/02/

4 0 0
                                    

CHAPTER 02








"Lets plan the schedule. Around 2 months, Im sure that you already know how to speak the English language, correctly." pagplano ni Glysa sa schedule.


"And the 4 months left, how to speak Korean and Japanese naman Ang ituturo namin." pag papatuloy niya.

Tumango lang ang lima. Sa mukha nito ay talagang seryuso na matuto. Hindi siya fan ng grupo ngunit alam niya ang pangalan ng bawat isa.

Si Max, may lahi itong koreano kaya medyo singkit. Hindi sila mahihirapan na turuan ito sa wikang Korean.

Si Jilou, ang leader ng grupo. Ito din ang pinaka matanda. Purong pinoy ito.

Si Carl. Half pinoy, half american. Pinaka magaling sumayaw.

Si Ivan, Purong pinoy din ito. Pinaka magaling pag dating sa rap.

At huli si Kenzo. Ang visual at isa sa pinaka sikat sa grupo. Purong pinoy ito.

"I guess Kenzo really need to learn the Korean language. You and Cristine have an upcoming movie." pag kausap ni Max kay Kenzo.

"yeah, and sa Korean gaganapin." Walang ganang sabi ni Kenzo.

Nakakaramdam siya ng hindi pagka komportable. Dahil seguro sa epekto sa kanya ni Kenzo. Pero, bakit parang wala man lang siyang epekto para kay Kenzo. Wlang makikitang emosyon sa mukha nito. Talaga bang hindi na siya nito mahal? Nakamoveon na ba talaga ito sa kanya?

"So every weekend ang schedule ng pag punta niyo dito?" tanong ni Jilou.

Tumango naman si Glysa.

The day went well. Masaya kasama ang grupo. Marunong sila makisama. Seguro ay nasanay na rin sila. Sa mundo ng pagiging sikat, dapat maganda ang asal na ipapakita mo. Kasi kung mag kamali ka, dedektahan ka agad ng ibang tao.

The band already know how to speak english. Specially Carl, sa loob ng 2 months siya lang ang chill. Bihasa na siya sa wikang ingles. Ang iba naman ay marunong naman sa wika, ngunit kailangan pa ng kaunting practice sa kung paano ito ibibigkas.

Pagkatapos nila galing sa condo ng grupo ng Into 5 ay deretso na bahay ang uwi niya. Nagaya pa sana si Glysa na mag mall, pero tinanggihan niya. Pag pasok palang ay ang ate niya ang agad na sumalubong sa kanya. Dederetso na sana siya sa hagdan patungo sa kwarto niya, ngunit hinarang siya nito.

"Opss, san ka pupunta. Kakain na tayo." sabi ng ate niya na nakaharang parin sa harap niya.

"Ate 5:00 pm pa lang" sabi niya sabay pakita ng relo.

"Pake ko? Doon tayo sa sala maghintay" hindi nag papapigil na sabi nito.

"Mag hihintay o mag chichismisan? ate talaga oh. Nasaan ba si mama at ng maisali sa chika?" natatawa niya sabi.

"Wait lang tatawagin ko." pag kasabi ng ate niya ay agad itong tumakbo patungo sa kusina.

Umiling naman siya. Ang swerte talaga niya dahil sa pamilya niya. Hindi mawala ang ngiti niya sa labi habang kita niya ang ate at mama na lumabas ng kusina. Nag pupunas pa ng kamay ang ina. Natatawa na nag tungo nalang siya sa sofa.

"Katatapos ko lang mag luto. Ano bang chika? Kinukulit ako ng ate mo eh" tanong ng kanyang ina.

"Ma, ganito kasi yun. Kilala mo si Kenzo dba?" pag uumpisa niya

"Oo, yung palaging nag pupunta dati dito. Yung ex-boyfriend mo." pag alala ni mama.

"Ma, sila po kasi yung tinuturuan namin ngayon. Especial class po, kami mismo yung pupunta sa kanila." pag papaliwanag ko.

Into My ExWhere stories live. Discover now