/01/

3 0 0
                                    

CHAPTER 01








Nagising si Karyl dahil sa ingay mula sa cellphone na nasa gilid ng higaan niya. Madaling araw na siya nakakatulog kaya mataas na ang sikat ng araw siya nagigising. Hindi madali para sa kanya ang pagiging Online English Language Tutor. Minsan ay hindi na siya nakakatulog dahil sa pag aaral ng wikang Ingles.


"Hello." tamad ang boses na sagot niya sa tawag.

"Hindi pa ba tumawag sayo si Chacha?" tanong ni Glysa.

Kaibigan niya na nakilala niya sa kompanyang pinagtatrabahoan.

"Hindi pa naman, kakagising ko lang eh. Bakit anong meron?" tanong niya.

"Girl! May especial class daw tayo!?" halos pa sigaw nitong sabi.

Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng kaibigan.


"Especial Class?" kunot noo paring tanong niya.

"Especial Class, face to face tutor, pupuntahan mismo natin yung tuturoan natin" Pag papaliwanag ng kaibigan.

Kahit sanay na sila sa wikang ingles ay mas sanay parin nilang gamitin ang saraling wika.

"Eh sino naman yung tuturoan natin?" Tanong niya.

"Yung P-POP Boy group na Into 5!" excited nitong sabi mula sa kabilang linya.

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone dahil sa bigla. Hindi siya mapakali, kaya't bumangon na siya.

No hindi pwede! Bakit sila pa?

Tinignan niya muli ang cellphone. Wala na ang tawag, seguro ay pinatay na ni Glysa ang tawag.

Wag ka ng bitter self! Nakamove on kana diba? Ipakita mo sa kanya na wla na siyang halaga! Hindi mo na siya mahal. Ok? Trabaho lang bawal marupok!

Kung ang P-POP Boy Group na Into 5 man ang next tutor class niya. Kailangan niya seguradohin na hindi na siya magiging marupok kay Kenzo Kyl Ramuz.






"KAILAN po ba yung start namin?" Tanong ni Karyl kay Mamo.

Pag katapos ng tawag niya kanina ay naisipan nila na mag kita kita para mapag usapan ng maayus ang gagawing especial class. Sa isang sikat na fast-foodchain sila nag kita kita. Unang beses nilang sumabak sa isang face to face tutor at sa kasamaang palad ay ang P-POP boy group na Into 5 pa.


"Next month. 6 Months ang contract niyo. All you have to do is to tutor them, how to speak english, correct accent, pronouns the language correctly." pag papaliwanag ni Mamo, connection nila sa companyang pinag tatrabahoan.

"tss, ang dali naman pala eh. Ang tagal ko na sa trabaho na 'to kaya sanay na ako. Pwede na nga akong makapag asawa ng americano eh" kompiyansang sabi ni Glysa.

Tumawa nalang sila ni Mamo. Hindi na siya muling nag salita. Patuloy parin niya iniisip ang gagawin sa oras na mag tagpo sila ni Kenzo. Kinakabahan siya sa naiisip na baka bumigay nanaman siya. Ayaw na niya maging marupok. Sawa na siya don. Pero, paano kung nag bago na ito? Tapos marealize niya na mhal parin siya nito. Tatanggapin ba niya ito ulit? Teka! Bakit nga ba iniisip at kunakabahan parin siya dahil sa lalaking yun? Ibig bang sabihin ay----

"Oh! I forgot, hindi lang pala english language ang aaralin niyo pati rin pala Korean and Japanese languages. I know that's easy for you both. International language tutor kayo." pag papaliwanag ni Mamo, saka uminom ng Coke Float

Into My ExWhere stories live. Discover now