/11/

0 0 0
                                    

CHAPTER 11






“L.U.? Gaga, sure ka?” tanong niya.

Nasa kwarto sila at nag aayos na siya ng mga gamit at damit na dadalhin.

“Oo, I miss La Union. Remember the old days--college days.” masaya nitong sabi.

“ uwi tayo ng Wednesday huh?” sabi niya.

“agad agad? Sunday na tayo umuwi.” sabi nito.

“gaga, may tutor ako sa Wednesday.” sabi niya.

“anong oras? Gabi?” tanong nito.

“ umaga, alas otso ng umaga. Kaya iuwi mo ako agad.” sabi niya.

Hindi ito tumugon.

“kung wala kang trabaho ngayong linggo, ako meron, kaya ‘wag mo ako edamay” sabi niya.

Tumawa lang ito. Nagpaalam na siya sa mama at papa, pati na rin sa ate niya. Si Clesea ang nag drive, natulog lang siya buong biyahe, madaling araw na kasi siya nakatulog dahil may tutor siya kagabi. Ginising na lang siya ni Chelsea ng nasa La Union na sila. Ang haba pala ng tulog ko.

“mukhang ang mahal dito ah.” sabi niya.

Bumaba na sila ng sasakyan.

“arte nito.” umirap ito. “libre ko.” sabi nito habang kinukuha sa backseat ang kanyang bag.

“Hindi mo naman sinabi agad. ‘san ba hotel natin?” sabi niya at umakto pa na parang may hinahanap.

Nauna na si Chelsea patungo sa hotel nila, sumunod naman siya. Pagkarating sa kwarto ay agad na nahiga si Chelsea sa kama. Dalawa ang kama na naroon, parehong single bed.

“inom tayo.” pag-aya niya.

“tulog muna ako. Nakakapagod kaya mag drive.” sabi nito habang nakapikit na ang mga mata.

“sayang oras natin kung itutulog lang.” pagpipilit niya.

“kung gusto mo uminom, mag-isa ka, basta ako matutulog ako.” sabi nito sabay talikod.

Umirap nalang siya.

Lumabas siya ng kwarto. Nagtungo siya sa tabing dagat, mukhang may music festival na gaganapin, marami kasing tao doon na nagaayos ng stage. Matagal na rin siyang hindi nakakapasyal sa dagat. Umupo muna siya sa buhangin habang malayo ang tingin. Ilang sandali pa ay bigla siyang nakaramdam ng gutom, kaya nagtungo siya sa pinaka malapit na restaurant, nag takeout siya ng dalawang order ng bagnet.

Pagkabalik niya ng kwarto ay tulog pa rin si Chelsea kaya natulog na rin muna siya. Madilim na nang paggising niya. Gising na rin si Chelsea at kinakain ang bagnet na binili niya kanina.

“gutom ikaw?” tanong niya.

“buti nga gumising ka, kung hindi, ubos na ‘tong dalawang ‘to.” sabi nito habang patuloy pa rin sa pagkain.

Umirap nalang siya.

Kumain na rin siya. Hindi pa nangangalahati ang pagkain niya ngunit ubos na ang kay Chelsea.

“inom tayo.” sabi ni Chelsea.

“tubig? Sige, uhaw na rin ako eh.” sabi niya.

“ewan ko sayo.” sabi nito sabay tayo para itapon sa basurahan ang pinaglagyan ng bagnet.

Patuloy lang siya sa pagkain. Alam niya na magaaya itong uminom pagkagising kaya hindi na muna siya uminom kanina.

“labas na tayo.” sabi ni Chelsea.

Tinapos na niya ang pagkain.

“libre mo huh?” sabi niya.

“kapal mo, puro ka palibre, may pera ka naman.” sabi nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into My ExWhere stories live. Discover now