po ang nanay ko no’n, wala akong ibang pagpipilian kaya tinanggap ko yung pera." pag-amin niya. "Mahirap lang po kami, at alam ko na yun ang dahilan kung bakit ayaw niyo ako para kay Kenzo." maluha luha niyang sabi.

Ang mga maling desisyon niya noon. Ang mga padalos dalos na desisyon niya na pinagsisisihan niya ngayon.

"Sa tingin mo mauuto mo ako. Dinamay mo pa ang nanay mo sa pagiging mukhang pera, o baka naman magkasabwat kayo." Sabi nito.

Uminit ang dugo niya dahil sa sinabi nito.

"Ma walang galang na po, ‘wag niyong idamay sa panginginsulto niyo ang nanay ko."

"Its not panginginsulto iha. Masakit ba ang katutuhanan?"

Hindi na siya nagsalita pang muli. Sa totoo lang ay gusto na niyang magalit, umiyak, sumigaw pero hindi niya ugaling magpatalo, hindi siya susuko.

"Hindi ako naniniwala sa pagmamahal na sinasabi mo, hindi ikaw ang para sa anak ko." muling pagsasalita ng mommy ni Kenzo.

"Mahal ko po si Kenzo." sabi niya.

"Maglalaho din ang pagmamahal na yan. Iiwan mo ulit ang anak ko." sabi nito.

"Alam ko naman po na kahit anong gawin ko hindi niyo ako magugustohan para kay Kenzo."

"Buti alam mo."

"Kasi si Cristine po ang gusto niyo para sa kanya."

"Dahil sila naman dapat."

"Ang tagal na nilang magkasama sa trabaho, eh bakit hindi pa nagiging sila."

"They need to focus on there career first. Don’t rush, I’m sure its around the corner."

Into My ExWhere stories live. Discover now