12

1.4K 54 4
                                    

CHAPTER TWELVE

A/N: Cover your eyes... NYAHAHA! Joke!😆

🖤🖤🖤

At basta nalang niya akong hinila paalis sa C.R.

Nagtataka ako kung bakit niya ako hinila hanggang sa stage. Hindi parin ako binibitawan. Lumapit kami sa mga magulang niya.

"Mom, dad... I wanted to leave right after your party, but this naughty girl here." Tumingin siya sa akin. "Has gotten into my nerves, she deserves a punishment."

"Arlo." Ang nanay ni Arlo ang nagsalita ngunit pinigilan siya ni Mr. Vergara.

"Let them be."

Napabuntong-hininga si Mrs. Vergara. "Okay."

Hinalikan ni Arlo ang mga magulang niya tapos ay hinila ako palabas sa bahay na iyon.

Nang nasa tapat na kami ng kotse niya ay saka niya ako binitawan.

"Sakay."

"Iuuwi mo ako?"

"Sakay!"

"Tsk! Oo, eto na nga!" Padabog akong sumakay sa kotse niya.

Nang makapasok siya ay doon sa driver's seat ay agad siyang nagmaneho, tahimik kaya ganoon din ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ay hinila niya ako mula sa kotse at pinasok ako sa isang kuwarto.

Luminga ako. "Anong ginagawa natin dito?"

Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya sa gilid ng kama.

"May ipagtatapat ako sa iyo, pwede kang magalit sa akin o hindi..."

"Ano..."

"Noong una tayong nagkita, sinapak, tinuhod mo ako dahil sabi momg inahas ko ang girlfriend mo, tinanong ko muna siya kung may karelasyon ka pero sabi niya ay wala kaya ko siya pinatulan, pero hindi ko alam na meron pala siyang karelasyon at ikaw iyon... Nagalit ako sa iyo, nainis ako oo at hinihiling na sana magkita tayong muli para makabawi ako..."

Tumingin siya sa akin. "Noong pumasok ako sa Blade shop, hindi ko alam na nandoon ka pero noong nakita kita nagkaroon ako ng interest para ika'y akitin. Sabi ko sa sarili ko na magiging akin ka rin, kukunin ko ang pinagkakaingatan mo, tapos noon ay iiwan kita para tuluyang masira ang buhay mo."

Napatakip ako sa bibig, luha ko'y nagbababdya.

"Pero habang tumatagal, nag-iiba ang plano ko, sinira mo iyon at nawala sa utak ko na sirain ang buhay mo." Tumayo siya at lumapit sa akin, hinawakan niya ang kamay ko. "Pwede ang magalit sa akin, pwede mo akong suntukin o kahit ano pa basta't mawala ang galit mo, pwede mo akong patigilin sa panliligaw sa iyo..."

Suminghot ako. "Oo galit ako sa iyo, gusto kitang suntukin o kahit ano pa pero alam kung hindi iyon sapat sa sakit na nararamdaman ko ngayon, Arlo. At papatigilin rin kita sa panliligaw mo."

Natigilan siya, takot ang reaksyon niya kaya ngumisi ako.

"Takot ka?"

Tumango-tango siya. "Oo, pero kung- kung ano ang magiging desisyon mo, rerespetuhin ko kahit na mahihirapan ako kasi nahulog na ako sa iyo."

"Umiiyak ka?" Tudyo ko.

At nang suminghot siya ay patunay na umiyak siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi hindi ko inaasahan sa lahat ng kalukuhan ko, parang hindi ako desrve para sa iyo..."

"Shhh!"

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon