11

1.3K 56 2
                                    

CHAPTER ELEVEN

Tumigil ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng kahihiyan kaya napatigil narin si Arlo at tiningnan ako tapos ay ngumiti siya na para bang alam niya kung bakit ako tumigil. Haplos niya ang aking kamay na malamig. "Nahihiya ka?" Mahina niyang tanong.

Nakakatawa man ay nahihiya ako kasi talagang ang daming mayayaman sa party na ito, na pakiramdam ko, hindi ako nararapat dito.

"Huwag kang mahiya, nandito ako diba?" Tumango ako. "Kaya ako ang bahala sa iyo, ngayong gabi ay ang anniversary ng kasal ng mga magulang ko at may malaki akong sorpresa sa iyo."

Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya at saka umatras. Hindi makapaniwalang tumingin sakanya. "Bakit hindi mo sinabi?"

Lumapit siya sa akin at hinila ang baywang ko kaya nanghihina ang mga tuhod ko. "Kasi gusto kitang sorpresahin."

Napapikit ako nang tumama ang hininga niya sa mukha ko. Sinusubukan ko siyang itulak kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-Arlo—" Nanghihinang bulong ko.

"What?" Ang laki ng ngisi niya.

"Ah, eh, kasi—"

Bumaba ang tingin ko sa labi niya.

"Hep! Hep! Doing P.D.A outside my house." Malakas kong tinulak si Arlo, agad naman siyang napatingin sa nagsalita.

Napanganga ako pagkatapos makita ang may kaedaran na babae sa harapan ko. Bagay sakanya ang suot, elegante at halatang suot ng may kaya sa buhay.

Tumingin ako sa mukha niya, ang ganda niya, na para bang iyong naaalagaan siya ng husto.

"Arlo, who's that girl?" Tanong ng tinitingnan ko, sa lakas ng tanong ng babae ay siguro may mga nakakarinig kaya sunod-sunod ay may mga lumabas mula sa napakalawak na gate na iyon.

Ang iba ay pamilyar, dahil sila ang mga lalaking nakita ko sa club noon.

At meron ding magagandang mga babae na lumabas mula sa gate na iyon. Napayuko ako at saka lumipat sa likuran ni Arlo. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang humarap sa akin si Arlo at saka iyon hinalikan. "Nandito lang ako." Mahinang bulong niya.

Pinisil ko ang kamay niya. "Gusto kong umuwi..." Bulong ko.

"Hindi mo naman kailangang umuwi, nandito ako..."

"Arlo, I will ask you once again, sino ang babaeng iyan?"

"Siya si Avani Gelle Vernadero, mom at pwede po bang magtagalog kayo- she can't understand english, just a little..."

"Oh?" Tumingin ang nanay ni Arlo sa akin na tila ba nagulat. Umiwas ako ng tingin kasi pakiramdam ko ay galit siya. "Ang dalagang lagi mong binanggit sa amin."

"Hindi ba sinabi mo sa akin na siya ang girlfriend mo kanina lang?" Tanong ng isang pamilyar na babae, iyong ate ni Arlo.

Natahimik siya ng ilang sandali tapos ay nagsalita."Hindi iyon ang totoo kasi nililigawan ko pa siya."

"Woah! Dude!"

"The number one chickboy, nanliligaw sa unang pagkakataon, that's new."

"Kasi iyon ang gusto ko."

"Honey, the party will be-" Napatigil ang isang may kaedarang lalaki sa pagsasalita pagkatapos kaming balingan. "Oh, Arlo-" Lumapit siya sa amin at niyakap si Arlo tapos ay tumingin sa akin na nakakunot no. "Sino ka?"

"Uhm— Ako po si Avani Vernadero po." Nakangiting ani ko.

"Ow- and you're my son's partner for tonight?"

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon