/09/

0 0 0
                                    

CHAPTER 09













Pagkauwi niya ay sakto namang sabay na kumakain ang kanyang mama at papa. Sumabay nalang din siya. Umupo siya sa tabi ng mama niya.

"Nasaan po si ate?" agad na tanong niya.

"May lakad daw e, bukas pa uuwi." sagot naman ng mama niya.

"Akala ko nga hindi ka ngayon uuwi, mula kaninang umaga ka pa wala e. hindi naman ako nagalala kasi sabi mo may lakad kayo ng katrabaho mo." sabi ng papa niya.

Hindi siya nakasagot agad. Iniisip pa niya ang idadahilan sa magulang niya.

"Umuwi po ako agad. May trabaho pa po kasi ako." pagsisinungaling niya, kahit ang totoo ay wala siya tutor ngayon.

Tumango nalang ang magulang niya. Hindi niya na hinabaan ang paliwanag dahil baka malaman lang nito na nagdadahilan lang siya.

Pagkatapos kumain ay siya ang nag hugas ng mga pinagkainan. Pagkatapos ay agad na siya nag tungo sa kwarto niya. Hindi pa rin matahimik sa isip niya ang mga nangyari. Binabagabag pa rin ng mga katanongan sa isip niya.

Naligo muna siya at pagkatapos ay nagpatuyo ng buhok saka humiga sa kama. Wala naman siyang tutor ngayon kaya naisipan niya na sayangin ang oras sa social media. Humupa na ang issue tungkol sa kanila ni Cristine. Sana naman wala nang magbuhos sakin ng kung ano ano.

Habang nanood ng mga video sa tiktok ay napansin niya agad ang bagong dating na email galing sa kompanya na pinagtatrabahoan niya. Agad niya itong binuksan. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa nabasa niya. Hindi niya sinagot ang email, hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ngayon pa ba niya iiwan si Kenzo kung saan alam na niya na nahuhulog na ulit ito sa kanya.


KINABUKASAN ay ang cellphone niya ang gumising kanya. Agad niyang itong sinagot ng hindi manlang tinitignan kung sino iyon.

"Hello?" sabi niya. Inaantok pa ang boses nito.

"Did I wake you up?” tanong ng nasa kabilang linya.

Agad siyang napabangon ng maring ang boses ni Kenzo.

"Kenzo? Pano mo nakuha number ko?" natataranta niyang tanong.

Rinig niya ang pagtawa ni Kenzo sa kabilang linya.

"Ba’t ka tumatawa? Nakakainis!" pabiro niyang sabi.

"Hindi ako tumatawa." sabi nito habang patuloy pa rin sa pag tawa.

Umirap nalang siya sa kawalan.

"Tinawagan na kita sa number na ‘to, remember?" sabi nito.

Doon niya lang naalala na alam na pala ni Kenzo ang number niya. At ayaw na niyang maalala pa ang mga nangyari sa araw na iyon.

"Ba’t ka nga pala tumawag? Miss mo na ako agad?" pabiro niyang tanong.

"Actually yes, I miss you." sabi nito.

Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Hindi man lang nagdeny.

"Ba’t hindi ka makapagsalita? Kinikilig ka ‘no?" pang aasar nito.

"Feeling mo naman." sabi niya. Umirap pa siya na para bang makikita iyon ng nasa kabilang linya.

"Deny pa eh. Chill, alam kong gusto mo na akong makita." sabi nito.

"Duh nagkita palang tayo kahapon, hindi kita namimiss." laban niya,

"Oh speaking of kahapon, nabitin ka ba?" tanong nito sabay tawa.

Into My ExOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz