03

1.3K 54 0
                                    

CHAPTER THREE

"Tay!" Sigaw ko pagkatapos kung sinara ang pinto ng bahay.

"Oh, anak." Mula sa sala ay lumapit sila sa akin, tulak-tulak ng bunso ang wheelchair ni tatay. "Kumusta ang trabaho."

Hinalikan ko sa pisngi si tatay at ganoon din sa kapatid kong si Bechay.

"Okay naman tay, lalo na ngayon, may pasalubong ako sainyo! Tsaran!"

Pinakita ko sakanila ang hawak ko na eco bag na may lamang pagkain, ang iba ay sa market ko kinuha, at meron ding uniform ng kapatid ko doon, isa lang kasi ang pares ng uniform niya kaya bumili ako sa paaralan nila.

"Ay ate! Mayroon akong uniform?! Hala, salamat ate, mahal na mahal po kita." Niyakap ko si Bechay ng mahigpit.

Yumuko ako saka pinagpantay ang mga mukha namin. "Basta tandaan mo iyong lagi naming sinasabi sa iyo ah?" Ginulo ko ang buhok niya. "Mag-aaral ng mabuti kahit na hindi tayo mayaman, pero pangako ni ate na pag-aaralin kita."

"Salamat po ate." Malaki ang ngiti niya.

"Oh, sige na, punta ka na sa taas at isukat mo iyan."

Tumango siya saka umakyat sakanyang silid.

"Anak..."

"Po?" Tumingin ako sa tatay ko.

"Saan ka kumuha ng ganoong pera, hindi mo naman sweldo ngayong araw ah, sa isang linggo pa iyon diba?"

Natahimik ako, sasabihin ko ba? "Sa isa po naming mayamang kustomer kanina, nagkataon po kasi na ano... Mabait po siya kaya binigyan niya ako ng 10,000 sa pagrerepair sa kotse niya."

Tumitig siya sa akin na hindi naniniwala.

Umismid ako. "Tay naman! Pinagdududahan niyo ba ako?"

Umiling siya. "Hindi, pero kung may ginawa kang kalokohan..."

"Tay, wala po! Trabaho lang ginawa ko, nasaan si nay?"

"Naglalaba ng mga damit sa labas."

"Pupuntahan ko po, tay."

"Sige."

Sumilip muna ako sa labas, sa likuran ng bahay namin at nang nakita ko si mama na naaarawan sa paglalaba.

"Nay," napatingin siya sa akin. Hinalikan ko siya sa pigsngi. "Ako nalang kaya diyan, nay, amoy araw ka na."

Napaigik ako nang kinurot niya ako sa tagiliran. "Ay! Tumahimik ka! Naglalaba ako dito."

Umupo ako sa harapan niya, nasa gitna namin ang palanggana kung saan nakalagay ang mga laba. "Kaya nga ho ako na diyan total wala naman akong ginagawa."

Tumitig sa akin ang nanay ko. "Galing kang trabaho."

"Kahit na nay," Itinaas ko ang braso ko saka pinakita ang muscles ko. "Oh ayan, tingnan mo nay, malakas ako."

Napatingin ako sa kanya nang lumuha siya. "Bakit, nay?"

Pinunasan niya iyon saka suminghot bago ngumiti. "Eh kasi ikaw iyong nagtratrabaho, naawa ako sa iyo."

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon